Sa loob ng isang marangyang restaurant na overlooking sa Seine River, abot-langit ang ngiti ni Evelina habang sadyang idinidikit ang kaniyang upuan kay Jeriah. Ramdam niya ang tagumpay; sa paningin niya, pinili siya ni Jeriah kaysa manatili sa suite kasama si Wylda. Ang bawat haplos niya sa kaniyang wine glass ay tila may mensahe, at ang kaniyang mga mata ay hindi umaalis sa mukha ng binata. "You made the right choice, Jeriah," bulong ni Evelina sabay haplos sa kamay ng binata na nasa ibabaw ng mesa. Ang kaniyang mga kuko na kulay pulang-pula ay dahan-dahang gumagapang sa balat ni Jeriah, tila sinusukat ang bawat pulgada nito. "Your father would be so proud. At aminin mo, mas masarap akong kasama kaysa sa kapatid mo na puro trabaho lang ang alam." dagdag pa nito, na kulang nalang ay mag

