Chapter 31

1205 Words

"Mom... Mom..." Iyak nang iyak si Ashiya sa harap ng bangkay ng ina. Hinila ito ni Renji palayo. "Tama na iyan, Ashiya. Kailangan na nating ihanda ang burol ng Mommy mo." Tumango ang dalagita at pilit na pinunasan ang mga luha nito. "O-opo Daddy." "Ang mabuti pa, umuwi ka muna sa bahay para makakain at makapagpahinga. You had a rough night. You need to rest." Hindi kumibo si Ashiya. Totoo naman kasing pagod at gutom na ito. Ipinatawag ni Renji ang limousine. Sa pagkakataong iyon, mga pulis ang kasama niya pauwi. At pagdating sa bahay nila, marami ring pulis at bodyguards ang nagbabantay sa paligid. Pumasok na si Ashiya sa mansyon, kumain at umakyat sa kuwarto para magpahinga. Namumula at namumugto na ang mga mata nito. Magdamag itong umiyak. Humiga ang dalagita at pilit na natulog. *

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD