Chapter 41 "I know you're mad at me," saad ko habang nagpapahangin sa veranda nang gabing iyon. Gaya ng dati minamasahe na naman ni Chuck ang mga binti ko dahil pinupulikat na naman iyon. "I'm not, sweetheart. You have your own reason kaya ka bumoto pabor sa lintik na 'yon." Napapikit na lang ako. Galit ako kay Chuck dahil sa panloloko niya at inaasahan kong magagalit siya sa akin dahil sa nangyari sa shareholders' meeting. Pero parang ayos lang sa kaniya ang lahat. "Kumusta nga pala ang check-up mo sa doktor kanina?" Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking tiyan at kinausap ang bata sa sinapupunan ko. "I'm so excited to see you, baby." "Anumang oras maaari na akong manganak. Normal lang ang pamamanas ng binti ko at minsan ay pinupulikat din ako. Nothing to worry." "Nice to hear th

