
TITLE: Touch Me Mr. VolkovskyGENRE: Romance | Action | +R18 🔞AUthor:Msyummyyy•||PROLOGUE||•“Who are you? Where is Miss Zaldua?” Matangkad at matipunong lalaki ang bumungad sa akin ng makababa ito ng hagdan. Hindi kagaya kanina na puros papuri patungkol sa mga kagamitan ay tila naputulan naman ako ng dila dahil hindi ko na magawang makapag salita.Akala ko ba ang matandang Don lang ang nakatira sa mansion, sino ang isang ‘to?“Can you hear me, miss? Why are you here? Where is the Private Duty Nurse we hired?” Mag kasalubong na ang kanyang mga kilay. Wala ding reaksyon ang kanyang mukha. Tanging mabibigat nyang hakbang papalapit at hindi mapangalanang presensya ang nag papapigil sa aking pag sagot.Marahil sya ang bodyguard ng Don. “A-ako po si Aestryoid Herra Galves...” nauutal kong pagpapakilala. Tumaas naman ang kanyang kilay dahil malayong-malayo iyon sa hinahanap nyang Zaldua. “I’m 21 years old... Intern student at Horizon Springs Medical Complex. A-ako po ang magiging Private Duty Nurse ni Don Alejandro" pilit akong ngumiti sa huli.Hindi naman agad sya nakapag salita saka ako ini-scan mula ulo hanggang paa.“Are you kidding me?” Anyang hindi makapaniwala. “Private Duty Nurse ang kinuha namin, hindi Intern Student! Ganoon ba kahirap intindihin ang instructions ko? Wala na bang magagaling na Duty Nurse sa Horizon Springs Medical Complex kaya Intern na lang ang pinapadala nila ngayon? You don’t even have a license, you're just an intern student... Sa tingin mo ipagkakatiwala ko sayo ang buhay ng lolo ko?”Natigil ako sa huli nyang sinabi. Ano kamo lolo? Kung ganoon, sya ang kaisa-isang apo ng Don. Bakit sya nandito? Pero tekaaa tama ba ang narinig ko? “just an intern???”Sandali nga... Sino ba sya??? “Paumanhin, Sir! Ngunit wala po kayong karapatan na maliitin ako... Hindi ako—kami intern lang!!! Wala si miss Zaldua ngayon dahil may emergency syang pinuntahan, kinausap nya ‘ko kung maaaring ako muna ang pumalit sa kanya. Sa katunayan ay hindi talaga ako papayag dahil alam kong illegal itong gagawin ko. Kung hindi lang nakiusap ng maayos si Miss Zaldua baka hinayaan ko na lang ang lolo mong mapag-isa—”Ngisi syang natawa. “Ganoon ba talaga kataas ang tingin mo sa sarili mo bilang Intern? Ilang araw ka na bang nananatili sa hospital, One-day? Two-day? Baka nga bilang palang sa kamay mo ang mga kagamitang alam mo” sa huli ay buong tapang nyang hinarap ang aking mga mata.“I will call Dr. Rubi... Hindi ako makakapayag na ikaw ang mag aalaga sa Don!” pasya nya.“Mabuti pa nga... dahil hindi rin ata ako makakatagal kung isang mayabang at walang modong lalaki ang makakasama ko sa mansyong ito”“Anong sabi mo—” mag sasalita pa sana sya nang bigla na lang may kasambahay ang nag sisigaw at nag mamadaling bumaba mula sa hagdan.“Sir... Sir... ang Don po...” Sabay naming nilingon ang nag aaligagang babae.“Nahihirapan pong makahinga ang Don”CONTINUE...__________________________I hope you like it!!

