Ang malaki at marangyang gate ng mansyon ng mga Abarquez ay dahan-dahang bumukas para sa sasakyan ni Jeriah. Ang buong paligid ay nababalot ng nakabibinging katahimikan, tanging ang tunog lamang ng gulong sa sementadong daan ang naririnig habang tinatahak nila ang mahabang driveway. Para kay Wylda, ang bawat metrong inilalapit nila sa mansyon ay tila paghigpit ng kwerdas sa kaniyang leeg, tila bawat segundo ay binabawasan ang kaniyang hininga. โSuot ang isang eleganteng red bodycon dress na hapit na hapit sa kaniyang hubog, pilit na pinapakalma ni Wylda ang kaniyang sarili. Ang kulay ng kaniyang suot ay tila sumasalamin sa nag-aapoy na lihim na namamagitan sa kanila ni Jeriah. Sa tabi niya, si Jeriah ay mukhang kampante sa kaniyang charcoal grey suit, ngunit ang kaniyang mga kamay na mahi

