Chapter 11 Nakasandal si Chuck sa headboard ng kama, nakangiti habang hinahaplos ang tiyan ko. Ilang araw na rin ang lumipas nang magkamalay ito mula sa mahigit na isang buwang pagkaka-coma. Maayos na rin ang aking pakiramdam maliban na lang sa paminsan-minsang pagkahilo pero pinayagan na akong umuwi ng doktor na hindi ko naman magawa dahil ayokong iwan si Chuck sa ospital. "I really can't believe it, sweetheart," maluha-luhang saad nito habang nakatingin sa aking tiyan. "I'm going to be a father soon. Ilang buwan na si baby?" Pinunasan nito ang pisngi. Hindi ko maintindihan ang lalaking ito, these past few days lagi ko na lang itong napapansin na napapaluha. Kung hindi lang talaga ito galing sa coma, babatukan ko na talaga ito. "Almost two months. A day after nang maaksidente ka saka k

