Maagang nagising si Wylda, ang kaniyang katawan ay tila kusang bumabangon dahil sa tindi ng pananabik at kaba para sa unang araw ng kaniyang fitting. Ayaw niyang mapahiya, lalo na’t alam niyang bawat pagkakamali niya ay gagawing bala ni Evelina para maliitin siya. Matapos ang mabilis na pag-aayos at pagpili ng isang simpleng outfit na madaling hubarin para sa fitting, lumabas siya ng silid. Nadatnan niya sina Jeriah at Stella sa living room ng suite. Seryoso ang kanilang mga mukha habang nakapaligid sa isang tablet na nagpapakita ng mga sketch at dokumento. Ang boses ni Stella ay mabilis at puno ng awtoridad, habang si Jeriah naman ay nakasandal sa sofa, madilim ang titig at tila malalim ang iniisip. "Jeriah, kailangan nating mag-ingat sa mga clause ng exclusive global contract na gust

