Tinitigan nang masama ni Ashiya si Ryuuji. Naiirita na siya sa ikinikilos nito. Ano pang silbi ng pagiging black belter niya sa judo kung para naman siyang baby kung ituring ng mga ito? At isa pa, hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pag-trip-an ng mga estudyante si Shin. Oo, natapunan ang uniporme niya pero iyon lang iyon. Walang nasaktan. "Si Ashiya po, pinakialaman ang mga neophyte ko kanina," sumbong ni Ryuuji. "What? Binubugbog ng mga alaga mo ang isang estudyante. What do you want me to do? Just stand there like a complete idiot and do nothing?" pagtataray niya. "Yes! Why not? Binugbog lang naman ang estudyanteng iyon para sa iyo!" Nanlaki ang mga mata niya sa lalaki at walang habas siyang tumayo. "For my sake? Really? Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga makatagal na wal

