Special Chapter Clint's POV "Tang ina!" dinig kong sigaw ni coach nang bigla na lang akong batukan ng isang lalaki. "Alam mo ng away-bata, makikisali ka!" Galit na galit siya habang papalapit sa amin. Nagbulungan naman ang mga taong nakapalibot sa amin. Kani-kaniyang awat ang mga referee na naroon nang magkagulo na sa court dahil nakisali na rin si coach. Kitang-kita ko nang undayan niya ng suntok 'yong tatay ng batang nambatok sa akin. Walang nagawa ang mga referee sa bilis ng galaw ni coach kaya napapahanga ako habang nakikipagbugbugan siya do'n sa lalaki. Walang mintis ang mga suntok niya, lahat dumapo sa mukha ng mayabang na iyon. Kung hindi pa natumba 'yong lalaki ay hindi niya iyon titigilan. "Next time, alamin mo kung sino ang binabangga mo." Tinitigan niya nang matali

