Tahimik na inubos ng dalawa ang in-order nila. Napansin ni Ryuuji na nasira ang mood ni Ashiya sa pagdating ni Scarlet. Tahimik ito. Pinaglalaruan lang ang ice cream nito hanggang sa matunaw. "Saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong ng dalaga. "Ewan ko? Window shopping?" He doesn't have any idea about dating. Kung ano ang napapanood niya sa mga pelikula, gagayahin niya na lang. Tinaasan lang siya ng kilay ni Ashiya pero hindi ito sumagot. "Tara na?" Tumango ang dalaga at tumayo mula sa upuan nito. Hindi nito inubos ang ice cream dahil sa inis. Tumayo na rin si Ryuuji at sabay silang naglakad paalis. Inalalayan niya ito habang palabas ng pinto. May mga stalls ng damit at sapatos sa gilid pero hindi ito interesado. Hindi ganito mamili ang mga babae sa alta. Kung hindi luxury brands galin

