Chapter 28

2119 Words

Chapter 28 Mag-a-ala una na ng hapon nang matapos kaming mananghalian ni Rico. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga biro niya at gaya ng dati nagpumilit na naman ito na ihatid ako pero tinanggihan ko iyon. Bukod sa hindi ko ugali magpahatid alam kong pag-iinitan ito ni Chuck sakaling makita kaming magkasama. At base na rin sa mensahe ni Patrick, alam kong hindi maganda ang mood ngayon ni Chuck. Muli akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa isang grocery store. Bumili ako ng mga sangkap na gagamitin sa pag-bake ng cookies. Kailangan ko ng pagkakaabalahan sa mga ganitong sitwasyon. Kailangan kong ibaling ang atensiyon sa ibang bagay para maiwasan ang pag-iisip ng kung anu-ano tungkol kay Chuck, kay Fern, kay Kayla at sa mataray na babaing dumating kanina sa opisina. A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD