BRFW 6

1609 Words
(Saskia) Salbahe talaga, sya na nga ang nakadisgrasya sa akin at ninakaw ang aking first kiss, sya pa ngayon ang galit. Ano ngayon kung nasukaan ko ang kanyang mukha? Amanos na kami dapat, kasi hindi na inosenti ang labi ko na ipinangako ko pa naman sa lalaking inilaan ni Lord para sa akin. Nasa may poso ako ngayon na nasa labas ng bahay ng kanyang inakupa. Pinalabhan nya sa akin ang mga madumi nyang damit pati narin ang mga hindi pa nya nagamit, at ipinasabay pa nya sa akin ang mga kurtina na alam ko naman hindi pa marumi. Tapos kahit may gripo naman, dito nya ako inutusan maglaba sa may poso. Ubod pa ng bigat habang nagtitimba ako. Napakainit pa dito sa pwesto ko. Sanay naman ako sa ganito, kaya lang, napakawalang puso nya talaga. Mas madali naman kung pinagamit nya sa akin ang gripo pero gusto talaga nya akong nahihirapan. May sakit nga talaga sa pag- iisip ang lalaking iyon. Ang bait kahapon, tapos hudas na muli ngayon. Pero, ayaw ko naman umurong sa napag- uusapan namin dahil sayang ang kikitain ko sa kanya, at saka naibigay ko na yong 2,000 pesos kay Amari, para hindi na sya mamoblema ng baon nya ngayong school year na to. Nag- usisa pa si Amari kung saan ko nakuha ang pera. Sinabi ko naman sa aking kakambal ang totoo. "Hoy, alipin, malapit ka na bang matapos dyan?" tanong ng hudas. "Boss, kalahating oras pa ako dito. Tapos, ang dami nitong kailangan kong labhan. Sa tingin nyo ba matatapos ko ito ng kalahating oras lang? Use your common sin (sense) po." mahinahon kong sagot sa mahinang boses. "What did you say?" "Sabi ko, hindi pa ako tapos." pasigaw kong sagot para marinig nya. Ayaw kasi nyang lumapit dito sa pwesto ko dahil baka daw masira ang kanyang balat. Napakaarte. Akala mo naman kung sinong kaputian. Okay fine. Napakakinis nga ng golden tan nyang balat, pero kung hindi sana ako laging nakabilad sa araw, baka magkatulad lang ang balat naming dalawa. Bakit kaya parang maputi sya kahapon? Siguro, kagagamit lang nya ng gluta, kaya medyo light sya kahapon. "Ang lakas ng loob mo na pumasok sa akin bilang katulong, ang kupad mo naman kumilos. Make it faster. Kailangan mo pang magluto ng tanghalian, then, you have to clean the whole house. Gusto ko malinis na malinis, ayaw kong makakita ng kahit anong alikabok." Nanliit ang aking mga mata. Ang sarap nyang ipakulam. Pag hindi ako makapagtimpi sa kanya, talagang gagamitan ko na sya ng orasyon. Wala nga pala akong orasyon. Kinagabihan, hindi ako halos makatulog, nilalamig ako at parang mainit ang aking pakiramdam. Medyo manipis pa naman ang kumot ko. "Anong nangyari sayo?" tanong sa akin ni Amari. Nagising sya dahil sa ingay ko. "N- Nilalamig ako." nanghihina kong sambit. Sinapo nya ang aking noo. "My God! Ang init mo. May lagnat ka." Ani ng aking kakambal. Tumayo sya. "Dito kalang, titignan ko kung may gamot pang natira. Nung isang araw kasi may nakita pa akong isang biogesic dun sa lagayan natin ng gamot." Hindi na ako nagsalita. Agad naman syang lumabas mula sa munting silid naming dalawa. Ilang minuto lang ang nakakalipas at bumalik narin sya na may dalang isang basong tubig at gamot. Tinulungan nya ako na mainom ang gamot na kanyang dala. Ipinatong din nya sa aking nilalamig na katawan ang kanyang kumot para mabawasan ang lamig na aking nadarama. "Sobrang nagpagod ka siguro kanina kaya ka nilagnat." aniya na hinaplos- haplos ang aking buhok. Hindi na ako nagsalita. Medyo pagod nga ako dahil pinaulit- ulit na pinalilinisan ng baliw kong amo ang bahay kanina. Pag may nakikita sya na kahit kakarampot na alikabok ay pinalilinis na naman nya ako. Pero sa tingin ko, hindi ang pagod ang dahilan kaya ako nilagnat kasi sanay naman ako sa pagod, at saka malakas din ang resistensya ko, tatlong taon na kaya akong hindi nagkaroon ng lagnat, kahit pa maabutan ako ng ulan at init sa daan. Isa lang talaga ang naisip kong dahilan kaya ako nilagnat, iyon ay dahil sa nahalikan ako ng lalaking iyon. Madami sigurong mikrobyo ang labi nung kaya ako nilagnat. Dalawang araw akong nilagnat kaya dalawang araw din akong hindi nakapasok sa aking trabaho. Magaling at malakas na ako ngayon. Sakto at araw ngayon ng Sabado. Imbes na puntahan ng aking amo, mas pinili ko na magtinda ng mga kakanin sa race track, may racing kasi ngayon. Bukas ko nalang pupuntahan yong amo kong guapo nga pero legit na ipinaglihi sa topak. Kailangan kong kumita ng araw na ito dahil nagkaroon ako ng lagnat kaya nabawasan tuloy ang ipon ko. Madami ang tao, madami din ang mga dayo, kaya medyo malakas talaga ang benta ko, lalo pa at sadyang friendly ako at palangiti. At medyo nagpakaganda din ako ngayon. Itinali ko ang aking mahabang buhok patalikod at naglagay din ako ng kunting pulbo sa aking mukha. Kasalukuyan akong palakad- lakad dito sa stadium habang dala- dala ko ang mga paninda ko. Mayamaya lang, napagpasyahan ko ang umupo sandali dahil napagod na ako. Uminom muna ako tubig saka ako napatingin sa baba kung saan naghahanda yong mga racer. Nanlaki ang aking mga mata nang napako ang aking paningin sa grupo ng mga lalaki. Ang grupo ito ni Rexon at kasama nya ang masungit kong amo. Nakasuot ang hudas kong amo ng kasuutan para sa isang racer. Kasali ba ito? Naku, tarantado pa naman ito magmaneho. Napatago ako bigla nang napatingin sila sa bungad ko. Pagmamay- ari nga pala ni Rexon ang race track na ito. Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na yon? Malamang nandito din itong may sakit sa pag- iisip kong amo. Kailangan kong mag- ingat. Kailangan kong magtago. Dapat hindi ako makita ng amo kong hindi ko parin kilala ang pangalan. Ngayong pa naman ang pangatlong araw na absent ako. Baka, babawiin pa nya yong advance nya sa akin. Tulad ng sabi ko, kung todo pag- iingat ang ginawa ko para hindi lang ako makita ng amo kong pangit ang ugali. Palingon- lingon ako pero napatigil ako nang may nabangga ako. Nakasuot ng uniporme pang racing ang nakabangga sa akin, unting- unti akong napataas ng paningin sa mukha ng matangkad na lalaki na nakabanggaan ko. At nagkasalubong na kilay na si---- "Boss!" sambit ko agad. "Dalawang araw akong naghahanap sayo. Bakit absent ka sa trabaho mo? Gusto mo yatang bawiin ko yong advance payment ko sayo. Ang dami ko pa naman labahin." pagalit na sambit nya sa mahinang boses na yon kaming dalawa lang ang nakakarinig. "Agad- agad? Kalalaba ko lang." "May reklamo ka? Baka nakalimutan mo na alipin kita at binabayaran ko ang serbisyo mo para pagsilbihan ako. " "Oo na. Hindi na magrereklamo. Kaya lang naman ako absent ng dalawang araw kasi nilagnat ako, at kailangan kong kumita ngayon ng pera." "Nilagnat ka? Akala ko ba sanay kang mapagod." biglang bumaba ang tono ng kanyang boses. "Sanay nga ako boss. Pero, hindi naman yon ang dahilan kaya ako nilagnat. Nilagnat po ako dahil sa hindi natin sinasadyang halikan, doon po ako hindi sanay. Madaming babae kana sigurong nahalikan kaya madami narin mikrobyo ang labi mo. Hanggang ngayon , nasusuka parin ako pag naiisip ang nakakadiring pangyayari na yon sa buhay ko." ang sarap sanang sambitin kung kaya ko lang. Baka mapalayas pa ako sa trabaho kung sakali- sakali nasambit ko nga. "What did you say?" galit na galit nyang sambit. Halos nag close open ang kanyang matangos na ilong na nakatingin sa akin. Nasabi ko ba? Oh noh! "May masamang espirito ang pumasok sa katawan ko boss. Hindi po ako yon nagsasalita." kinakabahan kong sambit. "Really?" mukha talaga syang galit. "Oo. At saka boss, pwede humingi ng pabor. Pwede wag mong ipagsabi sa iba ang halikan natin kasi nakakahiya po. Nahihiya po talaga ako kahit isipin lang ang bagay na yon." dagdag ko pa. Mas mabuti nang nasabi ko, nasimulan ko na kaya itinodo ko na, para isang bagsakan lang yon galit nya. Nahihiya naman talaga ako, baka iisipin pa ng iba na malandi ako. Yong first kiss ko, hindi ko man lang boyfriend. Halata sa kanyang hitsura ang pagka- bad trip. "Alam mo ba na maraming babae ang nangangarap na mahalikan ko? Alam mo bang parang nanalo na sa Lotto ang isang babae pag nahalikan ko?" "Di nga, boss! Bakit ako hindi yumaman sa halik mo? Nagkasakit pa ako. Mas lalo akong naghirap. Mas pipiliin ko parin ang manalo sa Lotto kaysa halik mo." Inis na inis na ang kanyang mukha. Gusto kong tumakbo sa sobrang takot ko sa kanya. Gagawin ko na sana to nang may tumawag sa kanya. Sinamantala ko ang sitwasyon na may kausap sya, mabilis ko syang tinakasan. Nakanganga ako ngayon habang nakatingin kay boss. Katatapos lang nyang sumalang sa racing. At sya ang nanalo. Hindi ako lubos makapaniwala na ang galing pala nya. At hindi din maipagkaila na ang dami pala nyang fans. Ang sinisigaw kasi ng mga babae ay ang kulay ng sports car na dala nya. Awang labi ako habang nakatingin kay boss na lumabas mula sa kotse. Ang hot pala nya tignan habang inalis nya ang kanyang helmet at ibang gear sa katawan. Diyos ko po! Mas lalo yatang naging guapo si boss. Humakbang sya palapit sa akin. Napalingon ako kasi baka hindi naman talaga ako ang lalapitan nya. Kinakabahan ako dahil nakatitig sya sa akin. Gusto kong tumakbo dahil nakakahiya, pinagtitinginan kasi ako ng mga tao. "B- Boss, may k-kailangan ka?" nauutal kong sambit. "Ikinakahiya mo pala ako, huh!" aniya saka nya hinawakan ang aking batok, at mabilis na nalapat ang kanyang labi sa aking labi. Sobrang panlalaki ng aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD