Saskia's POV Kung pipigilan nya ako, hindi talaga ako magpapapigil. Kailangan muna nyang mapagtanto kung sino ba talaga ang mas mahalaga sa kanya. Ako o si Charlotte? Bakit ko ba iniisip ito? Umaasa ba talaga ako na pipigilan nya ako? "Fine. If you want to leave then go. Akala mo ba talaga na pipigilan kita?" Sabi ko na nga umaasa lang ako. Hindi nya ako pipigilan. Baka nga ikinatuwa pa nya ang pag- alis ko. Alam kong desisyon ko ang umalis pero nasaktan ko sa naging katugon nya. At aaminin ko, gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Tulad ng sabi ko, ayaw kong maiyak sa harapan nya. Baka mas lalo pa nyang ikatuwa iyon. "Talagang aalis ako Savino at kahit pipigilan mo pa ako, talagang aalis parin ako. Hindi ko na kaya lahat ng pangingisulto at pananakit na ginawa mo sa

