BRFW 4

1730 Words
(Saskia) Tulad nga ng napag- usapan namin ni Amari, ako ang sumama kay Benjie sa may plaza para tulungan sya sa paglalako ng mga paninda nyang balut at penoy. Ang usapan namin ay bibigyan nya ako ng 20% sa kinikita nya. Okay na sa akin ito. Para sa tulad kong wala na talagang pera, masaya na ako sa maliit na kita. Tama nga ang sinabi ni Amari, may kasiyahan nga sa plaza. Ang anak pala ng mayor sa lugar sa amin ang nag- organisa para sa kasiyahan ito, kung saan may live band pa. Para daw ito sa mga kaibigan nito na dayo pa galing sa Manila. Masaya naman, halata sa mukha ng mga kabataan na tulad ko na minsan lang makaranas ng ganito ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Ako din man ay nag- enjoy pero mas nagpokus ako sa aking pagtitinda. Medyo malakas ang tinitinda namin dahil sa maraming tao. At madali lang naubos ang mga paninda namin. Sayang, kung alam ko na ganito kabilis maubos ang mga paninda namin, sana nagdala nalang ako ng mas madami pa. "Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Benjie dahil mukhang wala pa sa plano nito ang umuwi na, pakimbot- kimbot pa ito dahil isang dance song ang kinanta ng live band. "Mamaya na. Mag- enjoy muna tayo. Once in a lifetime lang to, girl." an ng bakla na paikot- ikot na sumasabay sa indayog ng musika. Sa totoo lang, sobrang nilakasan namin pareho ang aming boses para marinig namin ang isa't- isa. Ang lakas naman kasi ng tugtugin. Sa sobrang lakas, parang puputok na ang eardrum ko. Gusto ko nang umuwi. Pagod ako sa buong araw kaya gusto ko na sanang magpahinga. "Mauna na ako sayo!" pasigaw na sambit ko. "Ano?" pasigaw naman si bakla, na pagtaas pababa na ang kamay, habang kumikimbot parin. "Sabi ko, mauna na akong umuwi." inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga para marinig talaga nya ako. "Baha-----" Natigil sya sa iba nyang sasabihin nang may lumapit sa amin. "Mga bakla, sabi ko na nga ba, kayo yan." pasigaw na sambit ni Roselle, kasama nito ang nakakabatang kapatid nito na isa din bakla na katulad ni Benjie. "Ikaw lang ang bakla, Roselle. Dahil babaeng tunay kami ni Saskia." si Benjie na tumigil sa pagsayaw. Gusto kong matawa sa sinabi ni Benjie. Mukha naman talagang bakla si Roselle kung minsan, dahil sa sobrang make- up sa kanyang mukha na wala naman sa ayos ang pagkakalagay. "In denial queen kapa. Alam mo masaya lang naman ako dahil nakita ko na ang prince charming ko." tila kinikilig na sambit ni Roselle. "Ows... Sinong lalaki na naman yan at sigurado kaba na seseryusuhin ka yan?" "Okay lang naman na paglalaruan nya ako basta matikman ko lang sya." nakatawa na malanding sambit ni Roselle. Saka nya kami hinila na dalawa ni Benjie. Ayaw ko sanang sumama dahil gusto ko na ngang umuwi, pero hindi din ako binitawan ni Benjie kaya ako napasunod sa kanilang dalawa ni Roselle. "Nakita nyo yan lalaking katabi ni Rexon, yang naka- black T- shirt, yan ang Mr. Right ko." napatingin kami sa kung saan nakaturo si Roselle. Si Rexon ay ang anak ng mayor sa aming lugar. Nakaupo nga ito na parang VIP sa unahan bahagi, sa gilid ng stage at may kasama ito na tatlong lalaki na sa tingin ko dayo sa lugar, at mukhang anak mayaman din ang mga lalaking ito. Hindi ako sa itinuro ni Roselle nakapokus dahil natuon ang aking paningin sa lalaking nasa gilid na nakatuon ang pansin sa kanyang cellphone. Hindi dahil sa ubod ng gwapo ang lalaking ito kundi dahil kilala ko ang lalaking ito. Agad kong naramdaman ang pagkulo ng aking dugo. Sapagkat ang lalaking halos patayin ng titig ko ngayon ay ang hinayupak na lalaki na galing sa ibang planeta, ang lalaking may utang sa akin ng 500 pesos at may sakit na almoranas. Ang plano kong umuwi na ay nagbago dahil plano ko pang singilin ang lalaking ito sa utang nya sa akin. Sayang yong 500 pesos ko, pang dalawang linggong bigas na yon. Ang hirap kayang kitain nung. "Saskia, ano ba, saan ba tayo pupunta?" reklamo sa akin ni Benjie habang hila- hila ko sya. "May sisingilin lang tayo. Diba, marunong kang mag- English? Kailangan ko ng translator, eh!" Hinila ko sya papunta sa kung saan ko nakita na papunta ang lalaking may malaking utang sa akin. Malaki na para sa akin ang 500 pesos. Nakita ko ang lalaki na nakasandal sa gilid ng isang kotse. Sa pagkakaalam ko, sa kanya ang kotseng ito, dahil ito ang kotseng gamit nya nang muntikan na nya akong nasagasaan. "Hoy lalaki...." agad kong sambit para makuha ko ang kanyang pansin. Napalingon nga sya sa amin ni Benjie. Humakbang pa ako habang hila ko si Benjie para mas lalo akong makalapit sa kanya. "You again? You really are-- stalking me." aniya na wala na naman akong naintindihan dahil na naman sa kanyang aksen (accent) na parang kinakain lang yon salita. "Ano daw sabi nya? Translate mo nga." Ani ko kay Benjie na ngayon nakanganga na nakatingin sa lalaki. "Ang guapo nya. Bweset ka! Hindi mo naman sinabi na isang hot fafa pala ang katatagpuin mo. Ikaw ha, kaya pala binasted mo ni Estong, dahil mahilig ka pala sa mga masasarap." "Ano ba yan pinagsasabi mo? May malaking utang sa akin ang lalaking ito. Kaya kailangan kita para may mag- translate sa gusto kong sabihin sa kanya." Akmang aalis na ang lalaki nang hinarangan ko ang lalaki. Kailangang bayaran na nya ako ngayon. "What is your problem? Do you want me call a security? You already giving me a headache." "Ano raw?" baling ko kay Benjie "Sabi nya sakit ka daw sa ulo. At tatawag na daw sya ng pulis kong hindi mo sya titigilan." "Ganun ba? Sige translate mo ang sasabihin ko." saka ko bumaling muli sa lalaki. "Wala naman sa plano ko na guluhin ka, kung agad mo lang akong binayaran sa 500 pesos ko. Muntikan mo nga akong nasagasaan at natapon yong mga paninda ko sa lupa, hindi ko na naibenta ang mga iyon, at kasalanan mo ang mga iyon. Kaya may utang ka sa akin ng 500 pesos." pagkatapos ko itong sabihin, bumaling ako kay Benjie. "Translate mo na." "Pambihira ka naman, Saskia. Nakaintindi ako ng English kahit papaano, pero hindi ako magaling magsalita nito. Hindi ko kayang e- translate yon sinabi mo kanina." reklamo ni Benjie. "May problem ba dito?" napatingin kami ni Benjie sa mga lumapit sa amin. At si Rexon kasama ang ilang sa mga kaibigan nito. "Kasi sir Rexon, itong si Saskia, may gustong sabihin dito sa kaibigan nyo na hindi makaintindi ng tagalog." si Benjie na ang sumagot. "Hindi nakain----" napatingin si Rexon sa lalaking bweset saka sila nagtatawan ng mga kaibigan nila. Napakunot- noo ako. "Pasensya na kayo, kung pati english nyo ay hindi naintindihan nitong kaibigan namin." tinapik pa nito ang balikat ng lalaking bastos. "Actually, hindi sya gaanong magaling mag- English. Galing kasi sya sa hathoria, isa syang hathor at iba yon salita nya." "May bansa bang ganun?" pabulong ko na sabi kay Benjie. "Ewan ko. Hindi ko naman memorize ang mga bansa, hindi ko nga alam lahat ng region sa Pilipinas, yong pa kayang mga bansa sa buong mundo." pabulong din na sambit ni Benjie. "Meron bansang ganun at galing nga doon ang kaibigan namin." seryoso ang mukha ni Rexon, pero napatawa naman yon iba nyang kaibigan. "But no worries, sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mong sabihin dito sa kaibigan namin, at ako na ang magtranslate para sayo." Hay salamat naman at hindi na ako mahihirapan. Hindi na ako nagdadalawang isip pa at agad kong sinabi kay Rexon ang gusto kong iparating sa kanyang kaibigan. Patango- tango pa si Rexon habang nakikinig sa akin. Pagkatapos kong sabihin kay Rexon ang gusto kong sabihin, napatingin sya sa kanyang kaibigan na halata ang pagkabanas sa mukha. "Moron, dimwit, aja..ajo..kwekwek...charong....." at nagpatuloy sa pagta- translate si Rexon. Tawang- tawa naman yon iba nilang kaibigan. Habang kunot- noo naman ang lalaking may utang sa akin. "She doesn't need to lower herself just because of 500 pesos. She's worst than a wh*re. What kind of woman is she?" Ani naman ng lalaki. Hindi ko alam kung sadyang nagsasalita sya ng English o baka lengguwahe sa kanilang lugar na Hathoria. "Do I need to say that to her. Can you just---" "Tell that to her, asshole. So that, she"ll know what kind of woman she is." "Anong sabi nya? Babayaran naba nya ako?" "I'm sorry Saskia. Sabi kasi ng kaibigan ko na hindi mo daw kailangang ibaba ang sarili mo sa kakarampot na pera na tulad ng 500 pesos, sa ginagawa mo, mas masahol ka pa daw kaysa sa puta." Napaawang ang labi ko at tila ako nanigas. Agad na nabuhay ang sobrang sakit sa aking puso dahil sa aking narinig. Kaya hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha habang nakipagtitigan ako sa lalaking may kasalanan sa akin. "Kakarampot?" hinayaan ko lang ang pagtulo ng aking luha. "Alam mo ba kung ilang araw na kaming mapapakain ng sinasabi mong 500 pesos lang. Alam mo ba kung gaano kahirap kitain ang ganyang halaga para sa tulad ko. Kaya, pasensya kana kung sa tingin mo ibinaba ko ang aking sarili dahil sa ganyang halaga lang. Pero, letse ka, wala kang karapatan na tawagin akong puta dahil kahit mahirap lang kami, pinahalagahan ko din naman ang aking dangal. Sinisingil lang naman kita sa utang mo sa akin. Dahil alam mo kung bakit? Walang- wala na ako ngayon. Pagod na pagod ako sa buong araw ko pero wala man lamang akong kinikita dahil sa walang kwenta kang driver." mahaba kong sabi, saka ko pinunasan ang aking luha. " At siguro, hindi mo naintindihan ang nadarama ko dahil halata naman sa hitsura mo na hindi dumanas ng hirap sa buhay. Winawaldas nyo ang pera nyo, pero para sa amin na katulad ko, kahit piso ay pwede nang makasalba sa kumakalam naming sikmura." napatulo na naman luha ko pero pinunasan ko din agad. Napaawang labi sya sa aking sinabi. Alam ko naman na hindi nya ako naintindihan, kaya bumaling ako kay Rexon. "Paki- translate naman please. Gusto ko kung ano ang sinabi ko talaga, yon ang sabihin mo. Please, e- translate mo naman ng maayos. " pakiusap ko pa kay Rexon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD