Saskia's POV Nasa loob na kami ng kotse ni Savino at binabaybay namin ang daan pauwi. Tahimik lang sya kaya tahimik lang din ako. "Hindi ka papasok sa paaralan." Napatingin ako sa kanya. "Ano?" laking mata kong sambit. "Gusto kong mag- aral, Savino. Ikaw narin ang nagsabi na karapatan ng bawat isa ang makapag- aral at magkaroon ng magandang edukasyon. Bakit mo iyon ipagkait sa akin?" "Kukuha ako ng private teacher para sayo. You will be homeschool." Homeschool. Nakanganga ako. Naintindihan ko naman kung ano yang homeschool pero ang buong akala ko, yong mga elementary lang ang pwedeng mag- homeschool. "Sa bahay kalang mag- aaral. Hindi ka pupunta sa kahit anong paaralan." "Ano? At paano ko e- enjoy ang pagiging estudyante ko?" "Akala ko ba ang makapagtapos sa pag- aaral ang nasa i

