BRFW 7

1698 Words
(Third Person's POV) Pabaling- baling at hindi makatulog si Savino. Pabalik- balik sa kanyang isip ang sinabi ng kanyang kaibigan na si Rexon kanina. "F*ck bro, bakit mo hinalikan si Saskia? Don't tell us, my gusto ka dun. 'Cause if you are, well, congrats bro, you are going to polluted the mind of a child. A child because she is just 16 years old. Gusto mo yatang tawagin na cradle robber." Hindi na nya napigilan ang kanyang sarili. Napabangon sya bigla, at sobrang inis ang nadarama nya ngayon. "F*ck! Why in the hell that she's not even 18 yet." Tumayo sya at napagpasyahan nya ang lumabas para magpahangin at nang mahimasmasan ang naiinis nyang sarili. Kinabukasan..... Muntikan na syang napasigaw nang namulatan nya ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa gilid ng kanyang kama. Nakasuot ito ng damit na parang mag- jojoging. "What are you doing here, asshole?" galit nyang tanong sa isa sa kanyang kambal na si Santinir. "Wake up, bro. Exercise is the best way to forget your problem. Makakalimutan mo din dito ang pagiging broken hearted mo at maiwasan ang pwedeng mangyari after, tulad nalang ng suicide." Kinuha nya ang isa nyang unan at ibinato ito sa kakambal. "Bweset ka! Umalis ka. Wala akong suicidal problem, moron. I won't kill my self just because of a slut." naiirita nyang sambit. Wala sa mood nya na makipagbiruan dito ngayon, dahil baka masapak nya ito nang wala sa oras. Magbiro sa lasing, wag lang sa bagong gising, ika nga. At saka, gusto pa nyang matulog dahil kulang na kulang pa sya dito. "Umalis kana, bago pa kita masapak. Baka kayong dalawa ni Sancho ang kailangan ng tulong, dahil parang nababaliw na kayo." Saka nya itinago muli ang mukha sa unan. Ayaw nyang makarinig ng kahit ano kaya tinakpan din nya ang kanyang tenga. He wanted to sleep more. Samantala..... Kapapasok palang ni Saskia sa pinto nang nakita nyang kalalabas lang ng boss nyang bugnutin sa kwarto nito. Bugnutin talaga, ito na nga ang basta't basta nanghalik sa kanya kahapon, ito pa ang halik. Mabuti nalang at hindi sya nilagnat muli. Ganito talaga sya, madaling masanay ang katawan nya sa mga mikrobyo. Nakasuot ito ng puting sando at puting short. Mukhang plano nitong mag- jogging. May dala din itong puting bimpo. Kaya puting- puti itong tignan. "Boss, sana ka pupunta?" nagtatanong parin sya at pinilit nyang ngumiti dito. "Ikaw ba ang binayaran ko para maging katulong ko?" tanong nito. Ang weird talaga ng boss nya at nagsimula na naman ito sa ka- werduhan nito. "Oo, boss." Malala na talaga ang sakit nito. "Halika, samahan mo akong mag- jogging." Hindi na sya nagreklamo pa, at sinamahan nalang nya ito, baka maisipan pa nito na halikan na naman sya pag mag- iinarte sya. Mabuti nalang at naka- short sya. Nang umabot na ng 30 minutes ang tinakbo nila ay tumigil din ito. Ininom nila pareho ang binili nilang bottle water kanina. "Boss, mahilig pala kayong mag- jogging." napakumento sya dahil parang mapapanes na ang laway nya sa katahimikan nilang dalawa. "Oo. Anyway, hindi boss ang pangalan ko. Santi--- Savino. Savino pala ang pangalan ko." Seryoso ito. "Boss, wag kang magagalit ha. Pero, ang pangit pala ng pangalan mo." Napatawa ito sa kanyang sinabi. Kaya alam nyang hindi ito galit. "Hindi naman ako galit. Talagang pangit ang pangalan ko. Sa aming magkakapatid, ako ang may pinakapangit na pangalan. Yang pangalan ko kasi ay nasunod ng mga magulang ko sa pangalan ng isang aso. Yong bulldog na kamukha ko na may maraming kuto." Hindi nya mapigilan ang bahagyang mapatawa. Palabiro pala minsan itong amo nya. "Naku, pareho pala tayo boss." laking mata nyang sambit. "Ang pangalan namin kasi ng kapatid ko ay sinunod ng mga magulang namin sa dalawang chihuahua na alaga ng kanilang amo. Ako si Saskia at yon kapatid ko naman ay si Amari." "Hmmm...Saskia means protector of mankind. Amari in Latin "to be loved". In Hebrew "promised by God". Maganda pareho ang pangalan ninyo ng kapatid mo." Napangiti sya. Mabait naman pala minsan itong boss nya. Ngayong, alam na nya ang kahulugan ng pangalan nilang dalawa ni Amari, kahit hindi nya masyadong naintindihan. "Kayo boss, may mga kapatid ba kayo?" "Oo. Anim kami lahat na puro lalaki. Seighfred, Saven, Simon, Sancho, Santinir at ako nga si Savino." Grabeh! Hindi nya mapigilan ang matawa sa mga pangalan na binanggit nito. "Bakit ka natatawa?" kunot- noo ito. "Boss Savino, wag kang magagalit ha. Ang papangit kasi ng mga pangalan ninyo. Lalo na yong Santinir, ang pangit talaga." "Anong sabi mo?" "Boss, please, wag mo naman sabihin sa kapatid mo pero, mas pangit ang Santinir kaysa sa pangalan mo. At least, may mas papangit pa kaysa pangalan mo." Napahugot ito ng hininga. "It doesn't matter. Ang mahalaga, yang kapatid ko na si Santinir ang pinakaguapo at pinakamabait sa amin, okay?" Tumakbo ito muli, sumunod naman sya dito. Kainis, ang hirap kayang magjogging dahil tsinelas lang ang suot nya. Mabuti nalang at parang naglalakad lang ang pagtakbo nito. "Boss, bakit nga pala, minsan mabait ka, minsan hindi?" hindi nya napigilan ang mapatanong. Gusto nyang malaman ang rason para maintindihan din nya ito kahit papaano. "Minsan kasi, umaataki yon sakit ko sa pag- iisip, naging moody ako. Kaya bantayan mo akong mabuti dahil baka magpapakamatay ako. Hindi yon malayong mangyari sa akin, lalo't nasa kwarto lang ako at laging natutulog." Hindi naman ito nakatago lagi sa kwarto, madalas pa nga itong gumigimik. Pero, kailangan nya itong intindihin. Grabeh! Kailangan din pala nya itong bantayan, dahil baka nga magpapakamatay ito at sya pa ang masisisi. Dami pa naman marites sa lugar nila. Baka isipin pa ng mga ito na kaya nagpapakamatay itong amo nyang baliw ay dahil binasted nya ito. Bakit ba naman kasi, hinalikan sya nito sa harap ng madaming tao? Nakakahiya talaga kasi inakala pa tuloy ng iba na may gusto ito sa kanya. Alam naman nya na hinalikan lang sya nito dahil gusto nito na magkaroon sya ng lagnat muli. Bumalik sa alaala nya ang sinabi nitong boss nya pagkatapos syang halikan. "Hinalikan lang kita para magkaroon ka ng lagnat muli." Yan talaga ang sinabi nito. Salbahe talaga ang Savino na to. Gusto talaga nito na magkasakit sya. Sa kabilang banda....... Kanina pa inis na inis si Savino. Hindi kasi nya makita ang kanyang alila. Halos nilibot na nya ang buong bahay pero hindi nya makita ang Saskia na yon.Bweset! Gutom na gutom pa naman sya. Halos umuusok na ang kanyang ilong sa sobrang inis nang may pumasok sa pinto na nagpalala ng kanyang inis. "Hi kapatid, buti at buhay kapa." "Nandito ka parin?" "Malamang. Nasa harapan mo nga ako ngayon." "Asshole, umalis kana." pagpapalayas nya muli dito. Tinawanan lang sya nito kaya mas lalo syang napipikon. "Don't worry, aalis na ako." "Mabuti naman." Baka makita pa ito ng alila nya at magka- crush pa ito sa kanyang kapatid. Although, alam naman nyang mas guapo sya dito ng maraming beses. "Saan ka galing? Absent ka na naman kanina." Salubong agad sa kanya ng kanyang boss. Kapapasok lang nya sa loob ng bahay. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa dingding. At madilim ang anyo nito. Ano na naman kaya ang problema nito? Ito naman ang nag- utos sa kanya na umuwi lang muna para makapagpahinga at babalik nalang sya pagkatapos nyang mananghalian. Tapos, ngayon, parang galit pa ito. Hindi naman sya late ha, advance pa nga ng 20 minutes ang dating nya. "Boss, nakalimutan mo na ba? Nag-----" "Sasabihin mo na naman, na nilagnat ka dahil sa hinalikan kita kahapon. Napakatamad mo talaga. Ang dami mong alibi. Akala mo ba hindi ko gets yang modus mo." Kunot- noo sya. Ano na naman kaya problema nito? Sinusumpong na naman siguro ito ng sakit nito. "Boss----" "Napakatamad mo." putol na naman nito sa iba nyang sasabihin. "Alam mo, hindi na ako nagtaka kung bakit tamad ka. Kasi napakatamad ng mga magulang mo. Kahit 16 ka palang pinagtatrabaho kana nila. At sigurado ako, na humihilata lang sila ngayon dahil napakatamad nila. Wala silang kwentang mga magulang." Agad nyang nadama ang sakit sa sinabi nito. Masyado pa naman syang sensitive lalo na kung ang nanay at tatay nya ang pinag- uusapan. "Wag mong idamay ang nanay at tatay ko dito. Hindi sila tamad. Ginawa nila ang lahat para maitaguyod ang pang araw- araw namin. Hindi nila ako pinagtatrabaho para mabuhay lang kami. Wala silang ibang hangad kundi ang makapagtapos kami ng pag- aaral ng kapatid ko.Dahil sabi nila, iyon lang ang tanging maiwan nila sa amin. Iyon din daw ang ticket namin para magkaroon kami ng mas magandang buhay na higit sa maibigay nila sa amin." hindi ko napigilan at napatulo nalang ang luha ko ng basta. "Pero, wala na sila. Namatay na sila. At naiwan kaming dalawa ng aking kapatid. Kami nalang dalawa ang nagtutulungan para maabot ang pinangarap ng mga magulang namin para sa aming dalawa. Kahit mahirap, kinaya naming dalawa. Hindi mo naintindihan yong hirap na sinasabi ko kasi hindi mo naranasan ang maghirap." Napaawang ang labi nito sa kanyang sinabi. Hindi nya maintindihan ang ekspresyon na meron ang mukha nito. Pero, alam nyang nahabag ito habang nakatitig sa kanya. "Hindi din ako tamad. Sadyang makakalimutin kalang. At sinusumpong ka na naman siguro ng sakit mo, kaya nakalimutan mo na magkasama tayong nag- jogging kanina. Sabi mo, umuwi muna ako para makapaghinga. At ngayon, ewan ko na naman sayo." Pagkatapos nyang sabihin ito, tinalikuran na nya ito at padabog syang humakbang papunta sa kusina. Wala sa plano nya na pansinin ito. Dahil galit sya dito. Tulad ng sabi nya, hindi nga nya ito pinapansin. Kung may itatanong ito sa kanya, tango, Oo at Hindi lang ang nakukuha nitong sagot mula sa kanya. Hindi din nya ito dinadaldalan kahit pansin pa nya na parang gusto nito na mag- usap silang dalawa. Hindi din nya kinain ang ginawa nitong sandwich na para sa kanya kaya ngayon, halata ang pagkabanas nito. "Ano ba Saskia, napipikon na ako sayo." sambit nito na halata ang matinding inis. Itinigil nya sandali ang ginagawang paghuhugas ng mga baso at napalingon sya sandali dito. Nakatayo ito malapit sa kanya. "Ano ngayon kung napipikon ka? Ako nga, galit sayo. Ipinagsigawan ko ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD