BRFW 8

1562 Words
(Saskia) "Can you just move on already. It's been two days." Ani sa akin ni boss, halata ang irritasyong sa kanyang boses. "Boss, hindi na ako galit sayo. Kailangan ko lang lumayo sayo ng kunti dahil baka masaktan na naman ako sa mga lumalabas sa labi mo." totoong sabi ko. Hindi naman ako ang klasi ng tao na nagtatanim talaga ng galit. "Ganyan talaga ako magsalita, dapat masanay kana." Ani nito. "Wala kang karapatan na magreklamo dahil binabayaran ko ang serbisyo mo." "Hindi naman ako nagrereklamo boss. Umiwas- iwas lang ako." sagot ko, saka ko ipinagpatuloy ang paghihiwa ko sa mga rekados ng lulutuin ko para sa kanyang tanghalian. "Grabeh, ang bait nyo po nung nagjo- jogging tayo. Nagkaroon nga ako ng crush sayo nung pero pagpunta ko dito, biglang nawala yong paghanga ko sayo kasi ang talas talaga ng dila mo." Hindi ko na naman mapigilan sambit, huli na para bawiin. Itong bibig ko talaga, kung minsan pahamak sa akin. "Nagkaroon ka ng crush sa akin?" Nasimulan ko na, ipagpatuloy ko nalang. At saka, itong sasabihin ko sa kanya, pwede din nya itong gawin leksyon sa buhay, na dapat bawas- bawasan nya ang pagiging arogante nya para may babaeng tatagal sa kanya. Ibinalik ko muli ang pokus ko sa kanya. "Ganito kasi boss, nagkaroon ako ng crush sayo nung nagjo- jogging tayo pero nawala din agad nung araw din na yon, dahil pagbalik ko dito, ang pangit na po ng ugali mo. Kaya nawala din agad yong paghanga ko sayo. Kaya, lesson learned po ito sayo, kung palagi kang ganyan, talagang walang babae ang tatagal sayo." Umigting ang kanyang panga, at halata ang pagkabanas sa kanyang mukha. "Wag kang magka- crush sa lalaking yon." aniya. Hala, nabaliw na naman yata sya. "Sinasabi ko sayo Saskia, wag kang magka- crush sa lalaking iyon." "Hindi na nga kita crush boss, kasi nga iniinsulto mo ako nung nakabalik na ako dito. Idinamay mo pa ang nanay at tatay ko. Parang bingi talaga 'to." Heto na naman ang bibig ko. "Kaya nga, sabi ko sayo, itong nangyari ngayon na nawala agad ang pagkagusto ko sayo, dapat maging lesson ito sayo. Kung ayaw mong tumanda na walang asawa, dapat bumait ka man lang kahit kunti. Sayang kasi ang hitsura mo kung nakaka- discourage naman yang ugali mo." Nagsalubong ang kanyang kilay. Halatang galit sya. "Fine. Mas mabuti na yong nawala na ang pagka- crush mo sa akin. Dahil hindi ang mga tipo mo ang hilig ko." galit nyang sambit saka sya padabog na humakbang para iwanan ako. Kunot- noo akong nasundan sya ng tingin. Galit?! Hindi man lamang nagpasalamat dahil sa magandang advice ko sa kanya. Pagkatapos kong magluto, agad kong inihanda ang kakainin ng boss ko. Tahimik lang sya na kumakain, at kunti lang ang kinain nya na parang wala sya sa gana. "Kunin mo yon mga kurtina sa kwarto at labhan mo." aniya. "Boss, hindi pa naman marurumi ang mga iyon." Limang araw pa ang nakakalipas mula ng malabhan ko ang mga iyon. "So, ano ngayon? Sa bahay namin, ang mga katulong namin ay araw- araw nagpapalit ng mga kurtina." tumayo na sya. "Wala kang karapatan magreklamo dahil katulong lang kita." at naiwan na naman ako sa kusina. Mabuti naman dahil gutom na ako. Habang kumakain ako, naalala ko ang sinabi ni boss. Grabeh pala ang mga mayayaman, araw- araw pala pinapalitan yong mga kurtina kasi yong kurtina namin sa bahay halos umabot pa ng isang taon saka pa napalitan. Pagkatapos kong kumain ay mabilis kong hinugasan ang pinagkainan namin ni boss. May mga kurtina pa akong lalabhan. Agad akong pumasok sa kwarto ni boss para kunin yong mga kurtina. Naabutan ko si boss na nakahiga na parang natutulog kaya bumagal ang aking kilos para hindi ako makagawa ng ingay na maging dahilan para madistorbo sya. Napatigil ako at napatingin kay boss. Nakapikit talaga ang mga mata nya. Mukhang tulog na tulog talaga sya. Hindi ko napigilan ang aking sarili at napaupo ako sa gilid ng kama, at hindi ko na naman napigilan muli ang aking sarili nang napatitig ako kay boss. Grabeh ang guapo talaga nya! Napaka- perpekto tignan ng kanyang mukha. Yong hitsura at tindig nya ay parang sadyang hinulma ng isang napakagaling na artist. Kaya lang, ang sama talaga ng ugali nya. Titig na titig ako sa kanyang mukha, hanggang sa may napansin ako. Para kasing may dumi ang kanyang mukha at naiinis ako sa isipin na nadudumihan ang kanyang mukha. Bahagya pa akong lumapit sa kanya at inilapit ko ang aking mukha ng kunti sa kanyang mukha para kunin ang dumi sa kanyang mukha. Tulog na tulog naman sya kaya hindi na nya mapapansin itong gagawin ko. Pero, natigil sa ere ang kamay ko nang napako ang aking mga mata sa kanyang napakagandang hugis na labi. Nag- init ang aking pisngi nang naalala ko ang dalawang beses na naglapat ang labi naming dalawa. Nasarapan naman talaga ako kaya lang, umiinit kasi ang pakiramdam ko at parang lalagnatin ako. Napasigaw ako bigla nang biglang ibinuka ni boss ang kanyang mga mata at hinila nya ako dahilan para mapahiga ako ng wala sa oras sa kanyang ibabaw, mabilis din ang ginawa nyang pagpalit sa pwesto naming dalawa. Sya na ngayon ang nasa ibabaw ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Ang bilis ng t*bok ng puso ko. "Plano mo akong halikan, huh!" aniya. Ang kanyang boses ay mahina na parang inaakit ako. "H- Hindi boss, p- plano ko lang kunin yong dumi sa mukha mo." Para akong biglang nagka- nerbiyos. "Liar!" Sunod- sunod ang paglunok ko nang unting- unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Tumigil din sya nang halos isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha naming dalawa. "Gusto mo bang maranasan ang totoong mahalikan? Yong dalawang beses na naglapat ang labi nating dalawa, it just a peck. Hindi yon halik para sa akin. And I wanted to savour that little lips of yours right now. I'm going crazy thinking the taste of your lips if I'm going to give you a real kiss." Napaawang ang labi ko. Sa tingin ko, dumugo na naman ang ilong ko dahil sa sinabi nya. Pero, may pumapasok pa din naman sa isip ko sa kanyang sinabi. Sa tingin ko, plano nya akong halikan. Kaya mas tumindi ang aking nerbiyos. Hindi pa nga ako naka- exhale sa sobrang nerbiyos na aking nadarama pero agad din nalapat ang kanyang labi sa aking labi. Hindi ko alam ang gagawin ko, kasi ang ginawa nya ngayon sa akin ay hindi katulad ng ginawa nya sa akin nung dalawang beses na naglapat ang labi naming dalawa. Gumagalaw ang labi nya na parang tinutukso ang aking bibig na buksan ito. At ewan ko sa aking sarili kasi nagpadala ako sa tukso. Naramdaman ko ang pagpasok ng kanyang dila sa loob ng aking bibig na parang hinahalukay ang loob nito. Pero, imbes na mandiri ako sa ginawa nya, nasasarapan pa ako. Kaya hindi ko napigilan at naipikit ko ang aking mga mata. Pero, may pumapasok sa isip ko kaya napatulo ang luha ko. Naramdaman ko ang pagtigil ni boss sa paghalik nya sa akin kaya naibuka ko ang aking mga mata. "B- Bakit ka umiiyak?" Napaiyak ako kasi nahihiya ako. Hindi ko asawa o kahit boyfriend man lamang si boss pero pumayag ako na halikan nya. Amo ko sya tapos katulong lang nya ako. Yong pagitan naming dalawa, langit at lupa. "Bakit mo ba ako hinahalikan? M- May gusto kaba sa akin?" Tila naman sya nasamid sa aking tanong. Sandali syang hindi nakakilos, na para bang napaurong sya. Pero, mabilis din syang umalis sa aking ibabaw kalaunan. At napaupo sya bigla. "What are you talking about? I don't like you even a slight. I can't like someone like you who is so annoying and stupid. I didn't mean to kiss you. It was an unintentional and stupid act. Forget that kiss because it's means nothing to me. You are nothing to me!" aniya saka sya umalis sa kama at naiwan akong nakatanga. Mabuti nalang at English ang ginamit nyang salita, kaya hindi ko sya masyadong naintindihan. Idagdag pa kung paano nya sambitin ang kanyang mga salita. Dahil kung tinatagalog nya baka mas lalo akong masaktan dahil panigurado iniinsulto na naman nya ako. Samantala...... Kinagabihan, hindi nakatulog si Savino. Laman ng kanyang isip ang ginawang paghalik nya kay Saskia. At naiinis sya sa isipin na ginugulo sya ng halik na yon. It was supposed to be nothing but what the hell, because he can't forget the taste of her lips. He just wanted to tease her but he kissed her instead. And it is so heavenly. Kinabukasan....... Pilit na ibinalik ni Saskia ang lahat sa normal. Kailangan nyang tiisin ang ilang araw na makakaharap pa nya ang kanyang boss. Hindi na kasi nya pwedeng ibalik dito ang naibayad nito sa kanya. Halata sa mukha ng kanyang amo na wala ito sa mood. Umaga palang, napaka- busangot na ng mukha nito. "Hindi mo na kailangan bumalik dito bukas. Hindi ko na kailangan ang serbisyo mo. Babayaran pa din naman kita sa napag- usapan natin. Basta, wag kanang magpakita sa akin. Naintindihan mo, ayaw na kitang makita." Agad din naman syang tinalikuran at iniwan nito pagkatapos sabihin nito ang nais sabihin. At ewan nya kung anong nangyari sa kanya, dapat masaya sya pero bakit nasasaktan sya sa isipin na ayaw na nito na makita sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD