Simula na ng Ms.popularity contest. Hindi mapigilan ni Hikari ang saya at kaba. This is it! Sisiguruhin niyang mapapansin siya ng lahat, lalo na ni Ryuuji. Dahil sikat ang kpop, iyon ang pinili niyang genre. "Ladies and gentleman, bago ang announcement ng winner ng Ms.popularity Contest, magkakaroon muna tayo ng talent portion. Palakpakan po natin ang ating mga kandidata," anunsiyo ng emcee. Ginanap ang patimpalak sa student hall. Puno ng ilaw at mga lobo ang entablado bilang dekorasyon. Malakas na palakpakan at sigawan ang ginawa ng mga estudyante. Nagsimula nang mag-perform ang ibang mga kandidata pagkatapos ng maiksing speech mula sa Head Mistress. Kampante lang si Hikari na nakaupo at hinihintay na tawagin ang kaniyang pangalan dahil alam niyang imposible siyang matalo. "Now, heto

