Chapter 39

1992 Words

Chapter 39 Naghihilik pa si Chuck nang bumangon ako kinaumagahan. Naligo agad ako dahil may pre-natal check-up ako ngayon. Kailangan maaga akong makarating sa hospital dahil balak kong dalawin si Rico. "Hija?" Natigilan ako nang makasalubong ko si Mamita pagkalabas ko ng kwarto. Nakatingin siya sa akin na tila nagtataka. "You are too early. Mamayang alas diyes pa ang meeting." "Ah... I have an appointment with my doctor," nauutal kong sagot. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag para maitago ang panginginig niyon. "I have to go, Mamita." "Hindi ka man lang ba sasamahan ni Charles?" "Tulog pa po siya, Mamita. Don't worry po, kasama ko naman si yaya." Humalik ako sa pisngi niya bago lumabas ng mansiyon. "Take care, hija." "I will, Mamita." Kaagad akong sumakay sa kotse dahil baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD