----- The Forgotten Wife ------ - Desiree's POV Palapit na ako kay Killian nang napahinto ako. Lumapit kasi sa kanya ang mommy nya at may kasama itong isang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hinalikan ng babae si Killian sa labi. Halata ang pagkabigla ni Killian sa ginawa ng babae pero wala naman syang ginawa para kontrahin ang ginawang paghalik nito. Habang ang ina naman nya ay ang lapad ng ngiti, halatang masayang- masaya sa nangyari. Sobra akong nasaktan sa nakita ko, parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Gusto kong lumapit sa mga ito pero para akong ipinako sa kinauupuan ko. Napatingin sa bungad ko ang mommy ni Killian, at malapad ang kanyang ngisi sa akin. Parang tuwang- tuwa sya sa nakita ko. Sumama si Killian sa babaeng humalik sa kanya nung hinila sya nito patu

