Chapter 31 "So what's the verdict?" tanong ko nang subuan ko siya ng niluto kong kaldereta. "Masarap o masarap?" Napangiti ito. "Ginagaya mo ako, sweetheart. Linya ko 'yan, e." "Just tell me kung papasa sa panlasa mo ang luto ko," pangungulit ko pa. "Masarap pero may mas masarap pa sa luto mo." Bigla akong sumimangot. "Hindi ko akalain na may mas masarap pang magluto sa akin. Si Mamita mismo ang nagsabi na luto ko ang pinakamasarap. Tell me, sino ang mas magaling pa magluto sa akin?" Napipikon na ako dahil parang nawala na naman ang tiwala ko sa sarili na unti-unti kong binubuo simula nang makilala ko si Chuck. Parang bumagsak na naman ang rating ko dahil may mas magaling pa sa akin at kay Chuck ko mismo nalaman. "Sweetheart," tumigil ito sa pagnguya at hinawakan ang dalawa kong kama

