Chapter 36 Dahil maselan ang pagbubuntis ko, ay nanatili na lang ako sa bahay. Si Chuck naman ay minsan na lang kung pumasok sa kompanya. Ayon sa kaniya, gusto niyang manatili sa bahay para maalagaan kami ni baby. Hindi na ako sumalungat sa desisyon niya. Bahala siya kung ano ang gusto niya. Ang mahalaga lang sa akin ay maipangak ko nang maayos ang bata. "Bye, mom," paalam ni Clint matapos humalik sa aking pisngi. Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Chuck na katabi ko sa komedor. "Take care, Clint," dinig kong saad ni Chuck pero tila hindi iyon narinig ng anak ko. Uminom na lang ako ng juice at hindi na sila pinansin pa. Bahala sila. Kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan, labas na ako roon. Ayoko ng dagdagan pa ang mga problema ko lalo na't buntis ako. "Yaya, pakikuha

