Chapter 33 Kanina pa nagtatanong si Irma, malumanay ang tono nito pero wala akong balak sagutin iyon. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sarili niyang kotse. Pinilit niya akong sumabay sa kaniya pauwi ng mansiyon at dahil ayoko rin namang kibuin si Chuck ay pumayag na ako. "I really have no idea na kilala mo si Mr. Faulker." Sa gilid ng aking mga mata ay nahagip ko ang pagbuntong-hininga nito matapos sabihin iyon. "When did you meet him, Miss Magtibay?" Ipinatong ko ang aking kamay sa kanang bahagi ng tiyan ko dahil sumipa na naman ang bata. "Last March," mahina kong sabi. "Where? Why didn't you tell me about him? H-in-arass ka ba niya? B-in-lackmail ka ba?" sunud-sunod na tanong ni Irma na ikinarindi ko. "I know him too well kaya hindi na ako magtataka kung—" "Irma," putol ko

