Chapter 29 Pansin ko ang galit sa mukha ni Mamita nang tumingin sa gawi ni Chuck. Hawak niya pa rin ang cellphone at tila gustong-gusto iyon ibalibag sa sariling apo. "Minerva called," anunsiyo nito habang titig na titig sa mukha ng apo na agad namang nagbaba ng tingin. "Do you think that's the right thing to do, Charles?" "I'm old enough to do such thing, Mamita," mahinahon nitong sagot. Napailing na lang ako. Ako na naman ang maiipit sa dalawang ito. Nagsasawa na rin ako na mamagitan sa kanila. "Besides, I am living alone for five years. And now I want to—" "No!" Putol ni Mamita sa iba pang sasabihin nito. Halos mag-ugat ang kaniyang leeg nang sabihin iyon. "You are not leaving this mansion. Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang apo ko sa tuhod." Tumingin ito sa medyo bilugan kong tiyan

