Chapter 30 "Sweetheart," dinig kong sigaw ni Chuck sa labas ng nursery. Dito kasi ako dumiretso nang makaalis na ang mga kaibigan ko kaninang umaga. Malaki ang naging epekto sa akin ng mga pinagsasabi nila kay Chuck. Halos hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin. Ang lalaking minahal ko sa pangalawang pagkakataon ay niloko rin ako. Tila umaalingawngaw pa rin sa likod ng utak ko ang huling sinabi ni Patrick, na kagaya rin ni Fern si Chuck. "Wala silang alam sa totoong nangyari, sweetheart," patuloy pa nito at muli narinig ko na naman ang pagkatok nito sa nakapinid na pinto. Patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Tila bukal iyon na ayaw papigil sa pagbagsak. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay na nakatakip sa magkabila kong pisngi. Naririnig ko pa rin ang mal

