----- The Forgotten Wife ----- - Warning: Contain Mature Scene! - Desiree's POV Hindi muna ako iniuwi ni Killian sa apartment namin ni Carla. Dinala nya ako sa penthouse nya. Ipinalinga ko ang mga mata ko sa loob ng penthouse nya, napakaganda pala talaga dito. Nasa toktok ng isang mataas na building dito sa Cebu. Mula sa itaas, kitang- kita ang magandang view ng SRP, ang mga magagandang ilaw nito ay parang bituin sa gabi. Malamig ang gabi kaya nayakap ko ang sarili ko gamit ang mga braso ko. Nakatingin ako sa may bintana, habang pumunta naman sa bar area si Killian para kumuha daw ng maiinom. Nag- eenjoy ako na ipinalinga ang mga mata ko sa kahit anong mahagip nito. Mayamaya lang, naramdaman ko ang presensya ni Killian sa likod ko. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya pero alam kon

