Iniwan ni Ashiya sa loob ng cubicle ang mga damit at sapatos na ginamit niya kanina. Sumilip siya sa pinto ng restroom, nakatayo pa rin sa malapit ang mga bodyguards niya. Kumuha siya ng itim na panyo at nagtakip sa mukha. Lumabas na siya sa restroom. Habang naglalakad, nagpanggap siyang inuubo para hindi mahalata na tinatakpan niya ang kaniyang mukha. Mukhang hindi naman nakahalata ang mga lalaki. Pumunta siya kaagad sa escalator at bumaba sa ground floor. May nakita siyang coffee shop na smoke glass ang salamin kaya doon siya pumunta. Kahit magsimulang maghanap ang kaniyang mga bodyguards, hindi siya makikita ng mga ito dahil malabo ang salamin. Pagpasok niya sa loob ng cafe, agad siyang umupo sa sulok at nagtanggal ng sunglasses at baseball cap. Hindi niya inaasahan na may makikita siy

