BRFW 5

1755 Words
(Third Person POV) Nasaktan si Saskia sa sinabi ng walang pusong lalaki na kanyang kaharap, kaya hindi nya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi naman nya masabi kung iyakin ba sya, pero hindi talaga nya mapigilan ang mapaiyak agad pag nasasaktan sya. "Sige na, sabihin mo na ang sinabi ko." Ani nya muli kay Rexon. Natahimik kasi ito pati na ang dalawang kaibigan nito na tawang- tawa kanina. "Saskia, ano----" si Rexon. Napatingin silang lahat sa walang pusong lalaki nang tinalikuran sila nito at humakbang ito papasok sa kotse nito. Nang tuluyan na itong nakapasok, walang sabi- sabi na pinaharurot nalang nito ang sariling kotse. Naiwan silang nakatanga lahat. "Ah, kakausapin ko muna ang kaibigan ko." si Rexon. Sumakay narin ito pati na ang dalawang kasama sa kotse. Naiwan nalang silang dalawa ni Benjie. "Hayaan mo na, hati nalang tayo sa kinikita natin. Talagang may mga mayayaman na pangit ang ugali, mas lalo na yong mga guapo. Wag kanang umiyak. Tahan na." pinunasan nya agad ang luha nya. Hindi nya tatanggihan ang sinabi nito, dahil malaking tulong na ito sa kanya. May babayaran pa syang utang sa kakambal, dahil nabawasan ang ipon nito para sa project nito. Nag- aaral si Amari para sa pangarap nilang dalawa kaya dapat suportahan nya ito. Samantala, nagulantang nalang si Savino nang biglang pumasok ang kanyang mga kaibigan sa loob ng kanyang inupahan ng bahay bakasyunan. Kasama nyang nagbakasyon ang pinsan nya sa mother side na si Jacob, at isa pa nilang kaibigan na si Jake. Tumutuloy ang mga ito sa malaking bahay ng pamilya ni Rexon, na syang anak ng mayor dito sa San Martin, habang sya naman ay mas pinili na mapag- isa sa inupahan nyang bahay bakasyunan. Medyo, may pagka- introvert sya at kukunti lang talaga ang mga taong kayang tumagal sa kanya, dahil boring syang kasama, idagdag pa ang pagiging sarkastik at arogante nya. "What was that, bro?" tanong agad sa kanya ng pinsan nyang si Jacob. "Pinaiyak mo yong babae." "Yup, why would you just give her the 500 pesos, barya lang naman yan sayo?" Pinaiinit na nga ng babaeng yon ang kanyang ulo. Tapos ngayon, dinagdagan pa ng mga kaibigan nya. Mainitin pa naman ang kanyang ulo. "If I will do that, para ko narin inamin na kasalanan ko kung tatanga- tanga sya. Ewan ko kung bakit muntikan ko na syang masagasaan. You know how I drive. At, paano kayo nakakasiguro na nagsasabi nga ng totoo ang babaeng iyon. Baka, plano akong kotongan nung." "Kilala ko si Saskia, bro. Hindi ang klasi nya ang gagawa ng ganyang bagay." si Rexon. "Really? How sure you are, bro?" napang- uyam nyang tanong. "Ang mabuti pa, umalis na kayo, dinistorbo nyo ang katahimikan at pamamahinga ko." Tumayo sya mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa na nasa living room at humakbang sya diretso sa kwartong kanyang inakupa. Wala syang panahon para makipag- usap sa kung sino dahil sirang- sira ang araw nya ngayon dahil sa babaeng tanga. Kinabukasan , nanlaki ang mga mata nya nang nakita ang bumulabog sa kanya na kay aga- aga. "Asshole, anong ginagawa mo dito? And how did you enter?" tanong nya agad kay Sancho, isa sa kambal nya, triplets sila. "Sa tingin mo, paano?" nakangising sambit nito. Bweset! Magkamukha nga palang silang dalawa, at sigurado sya na ginagamit nito ang bagay na ito para makahingi ng duplicate key sa landlady. May pagkakaiba naman sa kanilang dalawa para hindi malito sa kanilang tatlo ang mga kakilala nila, pero para sa mga taong hindi sanay sa kanilang tatlo ay talagang hindi mapapansin ang pagkakaiba na yon. "Umalis ka. Bakit kaba nandito?" "Agad- agad. Halos walong oras ang byahe ko tapos wala pa nga akong isang oras na nandito, pinapaalis mo ako agad. That's rude." prenteng nakaupo ito sa sofa. "I don't care, moron. Leave me alone!" tinalikuran nya ito at humakbang sya papasok sa dining para gumawa ng sandwich. He' s not good at cooking but making sandwich is his talent. Kaya ito lang ang madalas nyang kinakain. "My ruthless brother, I am here dahil sa utos narin ni mommy. Nag- alala na sya sayo and she asked me to check you. Baka kasi, masyado kang nalungkot sa paghihiwalay ninyo ni Charlotte and you----" "That I'm going to be like Simon, na nasira lang ang buhay dahil sa pesteng si Celine. I'm not an idiot bro, na magpakatanga sa isang babae. I won't ruined my life just because of that slut." dalawang sandwich ang ginawa nya at kinain nya pareho ang mga iyon. "What the f*ck, bro! Hindi mo man lang ako tinirhan. Gutom na gutom na ako." reklamo ng kanyang kapatid. "Make your own, asshole." humakbang sya palabas ng dining, nilampasan nya ito at bumalik sya sa kanyang kwarto para maligo. Dahil sa gutom kaya napagpasyahan ni Sancho ang lumabas. May nakita syang malaking tindahan sa labas kanina. Baka may makita sya doon na pwedeng kainin, hindi naman sya maarte. Ang rude ng jerk nyang kapatid, hindi man lamang sya pinapakain, wala pa naman syang alam sa mga gawaing kusina. Napangiti sya sa tatlong babae na nagpapa- cute sa kanya. Ganito sya, hindi nya pinu- proclaim na playboy sya, sadyang friendly lang sya at minsan na mis interpret iyon. "Hi, handsome..." sabay na sambit ng tatlo. "Hello, anong ginagawa nyo dito?...." aniya. "Ah, naghihintay kami kay Saskia, inutusan kasi kami na bumili ng bibingka ng nanay namin." sagot ng isa. "Pag dumating na yan sinasabi nyong Saskia, ako na ang magbabayad dahil tinawag nyo akong handsome." tila kinikilig ang mga babae sa kanyang sinabi. Wala na syang magagawa, ganito sya ka- friendly sa mga babae. Agad naman inilapag ni Saskia ang kanyang basket na dala sa mesa na nasa labas ng tindahan kung saan madalas syang kumakain ng snack. "Aray!" reklamo nya nang nasiko sya ng isang lalaki. "Oops sorry." Ani nito sa kay gandang boses. "Hindi ko sinasadya Ms." napaangat sya ng mukha nito pero halos puputok na yata lahat ng ugat nya sa utak nang nakilala ang lalaking nakadisgrasya sa kanya. "Ikaw--- marunong ka naman palang mag- tagalog." nagtaas baba ang dibdib nya sa sobrang inis. Pinahihirapan pa sya nito kahapon. "Yes. I am. May dugo parin naman akong Pinoy." nakangiting sambit nito. Kinalma nya ang kanyang sarili, wala na syang pakialam sa mga kasinunggalingan nito, ang mahalaga sa kanya ay masingil na nya ito. Hinayupak talaga ito. Ang guapo pala nito pag nakangiti pero bakit mas gusto parin nya na nakasimangot ito? "I'm sorry nga pa-----" "Mapapatawad lang kita, kung babayaran mo na yong utang mo sa akin." Nakapamaywang na sambit nya. "May utang ako sayo?" Wow! Bigla nagka- amnesia ang hudas. "Oo. Yong 500 pesos na bayad mo sa mga paninda ko na-----" "Yah, yah, I get it." putol ni Sancho sa sasabihin nitong napakagandang dilag na nasa kanyang harapan. Grabeh! Ang takaw naman yata ng tatlong babae at umabot ng 500 pesos ang babayaran nya. Kumuha sya ng 1000 pesos sa kanyang pitaka at iniabot nya ito sa dalaga. Agad naman tinanggap ni Saskia ang pera na inabot ng lalaki, at baka magbago pa ang isip nito. "Wala kabang 500 dyan? Wala kasi akong panukli sayo." totoo naman ito. "Keep the change!" Ani nito. Napataas na naman sya ng paningin dito. Alam naman nya ang ibig sabihin ng keep the change, pero alam nyang salbahe ang lalaking ito. "At para ano, para insultuhin ako at sabihan na muk-----" "Iniinsulto ba kita?" kunot- noo ito, mukhang lito- lito. Napatigil sya, saka pumasok sa kanyang isip na baka mali ang translation ni Rexon kagabi kaya bigla ito umalis. Maluko pa naman ang Rexon na 'yon. "Salamat." nagpasalamat parin sya, kinuha nya ang basket na dala at akmang aalis na sya nang--- "Wait!" pigil nito sa kanya. "Bakit?" "Marunong kaba sa mga gawaing bahay, naghahanap kasi ako ng katulong, mga dalawang linggo lang naman, babayaran kita ng 10, 000 pesos." Lumaki yata ang tainga nya sa narinig. Biglang naging double ang kanyang pandinig. 10, 000. Ang laking pera. Hindi nya ito kikitain kahit isang buwang paglalako nya ng mga kakanin. At agad nyang sinunggaban. Nag- advance payment pa ito sa kanya ng 5,000 pesos.Mabait naman pala ang lalaking ito. "By the way, pag medyo pangit na yong ugali ko bukas, wag mo nang pansinin, bipolar kasi ako." "Bipolar. Ano yan?" usisa nya. Bukas na kasi sya magsisimula sa trabaho nya dito. "Wag mo nang itanong. By the way, ito nga pala ang duplicate key ng bahay, tanghali na kasi akong nagigising minsan." Agad naman nyang tinanggap ang susi. Kinabukasan, maaga talaga syang pumunta dito sa nirentahan ng lalaki na hindi pa pala nya alam ang pangalan. Mabuti nalang at may alam sya ng kunti sa pagluluto ng mga lutuin pang mayaman. Kusinera kasi ang nanay nya noon sa hacienda at madalas syang isinama nito. Katatapos lang nyang magluto nang adobo at kanin nang---- "Who are you?" Napalingon sya. "Goodmorning boss." nakangiting bati nya sa lalaki na kahit gusot ang buhok, ubod parin ng guapo. "You? What are you doing here?" naiirita na sambit ng lalaki. "Ayos drama natin boss, mabuti nalang at sinabihan mo na ako kahapon na maliban sa almoranas, may sakit karing bipolar. Sakit ba yan sa isip na yon bigla ka nalang magka- amnesia? "Almoranas? Bipolar? What the hell are you talking about?" Hala, mas lumala yata ang sakit nito. "Please remember boss that you sed (said) to me that you have a pain in your ass, at sabi mo kahapon na isa kang bipolar. At ni- hired mo ako bilang katulong mo, nag- advance payment ka pa nga tapos ibinigay mo pa sa akin itong susi." ipinakita ko ang susi. Kunot- noo ito. Saka-- "What the f*ck! That asshole." galit nitong sambit. Sakit yata sa pag- iisip itong bipolar. Ano ba itong pinasukan ko. sa isip nya. "Hali kah! Get out!" pabigla sya nitong hinila, at dahil hindi nya napaghandaan ang gagawin nito kaya natumba sya at nadaganan nya ito. Natumba din ito at pumaibabaw sya dito. Sakto naman at naglanding ang kanyang labi sa labi nito. Mabilis nyang inilayo kanyang labi sa labi nito.Pero, nasa ibabaw parin sya nito. Kunot- noo itong nakatitig sa kanya. Habang sya naman ay parang biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Akala ba nya masarap ang first kiss pero bakit iba ang sa kanya. Parang may mga paru- paro sa loob ng kanyang tiyan at parang gusto nyang masuka, na---- "What the f*ck?!" galit nitong sambit. Hindi na nya napigilan ang sarili at nasuka na talaga sya. At nasukaan nya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD