Chapter 37 "May relasyon ba kayo ng Lana na 'yon, Charles?" Papalapit na ako sa living room nang marinig ko ang boses ni Mamita kaya hindi na ako tumuloy, bagkus ay nakinig na lang ako sa iba pa niyang sasabihin. Pinapagalitan na naman niya si Chuck kaya nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. "I told you, Charles, I don't like that woman! At kahit anong gawin mo, hinding-hindi ko magugustuhan ang Lana na iyon." "Mamita—" "You have EJ, Charles," kaagad na wika ni Mamita na tila nawawalan na ng pasensiya sa apo. "Buntis siya. Bakit hindi mo ipokus ang oras mo sa mag-ina mo? Ayokong nakikipagmabutihan ka sa malanding iyon!" "Mamita, hindi ako nakikipagmabutihan kay Lana," sagot ni Chuck. "At sa tingin mo maniniwala ako? Maraming nakakita sa inyo, Charles. Papaano mo ipapaliwanag kay E

