Chapter 18 *Saycie* Mabigat ang ulo ko at masakit ang katawan nang magising ako. Pati anit ko ay masakit dahil sa matinding sabunot sa’kin ni Aileen. Agad kong naalala ang mga pangyayari kahapon. Nandito na naman ang kirot sa dibdib ko. Galit ako kay Zack. At ngayong malayo na ‘ko sa kaniya ay mas madali sa akin ang lumimot. Itutuloy ko lang ang buhay ko dati. No’ng hindi ko pa siya nakikilala. Agad kong nakita si Kara sa tabi ko. Humihilik pa. Pagod na pagod siguro siya dahil malayo ang byahe. Hindi ko rin alam kung anong oras ako nakatulog. Buti na lang at nandito si Kara. Dahil kung wala siya, hindi ko talaga kakayanin. Maingat akong bumangon para makapaghilamos na. Pagpasok ko sa banyo, agad kong nakita sa salamin ang mukha kong may pasa. Suot ko pa rin ang jacket na suot ko kagabi

