Nang masigurong nakapasok na si Wylda sa banyo upang mag-ayos, agad na nilabas ni Jeriah ang kaniyang phone at mabilis na idinalay ang numero ni Stella. Bakas sa kaniyang mukha ang tensyon at tila nagngangalit ang kaniyang mga panga. "Stella! Bakit si Evelina? Sa dami ng designer sa Paris, bakit ang mga Zarsuela pa ang kinuha niyo?" singhal ni Jeriah sa kabilang linya, pilit na ibinababa ang boses upang hindi marinig ni Wylda sa loob ng banyo. "Jeriah, relax. Evelina Zarsuela is a visionary! Ang mga collections niya ang pinaka-inaabangan sa Fashion Week. Bakit parang galit na galit ka?" takhang tanong ni Stella. Hindi makasagot si Jeriah nang diretso. Hindi niya pwedeng sabihin kay Stella na si Evelina ay kababata niya at ang babaeng ito ay may mahabang kasaysayan ng pagiging obsesse

