"You are fine. Wala akong nakita na kahit maliit na laceration sa pagk*babae mo." Narinig ni Savino na sabi ng kilala nyang doctor kay Saskia. Dati nya itong kaklase nung nasa high school palang sila at naging kaibigan narin kalaunan. Dinala nya si Saskia dito para maniwala ito sa sinabi nya dito na isa naman kasinunggalingan. "Saskia, makinig ka muna sa akin. Walang nangyaring masama sayo. Hindi ka nagalaw ng mga lalaking yon. Makinig ka kasi muna sa akin." Napaangat ang mukha nito sa kanya. Puno ng luha ang mga mata nito. Halata ang matinding paghihinagpis nito. Aaminin nya, pinagsisihan nya ang nagawa nya. Kung maibabalik lang nya ang lahat, ginawa na nya. Pero hindi na nya maibalik ang nangyari na. Kasalanan naman nya. Nagpapadala sya sa galit nya dito. At mas nanaig sa kanya ang ka

