Chapter 34 "Hindi talaga gusto ni Don Victor si Charles Faulker dahil sa pagiging playboy ng lalaking iyon." Iyon ang sinabi ni Irma na paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko habang pauwi na sa mansiyon ni Mamita. Wala akong imik sa loob ng kotse. Hinayaan ko lang si Chuck na hawakan ang kamay ko. Tila may gusto itong sabihin pero hindi maisatinig. Nang tumigil ang kotse ay bumaba na ako at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mansiyon pero laking gulat ko nang makitang nakaupo si Clint sa sopa. Hawak nito ang cellphone at tila abala sa paglalaro. "I thought you were at your dad's place." Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan kung ano ang nilalaro sa cellphone. "The enemy has been slain!" Boses iyon mula sa cellphone. "An ally has been slain." Muli ko na namang narinig ang boses na iyo

