(Saskia)
Saang sulok ng langit ko matatagpuan?
Kapalarang 'di natitikman, sa pangarap lang namasdan
-
Isang lingon sa langit at isang ngiting wagas
May talang kikislap, gabay patungo sa tamang landas
-
Unti-unting mararating, kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa 'king paggising, kapiling ko'y pangarap na bituin
-
Tila nangangarap akong nakatingin ngayon sa babaeng nasa stage habang kinakanta ang favorite song ko. Ang musika na inspirasyon ko sa buhay.
Napakaganda talaga ng kanyang boses. Kaya proud na proud ako sa kanya. Matalino, maganda at talented pa. At sino nga ba ang tinutukoy ko na syang kumakanta ngayon? Walang iba kundi ang aking kakambal na si Amari. Kakambal ko nga sya kahit hindi naman kami magkamukha. Fraternal twins kami. Maputi sya, mestiza tignan, habang morena naman ako. Pero, magkakambal talaga kaming dalawa.
Sumali sya sa isang singing contest at kinanta nya ang favorite song naming dalawa. Parehong matayog ang pangarap naming dalawa at naniniwala kami na balang araw, matutupad din ang mga iyon.
Oo nga pala, ako nga pala si Saskia Monica Santos.
-
Ilang sulok sa lupa, may kubling nalulumbay?
Mga sanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit, nais magbagong-buhay
Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas
-
Unti-unting mararating, kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa 'king paggising, kapiling ko'y pangarap na bituin
-
Ulilang lubos na kami ni Amari, mga mahigit isang taon na ang nakakalipas. 14 palang kami ni Amari nang sabay na namatay ang aming mga magulang sa isang aksidente. Traysikel driver ang aming ama. Magkasama noon ang aming mga magulang nang nabangga ang traysikel na minamaneho ng aking ama.
Mula nung, ang nangangalaga na sa aming dalawa ni Amari ay ang tiya namin na parang ipinaglihi sa sama ng loob sa kasungitan. Pero, hindi naman talaga nya kami inaalagaan, bagkus, para ngang kaming dalawa ni Amari ang nag- aalaga sa kanya. Mas mainam narin ito para may guardian kaming matatawag, at baka paghiwalayin pa kami ni Amari. Menor de edad pa kasi kami, 16 years old. Pero hindi iyon halata sa hitsura naming dalawa. Pareho kasi kaming matangkad at kumukurba na yong katawan naming pareho.
Hindi na yon nakapagtataka, kasi pareho biniyayaan ng magandang genes ang mga magulang namin. May lahing Italiano ang aming ama. Isang Italiano ang nakabuntis sa kanyang ina, pero iniwan din ito. Habang pure Filipino naman ang aming ina pero hindi din naman pahuhuli sa ganda. Kaya nga, ang ganda naming dalawa ni Amari, lalo na ang aking kakambal. Sa tingin ko, mas maganda talaga sya kaysa sa akin, mas matalino at mas talented. Ito ang dahilan kaya mas pinili ko na sya ang magpatuloy sa pag- aaral kaysa sa akin.
Hindi madali ang nakapag- aral ng senior high dito sa probinsya namin sa San Martin, nasa lungsod pa ang paaralan. Mga dalawang sakayan pa. Libre naman yon school, pero yon pagpunta doon ang magasto. Mas pinili ko na unang mag- aral sa aming dalawa si Amari, dahil sya naman yong matalino at masipag mag- aral, nasa Grade 11 na sya. Suma- side line sya sa pakanta- kanta at ang pagtulong sa mga gawain sa hacienda tuwing araw ng Sabado at Linggo para may allowance sya sa school. Habang ako naman, ay naglalako ng mga kakanin. Madalas akong pumupunta sa race track na nandito sa San Martin, maganda kasi ang kita doon pag may racing dahil madaming tao, kadalasan mga dayo galing Manila. Ang kinikita ko ay ang pang- araw- araw naman namin.
Salat man sa buhay pero masaya kami ng aking kakambal. Umaasa kami pareho na balang araw, maaabot din namin pareho ang mga pangarap namin na tulad ng nais iparating ng awiting kinanta nya.
-
Unti-unting mararating, kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa 'king paggising, kapiling ko'y pangarap na bituin
-
Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos kumanta ni Amari.
"Kapatid ko yan! kapatid ko!" hindi ko mapigilan sigaw. Habang ang lakas din ng palakpak ko. Napatayo na ako.
Nagmamadali akong sinalubong si Amari nang nakita ko syang pababa na ng stage.
"Congratulations!" nakangiti kong sambit. Halos lumundag na ako sa excitement.
"Ano kaba? Hindi pa ako nanalo." nakangiti nyang reklamo.
"Manalo o matalo, basta para sa akin, ikaw ang panalo." ang lapad ng ngisi ko ngayon.
"Ikaw talaga." aniya, saka sya umakbay sa akin.
May tatlong contestant pa ang sumunod sa kanya. Halos isang oras din kaming naghintay hanggang sa inanunsyo na kung sino ang nanalo.
Napalundag ako sa sobrang saya nang pangalan ni Amari ang inanunsyo bilang nanalo. Sabi ko na nga, ang galing talaga ng kakambal ko. Kaya proud na proud ako sa kanya.
------
"Puto, suman, bibingka, sapin- sapin, at kutsinta." paulit- ulit kong sinambit ang mga ito habang naglalakad ako. Halos buong araw akong naglalako dahil kailangan ko talagang kumita. Magpapahinga lang ako pag medyo nakaramdam na ako ng pagod. Talagang inuubos ko ang mga paninda ko para makabawi man lamang ako sa buong araw ko. Halos one piso lang kasi ang patung ko sa mga ito, hindi naman kasi ako ang gumawa sa mga ito, may pinagkukunan lang ako.
"Saskia, Saskia---" napahinto ako sa paglalakad nang narinig ang pagtawag na yon sa aking pangalan. Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan ko na Roselle ang pangalan.
"Bakit?" kunot- noo kong tanong, masakit na kasi sa balat ang sikat ng araw, sadyang mainit pa naman ang panahon. "Bibili kaba?"
Inilapag ko muna sa lupa ang basket na dala ko. Saka ko kinuha ang baunan ko ng tubig at uminom ako. Pinunasan ko din ang aking pawis ng dala kong bimpo na nakasabit sa aking balikat.
"Hindi ha! Nanganga ako ngayon. Walang pera, madamot si mudra." Ani nito.
"Hindi ka naman pala bibili. Ano bang kailangan mo?" pasungit kong sambit. Sinasayang lang nya ang oras ko. Ang motto ko pa naman sa buhay is "Time is gold!" Yan ang motto ko dahil iyan lang ang alam kong motto.
"May sasabihin kasi ako sayo. May racing pala this coming Saturday. Samahan mo ako, baka makakilala ako ng AFAM doon na syang aahon sa akin sa hirap." tila kinikilig na sambit nito.
Kusang napataas ang kilay ko. Pupunta naman talaga ako sa sinasabi nya pero hindi para maghanap ng mapapangasawa kundi para magtinda nitong mga kakanin ko.
Oo. Pangarap ko nga ang makapangasawa ng mayaman pero hindi naman ako atat na atat na tulad sa kanya. Marami na kasi akong kakilala na naluko ng mga mayayamang dayo sa aming lugar.
"Maghanap ka nalang ng iba na isasama mo. Busy ako sa pagtitinda ng mga panahon na yan."
"Saskia naman, mag- enjoy ka naman minsan. Malaking racing ang magaganap at sigurado ako na maraming tao at maraming mayayamang guapo, baka isa ka sa maswerteng mapansin."
"Ewan ko sayo. Kung gagawin ko yang sinasabi mo, ano nalang ang kakainin namin? Kung may makapansin man sa akin, at plano akong seseryusuhin, mas mabuti. Basta ako, pupunta ako doon para magtinda."
Kinuha ko ang basket. Hudyat ito na aalis na ako.
"Sungit mo talaga. Pag hindi mo bawas- bawasan yang kasungitan mo. Hala ka, magiging katulad ka ng tiya Mirasol mo. Hindi nakapag- asawa kaya mas maasim pa sa suka ang ugali. Masyadong ampalaya."
Kanilabutan naman ako sa sinabi nya. Ayaw ko ngang matulad sa tiya ko. Pangarap ko din naman ang makapag- asawa pero sa ngayon ang ilalamon muna namin ang iisipin ko. Paano ko pa mameet si Mr. Right ko kung patay na ako dahil sa gutom?
"Sige Roselle, maghahanap muna ako ng pera, saka na landi. Pag marami na akong pera, pag unlimited na, saka ako lalandi. Okay?" saka ako humakbang para iwanan sya.
Palakad na palakad ako ngayon. Pero, imbes na yon mga paninda ko ang isisigaw ko, pakanta- kanta pa ako. Paano ba kasi, pumapasok kasi sa isip ko yong crush ko na si Choi Minho. Nakita ko lang naman sya sa isang magazine at syempre makalaglag panty ang kanyang kaguapuhan kaya nagka- crush agad ako.
-
Ikaw nga ba si Mr. Right?
Ikaw nga ba love of my life?
Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Ikaw nga ba si Mr.----- Ayyy!
-
Napasigaw ako sa sobrang gulat nang may kotse na mabilis na tumatakbo at muntikan na akong nahagip. Sa sobrang pagkagulat, kaya ko nabitawan ang basket ng mga paninda ko at nagkalat ang mga iyon sa lupa.
"Hoy, walang hiya." sigaw ko at akmang susundan ang kotse pero narealize ko bigla na kahit anong gawin ko, hindi ko na nga pala masundan ang kotse na yon. Mabuti nalang at nakita ko pa ang plate number nito.
"Walang hiyang driver na yon, ang liit liit na nga ng daan, para pang nasa karera kung makapagpatakbo ng kotse. Pag makilala ko lang ang driver ng kotse na yon, talagang babalatan ko sya ng buhay. Magugutom pa yata ako sa katarantaduhan nya. At muntikan pa akong mamatay sa kanya. Pag magpakita pa talaga sa akin ang kotse----- Naku naman, talagang inis na inis ako. Gigil na gigil ako." naiinis na ngitngit ng aking isip habang pinupulot ko ang mga paninda ko.
Nang matapos ako sa aking ginawa, nagtaas baba ang aking dibdib sa galit habang nakatingin sa mga paninda ko na kalahati yata ay hindi ko mabenta. Napatulo ang luha ko habang nakatingin sa mga ito. Dahil ito sa pinaghalong galit at frustration ko. Ang hirap na nga ng buhay. Ang hirap pang kumita pero ito pa ang nangyari sa akin. At ang may kasalanan nito ay ang walang hiyang driver na yon.
Marami talaga walang modo na mga mayayaman.
Pinunasan ko ang aking luha, pati narin ang pawis ko. Alam kong ang haggard ko na ngayon. At alam ko din na madumi na itong mukha ko dahil ang alikabok pa naman sa daan. Pero, wala akong pakialam dahil parang binibiyak ngayon ang puso ko dahil sa mga nangyari sa mga paninda ko. Nangako pa naman ako kay Amari na ako muna ang bahala sa kumakalam namin na sikmura dahil marami syang gastusin sa paaralan. Si t'yang kasi, kinuha pa yon naipon ko para sa bisyo nyang sugal.
Hay! Kailan ba ako manalo sa Lotto at nang mayaman na ako?
Napahinto ako, naalala ko kasi na hindi nga pala ako pumupusta sa Lotto. Saka ako nagpatuloy sa paglakad muli. Halos kalahating oras na akong naglakad. Salamat naman at paubos na yon mga pwede pang maibenta sa mga paninda ko.
Huminto muna ako sa isang tindahan, at bumili ng isang biscuit at ice water. Ice water lang kasi diet ako. Joke lang! Sayang talaga yon pera na ipambili ko ng soft drink. Pwede na yon ibili ng patis pag walang ulam.
Napahinto ako sa panguya nang isang pamilyar na kotse ang nahagip ng aking mga mata. Nakahinto ito sa labas ng isang vacation house na malapit lamang sa kinatayuan ko.
Walang sabi- sabi at kinuha ko ang basket na naglalaman ng aking paninda. At nagmamadali akong humakbang palapit sa kotseng muntikan ng nakadisgrasya sa akin.
Sakto naman at may lalaking lumabas mula sa kotse. Likuran palang nito ay mukhang walang modo na.
"Hey you! Sa wakas nakita narin kita. Hoy, lalaki----"
Naputol ang iba kong sasabihin nang biglang humarap sa aking ang lalaki. At tila inilipad ng hangin ang aking sasabihin nang tuluyan kong napagmasdan ang kanyang mukha. Ayaw kong magtaksil kay Choi Minho, pero ang lalaking ito. Hindi ko kayang ipaliwanag ang kanyang hitsura dahil hindi ko naman lubos akalain na totoo palang may nilalang dito sa mundo na kasing guapo nya. Sunod- sunod ang paglunok ko.
"Yes. Do I know you?" kunot- noo na tanong nya sa akin.
Ipiniling ko ang aking ulo. Hindi ako dapat magpokus sa kanyang nakakainlove na hitsura, dapat akong magpokus sa kanyang pangit na ugali, at sa malaking kasalanan nya sa akin.
"Look Ms. if you have nothing to say. Please leave me alone. I am here to have some peace not to be bugged by a fan. Don't bother me."
Gosh! Englishero. Paano ko kaya sya masisingil sa utang nya sa akin?
"Hey you, you have to pay me. Because you lend money from me, it's 500 pesos. You see this one that I am selling--" ipinapakita ko sa kanya ang mga paninda ko na madumi na. Tama ba English ko? Bahala na. "You are the one who get this dirty because you-----" sana tama English ko. Ano ba ang english sa nabangga? "--- because you---- you see this kotse of yours, it's almost killing me."
Dumugo ilong ko dun. 3rd year high school lang natapos ko at hindi ako magaling sa english. Pero, naintindihan naman siguro nya ang sinabi ko. Sya na ang bahalang mag- adjust, nasa Pilipinas kami.
"What the f*cking hell you are talking about? You're a crazy woman." naiiling nyang sambit. Halata ang irritasyong.
Hindi ko masyadong naintindihan ang kanyang mga salita dahil parang kinakain nya lang ang mga ito. Pero may naintindihan parin naman ako.
Hell? Nasa lupa kaya kami. Tapos ako pa ang tinawag na baliw. Guapo nga pero para naman addict.
"Do you really know that I didn't know what you say? You're like a drug addiction. This is Philippines and I will tell you something the language that I want to---" nakapamaywang ako. Kailangan ko ng masabi ang gusto kong sabihin."You make me sweat with maraming pawis ha. For your information, you almost bangga me there and you get my paninda dirty. And now, you have to pay me 500 pesos, because the price of my selling that you get dirty is 500 pesos. Understand? Okay?"
"My God! You're a hopeless case of mental retardation." nakanganga nyang sambit.