Mabilis na tumayo si Wylda, pilit na inaayos ang kaniyang maikling palda habang nanginginig ang mga tuhod. Naglakad siya patungo sa likurang bahagi ng First Class cabin at pumasok sa loob ng masikip ngunit malinis na lavatory. Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad niyang ikinandado ang pinto at humarap sa salamin, hinahabol ang kaniyang hininga. ​Ngunit wala pang isang minuto ang lumilipas nang makarinig siya ng tatlong mahihinang katok na amoy rin niya ang pamilyar na pangabo mula sa labas. ​Dahan-dahang binuksan ni Wylda ang pinto, at bago pa man siya makapagsalita, mabilis na pumasok si Jeriah sa loob at muling ikinandado ang pinto. Dahil sa liit ng espasyo, halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. Ang bango ng pabango ni Jeriah ay bumalot sa kaniyang pang-amoy. ​"Akala mo ba h

