(Saskia) Tulad ng mga nagdaan araw, ginagawa ko na naman ang normal na laging nangyayari sa buhay ko. Kakain tapos maghahanda para sa paglalako ko ng mga kakanin. Sa totoo lang, minsan napapagod din ako pero tiis- tiis nalang muna. Pag makapagtapos na sa pag- aaral si Amari at makahanap na sya ng magandang trabaho, ako na naman ang mag- aaral. Umupo muna ako saglit sa isang malaking sanga ng kahoy na natumba, para makapagpahinga. Mahaba pa ang araw at medyo mahaba pa din ang lalakbayin ko. Napatingala ako sa ulap. Kung ang mga pangarap namin ni Amari ay kasing taas sa ulap, maaabot kaya namin ito? Possible ba na ang ulap na tinitingala ko ay bababa at ito na ang kusang lalapit sa akin. Napailing ako bigla. Bakit ko ba nakikita ang mukha ni boss sa ulap? Bakit ba sya ang naalala ko?

