BRFW 3

1721 Words
(Saskia) Pambihira naman, hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Naintindihan ko naman paisa- isa ang bawat katagan na sinasambit nya pero pag pinagsama na lahat, doon na ako naguguluhan. Lalo nang may-- ano nga yon-- yong katulad nung napapanood ko sa mga amerikano sa TV, yon-- acen ba yon-- aksen pala--- oo may aksen yon words nya. (accent guys!) "Hey you, what are you seying (saying)? Can you riwind? (rewind)" "My God! You're a hopeless case of mental retardation." ulit naman nya sa sinabi nya kanina. Uto- uto. Naintindihan pala nya english ko. Mabuti naman. Buong akala ko talaga hindi nya ako naintindihan. Isinali pa nya si Lord. Hopeless. Walang pag- asa. Case. Kaso. Mental. Sa pag- iisip yon diba? Brain. Ano nga yon huli? Radiation. Diba, masama yon radiation sa katawan. See. Alam ko naman paisa- isa. Pag pinagsama, saka na nga ako naguguluhan. Ang ibig ba nyang sabihin. Ako ay walang pag- asa na kaso sa utak na masama sa katawan. Dahhhh....Ewan...mababaliw ako. Bakit ko ba pinagtuunan ng pansin ang kanyang sinabi? Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang bayad nya. "Where is my money?" Ani ko sabay lahad ng palad ko sa kanya. "What?" kunot- noo sya. "Your payment for my dirty--- selling food?" Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Look young lady, I don't have time for your nonsense. I don't understand what you talking about." Grabeh! Sa dami nyang sinabi, understand lang ang naintindihan ko, dahil nga sa aksen nya. "Pambihira ka naman, hinayupak ka. Inayos ko na nga ang pagpapaliwanag ko sayo hindi mo parin ako naintindihan. Dumugo pa ilong ko sayo. Perpekto kana sana sa panlabas na anyo, matangkad, guapo at macho, kaya lang tanga- tangahan lang noh! Pumunta ka dito sa Pilipinas na hindi mo kami naintindihan mga Pinoy. Pinahirapan mo pa ako. Walang hiya ka talaga, hudyo ka. Balik ka dun sa planeta mo. Alien." Ani ko. Hindi naman nya maintindihan ang sinabi ko kaya okay lang. Patas na kami ngayon, hindi ko sya naintindihan at hindi din nya ako naintindihan. Mas lalong kumunot pa ang kanyang noo. Halata na hindi talaga nya ako naintindihan. Gusto kong matawa. Anong feeling na hindi makaintindi? "Okay mister, I will repet (repeat) it to you. I will elaboret (elaborate) it for you so that you--- understand. For example-- this is me" pinatayo ko ang ring finger ko. "-- this is your kotse----" kinuyom ko na naman ang palad ko sa kabilang kamay. "Your kotse and me is something like that---" umaksyon ako na parang masagasaan yong ring finger ko ng kamao ko. "-- it's almost bangga only but it's not-- that's why I'm here, to ask 500 pesos from you-- for the danyos of my products that is now dirty because it falls to the--- land. You know 500 pesos?" Baka naman kasi dollar ang alam nya. "It's a money that has 5 and two zero. "I don't know you but you already a pain in the ass." Ano raw? Pain? Ass? Ano ba yan ass? May sakit ba sya? Tinalikuran nya ako at humakbang sya papasok sa entrance ng bahay bakasyunan. "Hoy mister, where is my 500 pesos. You did not pay me. Hoy mister, yong 500 ko. Pag you don't pay me, I will kulam you." Huminto sya sandali at kinausap nya ang guard. "This woman is crazy. Don't let her in. She is dangerous. Her sanity is at stake." aniya kay manong guard na napanganga din. May binulong sya dito na napangiti naman kay manong guard. Saka sya tuluyang pumasok sa loob. Susundan ko sana sya pero hinarangan ako ni Manong guard. "May utang sa akin ang lalaking yon manong, hindi pa ako binabayaran. " "Pasensya kana talaga Ms., hindi ka pwedeng pumasok. Pag magpumilit ka, mapipilitan akong magpatawag ng pulis." Natakot naman ako sa sinabi ng guard kaya nagmamadali akong humakbang paalis. Hindi ko napigilan at napatulo ang luha ko. Salbahe ang lalaking yon. Hirap na hirap ako sa pagpapaliwanag pero wala naman akong napala. Napakasalbahe talaga! Sama ng ugali. May araw din sa akin ang lalaking yon. Makikita nya, gaganti ako sa kanya. ----- Inis naman na napaupo si Savino sa sofa na nasa living room ng bahay bakasyunan unit nya. He is planning to stay at least two weeks here in San Martin, dahil maliban sa kasali sya sa racing dito, sa isang race track na pagmamay- ari ng kanyang kaibigan na anak ng mayor sa lugar, kailangan din nya ng oras para makapag- isip ng maayos. He just ended his two years relationship, dahil nahuli nya mismo ang kanyang girlfriend na nakipaghalikan sa isang lalaki. Hinihiwalay nya agad si Charlotte, his ex girlfriend, dahil ang pinakaayaw nya sa lahat ay yong niloloko sya. Para sa kanya, walang 2nd chance para sa mga taong manluluko. He's not in a mood when he got here, tapos dinagdagan pa ng baliw na babae kanina. Napaka- annoying ng babaeng iyon. Ang dungis pa. Medyo maarte pa naman sya. Of course, he understand everything that she said, but he didn't care. 500 pesos is just a centavo for him. At he can't believe na nagawang ipahiya ng babaeng yon ang kanyang sarili dahil lang sa kakarampot na 500 pesos. He's not in a right mood, tapos ang babae pa yon ang bubungad sa kanya. Tinawag pa sya na hinayupak at hudyo. Mas lalong nasira ang araw nya sa dahil sa babaeng iyon. --- (Back to Saskia POV) "Ito lang ang ipapakain mo sa akin, Saskia." galit na sambit ng tiya Mirasol ko. "Pasensya na tiya, wala akong kita ngayon." Totoo naman ito. Wala nga akong kinikita sa araw na ito. At wala narin akong extrang pera para ibili ng masarap na ulam si tiya Mirasol. Ang nakahain lang ngayon sa hapag- kainan namin ay ang kanin at ginisang sitaw. Kung binayaran lang sana ako ng hudas na lalaki kanina, may ibang ulam sana kami ngayon. Napakahambog porket mayaman. "Anong walang kita? Buong araw kang naglalako ng mga paninda mo tapos wala kang kita." pasigaw nitong sambit. "Ako ba pinagluluko mong bata ka?" "H- Hindi po tiya, mahina lang po talaga ang benta ngayon." pangatwiran ko. "Sumasagot kapa ha, gusto mo ba ang mapalo?" Talagang pinapalo parin kami ng tiya namin pag hindi sya natutuwa sa amin ng aking kakambal. "Tiya, wag mo naman paluin ang kapatid ko. May pera naman ako, ibibili nalang kita ng ibang ulam." Ani ni Amari, at niyakap ako. "Ganun naman pala." palipat- lipat ang tingin ni tiya sa aming dalawa ni Amari. "Tandaan nyong dalawa, malaki ang utang na loob nyo sa akin. Kung hindi ko kayo kinupkop, malaki ang posibilidad na hindi na kayo magkasama ngayon. Kaya umayos kayo." pagalit na sambit ni tiya. "Hala sige, ibili nyo ako ng bagong ulam. Tawagin nyo ako kung nandyan na ang pagkain ko, doon muna ako sa kabilang bahay." Alam namin na magsusugal na naman si t'yang. Talagang addict sya sa tong-its. Agad naman kaming tumalima ni Amari. Naglalakad na kami ngayon para ibili si tiyang ng ulam. "Nadisgrasya kasi ang mga paninda ko kaya wala akong kinikita ngayon. Pasensya na Amari, nabawasan tuloy ang pera mo. May project kapa naman pinag- iipunan. Hayaan mo, babayaran din kita sa Sabado, baka malaki ang kikitain ko dahil may racing." "Nadisgrasya ka? Ano ba ang nangyari? Okay kalang ba?" "Okay lang naman." nakasimangot kong sambit. Naalala ko na naman ang lalaking yon. "Mabuti naman. Wag mo na akong bayaran, magkakapera naman ako ngayon. Sasama ako kay Benjie na maglalako ngayong gabi ng mga paninda nyang balut at penoy. May kasiyahan daw ngayon sa plaza." si Amari. Huminto ako sa paglakad, kaya huminto rin sya. Napaharap ako sa kanya. Si Benjie ay ang kapitbahay at kaibigan narin namin na isang bakla. "Bakit?" kunot- noo nyang tanong. "Pupunta ka sa plaza? Diba, may klasi kapa bukas. Aantukin kapa at baka hindi ka makapagpokus sa mga leksyon nyo." "Okay lang naman ako at hindi naman ako magtatagal. Sayang yong kikitain ko." "Hindi naman yon sayang, dahil ako na ang sasama kay Benjie." "Ano?" laking mata nyang sambit. "Hindi kaba pagod, buong araw kang nagtitinda at palakad- lakad sa mainit na kalsada." "Hindi ako pagod, kaya ako na. Dapat dyan ka sa pag- aaral mo magpokus. Para din naman yan sa pangarap nating dalawa." Kung makapagtapos na sa pag- aaral si Amari kahit sa senior high lang, pwede na syang makahanap ng magandang trabaho sa mall, at kahit papaano, may sasahurin na syang malaki- laki kaysa kinikita ko ngayon. "Salamat kambal." namumulang mata na sambit ni Amari. "Pangako ko sayo, mag- aaral akong mabuti para sa mga pangarap natin. Magtatrabaho at mag- iipon ako, tapos pupunta tayo doon sa Manila para magkaroon tayo ng magandang buhay. Doon natin tutuparin ang mga pangarap nating dalawa." "Excited na ako. Alam ko naman na kaya nating tuparin yan dahil magkasama tayong dalawa." Para sa tulad namin ni Amari na lumaki dito sa probinsya, at ni minsan hindi man lamang nakapunta sa ibang lugar, ang Manila ay isang kapanga- pangarap na lugar. Para sa amin, gaganda ang buhay namin doon. Karamihan na dayo sa aming na galing sa lugar na yon ay mga mayayaman. Yong mga kakilala namin na pumunta doon ay napaka- social na ng bumalik dito. Kaya para sa amin ni Amari, isang paraiso ang lugar na yon. Pauwi na kami ngayon ni Amari. Dalang- dala na namin ang ulam na binili namin para sa kay t'yang nang napahinto na naman ako sa paglalakad. May naalala kasi ako bigla. "Bakit?" tanong na naman ni Amari nang napalingon sya sa akin. "Amari, wag kang matatawa sa itatanong ko sayo. Pero------" inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga, nahihiya kasi ako na baka may makarinig sa amin. "-- ano ba yan ass?" "Ass? Ano bang klasing ass? Ang alam ko kasi ay puwit ang ass. Yan ang alam ko. Bakit mo naman naitanong?" "W- Wala." napailing ako. Puwit ang ass? May sakit sa puwit ang lalaking yon? Ano bang sakit sa puwit ang alam ko? Oh my God! Almoranas ang sakit ng lalaking yon. May almoranas ang lalaking yon. Lagot sa akin ang lalaking yon, gagamitin ko itong nalalaman ko laban sa kanya. Dahil siguro sa isipin na hindi ko sya naintindihan kaya nasabi nya sa akin ang sakit nya. Natatawa ang aking isip sa isipin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD