Pagkatapos kumain ng tanghalian, naisip ni Ashiya na tawagan si Ryuuji para mangamusta. Gumala ang iba sa mga estudyante at ang iba naman ay nagpahinga sa maliliit na kubo na nandoon. Kasama niya si Jeronne na naglakad-lakad sa tabi ng talon para magpababa ng kinain. Malamig at malakas ang hangin, tinatangay ang dulo ng kaniyang buhok. "Mabuti naman at tahimik diyan. Kayo lang ba ang nandiyan?" tanong ni Ryuuji. Luminga-linga pa si Ashiya para makasiguro. "Oo. Kami lang. Sabi ko nga kay Jeronne, matulog din kasama nila Kyle at Blake." "Hindi puwede. Paano kung madulas ka diyan, malunod sa tubig o kung may kumuha sa iyo para sa ransom? Dapat palagi kang may kasama." Napailing na lang siya dahil sa sobrang lupit ng imagination ng binata. "Fine... Sabi mo, e." "Okay lang. Magdamag lang n

