Chapter 21

1347 Words

"Ang bilis talaga ng karma." Ngumisi si Ashiya at muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Nagkagulo naman ang mga minions ni Hikari kung paano ito pupunasan at itatayo mula sa putikan. "Miss, okay lang po ba kayo?" tanong ni Natzume sa kaniya ngunit halatang ito ang pagod na pagod na sa paglalakad. Pagkatapos ng isa at kalahating oras ng nakakahingal na paglalakad ng mga estudyante sa bundok, narating din nila Bulalacao falls. Maraming malalaking bato ang nasa paligid. Malalaki ang mga puno na nagbibigay ng lilim sa kanila. Alas-diyes na ng umaga at bahagyang umiinit na ang panahon. Nasira ang katahimikan dahil sa maiingay na mga estudyanteng biglang kumuha ng video blogs. "Wow! Ang ganda rito... At ang linaw ng tubig." Hindi napigilan ni Ashiya ang sarili na damhin ang tubig. Ang lamig!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD