Ang plano ni Evelina ay simple: bigyan si Wylda ng mga damit na "malaswa" ang dating para magmukha itong amateur at mawalan ng gana si Jeriah sa kapatid nito. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang natural na aura ni Wylda. Ang pagiging maputi at ang expensive look ng dalaga ang nagpabago sa tingin ng mga damit—mula sa pagiging malaswa, naging high fashion at erôtic art ang kinalabasan nito. "Gawan niyo ng paraan sa susunod na set!" utos ni Evelina. "Find the most difficult piece. 'Yung kailangang lagyan ng maraming pins. I want her to feel uncomfortable. I want her to trip on that runway!" _____ Habang nanggagalaiti si Evelina sa kaniyang staff, hindi niya alam na sa kabilang bahagi ng studio, si Wylda ay nakatayo sa tapat ng isang malaking salamin, pinagmamasdan ang sarili. Alam ni

