(Saskia)
Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang bumalik ako sa paglalako ko ng aking mga paninda. Parang bumalik na naman sa normal ang aking buhay. Aaminin ko, nakakamiss din pala ang kasungitan ni boss at yong masarap nyang sandwich. Pero, ganun talaga, hindi naman habang buhay na katulong nya ako. At saka, dayo lang naman sya sa lugar namin at baka malapit na din syang bumalik sa Manila. Mas mabuti narin ito.
Mukha naman syang walang problema at siguro hindi naman nya totohanin yong sinabi nya nung na baka magpapakamatay sya. Ilang beses ko na nga syang nakita na kasama ang mga kabarkada nya, at syempre, hindi ako nagpapakita sa kanya, sabi kasi nya ayaw na nya akong makita.
Hapon na at ubos narin ang mga paninda ko. Napadaan na naman ako sa kung saan kasalukuyan nanunuluyan si boss. Pasimple akong sumilip sa gate at napatingin ako sa unit ni boss. Grabeh, umaasa pa talaga ako na makikita ko si boss.
"Hoy, diba, ikaw yon katulong sa unit 5." tanong ni Manong Guard sa akin.
"Ah, opo." magalang kong sagot.
"Pinagbawalan ka nang pumasok dito. Sabihin mo nga sa akin, ninakawan mo yon amo mo, diba? Kaya ganun nalang yon kaayaw na papasukin ka muli dito."
Nasaktan at nainsulto ako sa narinig.
"Grabe naman po kayo manong guard. Mahirap lang po ako, siguro mas mahirap pa kaysa sayo, pero hindi ako magnanakaw."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa si manong guard, at baka mainsulto lang ako. Humakbang na ako para makaalis na sa lugar na ito.
Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilan at kusang napatulo ang luha ko. Kahit na tulad kong mahirap ay nagawa parin akong insultuhin, kaya hindi na ako dapat magtaka kung bakit nagawa akong insultuhin ni boss. Ang hirap naman maging katulad ko, mahirap na nga, mangmang pa. Kaya, kay dali lang ng iba na insultuhin ako.
Nasa may plaza kami ngayon ni Benjie. Sumama na naman kasi ako sa kanya na magtinda ng mga balut at penoy. Madami kasing tao sa plaza dahil malapit na ang pista. Madaming mga tent ang nakatayo sa plaza para sa mga kasiyahan na magaganap sa mga susunod na araw. Magkasama kami ni Benjie habang bitbit yong mga paninda namin. May bumili sa tent na nadaanan namin kaya napahinto kami dito. Karamihan sa mga nandito ay mga foreigner. Isa- isa naman nagpakilala sa akin ang mga ito.
"Hello, I'm David!" Ani ng isang lalaki na sa tingin ko isang Amerikano. Guapo ito may magandang tindig.
"Saskia." matipid na sagot ko dito.
"Beautiful name, like you." Ani naman nito.
Tila naman tinutukso ng mga kasama nito itong si Dave. Hindi ko man sila masyadong naintindihan pero halata iyon sa kanilang kilos. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti lang.
Hindi sinasadya na napatingin ako sa katabing tent at grupo nina Rexon ang nakita ko, kasama din nya si boss, pati na ang dalawang kaibigan nila at ilang mga babae. May magandang babae na katabi si boss at masaya itong nakipag- usap sa babae.
Mala dyosa pala sa ganda ang mga babaeng gusto ni boss. Girlfriend kaya nya ito? Agad akong nagbawi ng paningin sa mga ito. Ano naman sa akin kung girlfriend ito ni boss?
Lumabas na kami sa tent na pinasukan namin. Hindi ko alam kung bakit napatago ako sa gilid ni Benjie nang padaan na kami sa tent kung nasaan si boss. Pero, bigla kaming tinawag ni Rexon, mukhang bibili ang mga ito.
"Puntahan mo." Ani ko kay Benjie.
"Bakit ako lang? Bakit hindi tayong dalawa?"
Nag- iisip ako ng pwede kong idahilan ng may kumaway sa akin na lalaki na nakaupo sa isang bench, mukhang bibili ito.
"Dahil may customer doon." Ani ko at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pag- eskapo.
Nanghihinayang ako dahil hindi naman pala bibili itong lalaki na nilapitan ko kundi may itatanong lang pala.
Aalis na sana ako nang lumapit sa akin si David.
"Ah...." tila nahihiya ito. Napakamot ito sa ulo nito. "Inuwtusan (Inutusan) ako ng mga kasahma (kasama) ko, to buy some more baluwt and pewnoy. Masahrap kasi!"
Napangiti naman ako sa kanya. Ang cute nyang pakinggan. Sinubukan nya ang makakaya nya para maayos nyang masabi ang gusto nyang sabihin. Nahahalata siguro nila na hindi ko sila masyadong naintindihan.
Umugong naman ang tawanan mula sa kanyang mga kaibigan na parang tinutukso talaga itong si David.
"How many?" sinubukan ko din naman ang mag- English.
"Five each."
Binigyan ko naman sya ng tig lilima sa penoy at balut.
"Saan ka punta pagkatapos nito?"
"Going home."
"Ahh..you want to go with me. I want to roam around and I need someone as a tour."
Tour? Tour guide ba ang ibig nyang sabihin?
"F*ck bro. You just wanted to get laid. Believe me bro, probinsyana is hot and f*cking tight too." sigaw ng isa nyang kaibigan.
Napailing na napangiti nalang si David. Napangiti narin ako dahil wala naman akong naintindihan.
"What can you say?" tanong nya muli.
" Sorry but hindi----- Ayy!" napasigaw ako bigla nang may biglang sumuntok kay David at humandusay ito sa lupa. At nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko si boss na syang may gawa nito.
"What the f*ck? What is your problem?" galit na sambit ni David at pagiwang- giwang itong tumayo.
"My problem is YOU and your f*cking friends."
Akmang lalapit ang mga kaibigan ni David dito, pero hinarangan naman ito ng mga kabarkada ni boss. Medyo nakaagaw na kami ng pansin. Gulong- gulo ako sa nangyari, lalo't English naman ang ginamit na lengwahe ng dalawang grupo.
Wala naman akong nagawa ng hinila ako bigla ni boss at dinala nya ako sa isang lugar na walang masyadong tao.
"Why are you so stupid, huh? Stupid!"
Napatulo ang luha ko. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng stupid.
"Ang sakit mo naman magsalita, boss. Ano bang problema mo?" pinunasan ko ang aking luha.
"Problema ko? Ikaw? And your stupidity." galit na sambit nito. "Hindi ako lubos makapaniwala na pangiti- ngiti kapa kahit binastos ka ng mga lalaking yon. Ganyan kaba talaga kabobo?"
Binabastos ako? Sa isipin ito, napatulo ang luha ko pero bakit parang mas nasasaktan ako sa mga salitang nanulas sa labi ni boss kaysa katotohanan na binabastos ako.
"Ang sakit mo naman magsalita boss. Para sabihin ko sayo, mahina ako sa English, pero hindi ako bobo. Dahil kung bobo ako, baka patay na kami ngayon ng kapatid ko. At saka, pasensya na kung nakangiti lang ako, wala naman kasi akong naintindihan sa mga sinasabi nila. Kustomer kaya yon, kaya kailangan kong pakisamahan." tulong luha kong sambit. " Sana, hindi mo nalang sinabi na binastos ako para maayos at mahimbig parin ang tulog ko ngayon gabi. Hindi naman ako masasaktan sa isang bagay na hindi ko naintindihan, ngayon nasasaktan na ako dahil sinabi mo. Pero, mas masakit parin ang mga katagan na binibigkas mo."
Awang labi naman sya sa narinig.
Akmang tatalikuran ko na sya. Pero mabilis nyang hinawakan ang aking kamay.
"Saan ka pupunta?" kunot- noo na tanong nya.
"Babalikan ko yong mga paninda ko pati na si Benjie."
"No! You won't come back there."mas hinigpitan nya ang paghawak sa akin.
"Ano ba? Sayang yon kita ko at kikitain ko pa."pinilit kong makawala sa kanya.
Napasigaw ako bigla sa sunod nyang ginawa na hindi ko napaghandaan. Pabigla nyang akong isinakbit sa kanyang balikat na para isang sakong bigas. Sinipa- sipa ko sya pero hindi ko man lang sya natinag. Hanggang sa tuluyan nya akong naipasok na sa tingin ko, kotse nya.
"Ano ba boss, sayang nga yon---"
"Babayaran kita ng doble, samahan mo lang ako ngayon."
Samahan sya? Napalunok ako sandali.
"At bakit naman kita sasamahan? Sabi mo ayaw mo na akong makita."
Tila naman sya napaurong sa aking sinabi. Napabugtong- hininga sya kalaunan.
"I'm sorry! It just that---- I miss you!"
Parang may mga paru- paro na nagliliparan sa loob ng aking tiyan sa narinig. Nag- init din ang aking pisngi. Ano ba itong nadarama ko? At saka bakit dumuble ang kaguapuhan ni boss ngayon?
Pero, may kakaiba talaga akong nadarama ngayon, at hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nadarama.
"I miss you! Wala kalang bang sasabihin?"
"Ahh boss...ano kasi...kasi..." God! Paano ko ba sasabihin, nakakahiya naman.
"C'mon, say it baby, wag kang mahiya."
Nagdedeliryo na yata si boss, baby na ang tawag sa akin. Dapat ako itong hindi mapakali.
"Boss...kasi...ma- masakit kasi ang tiyan ko at parang------" napatigil ako nang-----
Sorry, hindi ko na talaga napigilan.
"What the! Ang baho, Saskia." reklamo ni boss at tinakpan ang kanyang ilong.
"Grabeh ka boss, may mabango bang ut*t? Kung makapagsalita ka, parang mabango yang ut*t mo." Itutuloy.