Nang magsimulang tumunog ang mabibigat na beats ng techno-house sa buong hall, tila may kung anong enerhiya na dumaloy sa bawat ugat ni Wylda. Ang bawat bass na yumaig sa sahig ay tila tumitibok kasabay ng kaniyang pusong nagbabaga sa galit at pait. Sa loob ng dressing room, hinarap niya ang salamin. Ang dating mapungay at luhaang mga mata ay napalitan ng isang mapanganib na awra—matalim, malamig, at handang pumatay. Isinuot niya ang finale gown, ang pinakatampok na obra ni Evelina. Ito ay gawa sa manipis at mamahaling itim na lace na tila humahaplos sa kaniyang balat gaya ng mga haplos ni Jeriah, at ang mga kristal na nakatahi rito ay kumikislap sa bawat paghinga niya, animo’y mga bituin sa gitna ng madilim na gabi ng Paris. "It's time, Wylda. Go out there and show them who the real q

