Chapter 42 Papagabi na pero wala pa rin akong balita sa kanilang dalawa. Kanina ay sinamahan ako ng mga kaibigan ko sa police station pero wala ring nangyari dahil sabi ng mga pulis ay kailangang maghintay ng beinte kwatro oras bago nila ideklara na missing person ang anak ko. "Kumain ka na, Ligs." Nilagyan ni Kaye ng pagkain ang plato ko. "Nasaan na kaya ang anak ko?" Pinunasan ko ang kumawalang luha sa pisngi ko. "Ipagdasal na lang natin na sana nasa maayos na kalagayan si Clint. Na sana kasama nga niya si Chuck," saad ni Patrick. "Tingin mo, Patty," sabat ni Eden. "Magagawang kidnapin ni Chuck si Clint gaya ng paratang ni Fern?" Umiling si Patrick. "Hindi 'yon magagawa ni Chuck. At kahit galit si Clint ay hindi pa rin gagawa ng masama si Chuck na ikapapahamak ng anak mo, Ligs." "

