Chapter 15

2738 Words
LALA'S POV "BAKIT BA?" Inis na sikmat ko kay Jelaine nang mamulatan ko matapos akong hampasin sa pisngi ko. Inis na pupungas-pungas akong bumangon. "Bakit ka ba nananampal? Kita mong natutulog pa ang tao eh." Lalo akong nainis nang ngumisi ito sa akin. "Ginising lang kita kasi kanina ka pa umuungol na parang tanga. Nakakahiya ka kung may ibang nakakita sa 'yo, gaga ka." Natatawang sabi nito. Nangunot naman ang noo ko. "Bakit ano bang ginagawa ko?" "Lumiliyad ka lang naman habang umuungol na para kang tinitira. At duda akong basa ang panty mo ngayon dahil alam ko kung anong ginagawa mo sa panaginip mo. At kilala ko rin kung sino ang lalaking kaniig mo sa panaginip mo, Lala." Litanya ni Jelaine na ikinapula ng mukha ko. Shit! Nakakahiya! Ginawa ko ba talaga iyon? Piping usal ko sa aking sarili. Lihim kong pinakiramdaman ang gitnang bahagi ng katawan ko at tama nga si Jelaine. Naramdaman kong basa ang panty ko at ramdam ko pa rin ang kakaibang init na nasa katawan ko ngayon. Paanong hindi, napaginipan ko lang naman si Matt at ako raw ay humantong sa chuckchakan pagkatapos ng halik na aming pinagsaluhan kagabi. Habang naghahalikan daw kami ay binuhat ako nito pataas at dinala ako sa kuwarto nito. At doon sa kama nito ay walang sawa niya akong tinira nang paulit-ulit. At sarap na sarap daw ako at hindi ako nahiyang salubungin ang bawat bayo nito sa katawan ko. At iyon siguro ang dahilan kung bakit lumiliyad ako, na nasaksihan ni Jelaine. Nag-init naman ang magkabilang pisngi ko nang ma-realize ang ginawa ko habang natutulog. "Basang-basa ang panty mo, 'no? Gaga ka, paano na lang kung may ibang nakakita sa'yo." Natatawang sabi nito at hinampas ang hita ko. "Pasalamat ka, ako ang nakakita at nakarinig sa'yo dahil kung hindi nakakahiya sana sa pamilya ni Matt." "Tse!" Hiyang-hiya akong nagtalukbong ng kumot na lalong ikinatawa ng kaibigan ko. "Dalaga na talaga ang kaibigan ko, hindi na siya virgin, ayieh!" Tukso pa rin nito. "Gagi, virgin pa ako!" "Pero aminin mo nag-wet ka. Ikuwento mo sa akin kung anong ginawa sa'yo ni Matt sa panaginip mo at ang lakas ng ungol mo, dali!" "Wala!" "Ehhh, ano nga?" Pangungulit nito at hinila ang kumot na nakatalukbong sa akin. "Anong ginawa sa'yo ni Matt, bilis! Kinain ka rin ba niya?" "Jelaine!" Naiiskandalong saway ko rito. Malakas itong tumawa. Narinig yata ni Mich iyon dahil mayamaya lang ay narinig namin itong kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ni Jelaine. "Hey! Can I come in?" Sabi nito sa labas ng pinto. Nagkatinginan kami ni Jelaine. Ngising-ngisi ito habang ako ay hindi alam ang gagawin. Umiling ako para sabihing huwag papasukin si Mich. "Sure, Mich!" Anito na ikinalaki ng mga mata ko. "Jelaine!" "What? Si Mich lang naman iyon eh." "Kahit na ba!" Wala akong nagawa nang bumaba ito ng kama at tinungo ang pinto. Lumingon muna ito sa akin bago binuksan ang pinto para papasukin si Mich. Hindi ko magawang tumingin nang diretso kay Mich nang pumasok ito dahil nahihiya ako. "Mukhang maganda ang gising ng mga future hipag ko, ah." Anito at umupo sa may paanan ng kama. "In love kasi, Mich, kaya gano'n." Si Jelaine ang sumagot. Umupo rin ito sa kama. "O, eh 'di sana all na lang." Ani Mich. Kinabahan ako nang tumigil ang mga mata nito sa akin at tila may napansin ito. "Bakit ang pula ng mukha mo, Lala?" Pailalim kong tiningnan si Jelaine nang marinig ko itong tumawa. "May allergy ka ba? Or what?" Usisa pa nito na lalong ikinatawa ni Jelaine. "W-Wala naman. Medyo nangangati lang ang mukha ko."Pagdadahilan ko. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata nito dahil nahihiya akong mabuko ni Mich. "Sure ka?" Hindi pa rin kumbinsidong tanong nito. "0-Oo naman. Mawawala rin naman 'yan mamaya." Laking pasasalamat ko nang hindi na ito mangulit sa pamumula ng mukha ko. Isang irap ang ibinigay ko kay Jelaine nang pasimple niya akong ngisihan. Ilang sandali pang nakipagkuwentuhan sa amin si Mich bago ito nagyaya na mag-jogging daw kaming tatlo, na kaagad naman naming pinaunlakan. Sa katabing subdivision niya kami dinala. Ayon kay Mich ay hindi naman daw bawal mag-jogging doon dahil kakilala nila ang may-ari ng subdivision. At halos iilang bahay pa ang may nakatira doon dahil kakatapos lang ding gawin ang subdivision na iyon. Nakakadalawang ikot na kami nang makita ko ang inspirasyon ko. Si Matt. Kagaya namin ay nagjo-jogging din pala ito. Tumigil ako sandali at tiningnan itong mabuti. Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko nang matitigan ko ito. Nakasuot ito ng sandong puti na hapit na hapit sa katawan nito habang naka-panjama naman sa pang-ibaba. Nang makita kong mag-aangat ito ng tingin ay mabilis akong tumalikod at mabagal na naglakad palayo para hindi niya ako makita. Naramdaman siguro nitong may nakatingin sa kaniya. Bigla kasi akong nahiya nang maalala ang halik na pinagsaluhan namin kagabi. Idagdag pang maging sa panaginip ko ay dala-dala ko ang halik na iyon. "Lala, hoy! Saan ka pupunta?" Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa pagtawag ni Mich sa akin na sinundan pa ni Jelaine. "Saan ka pupunta, La? Dito ang ikot natin, ah!" Si Jelaine. "Magpapahinga lang ako!" Ganting sigaw ko at umupo sa bakanteng lote. Hindi ako nagtangkang lumingon sa gawi nila dahil malamang kasama nila si Matt. Nahihiya talaga ako kapag naaalala ko iyong halik. "Nakakadalawang ikot pa lang tayo, pagod ka na agad?" Hiyaw ni Mich. "Kaya nga! Tara na, La!" Si Jelaine. "Kayo muna! Susunod ako!" Kailangan pa naming maghiyawan para magkarinigan. Medyo malayo kasi sila mula sa kinaroroonan ko. "Susunod ako!" "Oo na!" Rinig kong sabi ni Jelaine. Lihim naman akong nagpasalamat nang hindi na nila ako pilitin. Ilang sandali pa ako sa aking pagkakaupo nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon at napahawak ako sa dibdib ko nang makitang si Matt pala iyon. "Sir Matt!" Gulat na sabi ko. Awtomatikong napaatras ang puwet ko dahil ilang pulgada na lamang ang layo nito sa katawan ko. "A-Ano p-pong ginagawa ninyo rito?" nauutal na tanong ko habang hindi makatingin nang diretso dito. "Nagjo-jogging din." Simpleng sagot nito. "Ah, oo nga naman po." "Saan ka pupunta?" Kapagkuwa'y alistong tanong nito nang tumayo na ako. "Magjo-jogging na po ako, Sir." Tumayo rin ito at matamang tumingin sa akin. "Iniiwasan mo ba ako?" "Ay, hindi po. Bakit naman kita iiwasan, Sir? Ay, sige po, jogging na ako." "Lala, sandali!" Pinigilan nito ang braso ko. Mabagal akong humarap sa kaniya. "Bakit po?" "May gusto sana akong sabihin sa'yo," anito. Bigla naman akong nakaramdam ng kilig. Ano kayang sasabihin niya? Gosh, baka manliligaw na siya! Malanding sigaw ng isip ko. Sabi na nga ba, mahuhulog din siya sa akin! This is it pansit na ba, Lord? "Lala, nakikinig ka ba?" Nagulat pa ako nang tapikin ni Matt ang braso ko dahilan para matauhan ako. "H-Ha? A-Ano iyon?" nauutal na tanong ko. Napahawak na ako sa dibdib ko dahil ang bilis ng t***k ng puso ko. "Narinig mo ba iyong sinabi ko?" "Naku, hindi eh. Pakiulit na lang, ha?" Hindi ko maitago ang kilig. "Okay. Ang sabi ko, kalimutan mo na iyong nangyari kagabi." "Ayo'ko nga!" Mabilis na sagot ko. "A-Ah, ang ibig kong sabihin, oo, kakalimutan ko na iyon. A-Ah, ay teka alin ba ang kakalimutan ko? Anong nangyari kagabi?" Maang-maangan ko. Medyo naging hopia kasi ako sa part na baka gusto na niya ako, iyon pala'y sasabihin lang na kalimutan ko na ang nangyari kagabi. At para hindi naman sobrang mayurakan ang p********e ko, nagkunwari akong hindi alam ang tinutukoy nito. "Lala, gusto kong humingi ng pasensya sa'yo. Hindi dapat kita hinalikan." Bakas ang pagsisisi sa mukha at boses nito dahilan para lalong akong lihim na masaktan. Buwisit naman kasi! Puwede namang huwag nang mag-sorry, may pa-sorry-sorry pang nalalaman. Buwisit! "Hindi ko dapat ginawa--" "Hinalikan mo ako? Teka, kailan? Kagabi? Parang hindi ko matandaan na hinalikan mo ako, Sir. Hindi kaya, nananaginip ka lang po?" Nakita kong naguluhan ito. "Panaginip? No. Hinalikan kita kagabi kaya gusto kong mag-sorry dahil hindi ko dapat ginawa--" "Hindi ko po matandaan na hinalikan mo ako, Sir. Ang mabuti pa po, ikaw ang kalimutan na lang ang tungkol do'n. Kasi hindi ko po talaga matandaan na hinalikan mo ako dahil kung oo itutulak kita palayo sa akin kasi hindi ako nagpapahalik sa kung sino-sino lang diyan." Toinks! Lihim akong napangiti nang makita ko ang kalituhan sa mukha nito. Ganiyan nga, malito kang hayop ka! Matapos mong papakin ang virgin kong mga labi tapos sising-sisi ka, animal, hmp! "Hinalikan kita--" "Naku, Sir. Wala po talaga akong matandaang hinalikan mo ako. Saka, hindi ko po ugali iyong basta na lang nagpapahalik sa kung sino lang." "Pero totoong nangyari iyon, Lala. Sa kusina ng bahay namin. Nadatnan kita do'n habang nakaupo tapos may nakalagay ka pa nga sa mukha mo eh. Hindi mo ba natatandaan iyon?" Ay, sige. Ipaalala mo pang lintik ka. Piping usal ko sa isip ko. "Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo, Sir. Ang sarap-sarap po ng tulog ko kagabi eh. Wala po akong alam sa sinasabi niyo." Puno na nang kalituhan ang mukha nito. Ganiyan ka, malito ka. Buwisit ka. "But.." Tila nag-isip itong mabuti at kapagkuwa'y mataman akong tiningnan. "Hindi eh, nangyari talaga iyon. Hindi iyon panaginip lang o kung anu man. It's really happened. We kissed." Lalong lumalim ang gatla sa noo nito nang sunod-sunod akong umiling. "Wala talaga akong alam, Sir." Deny ko pa rin, na mukhang effective naman dahil nawalan ito ng kibo. Waring nag-iisip. "Baka nananaginip lang po kayo na nag-kiss tayo, Sir. Ikaw talaga, Sir, ha? Bad iyon, dapat hindi mo ako pinagpapantasyahan. Kasalanang immortal iyon." Hindi ko na napigilang matawa nang tila makumbinsi ko ito. Pabirong sinundot ko ang tiyan nito. "Ikaw, Sir, ha? May lihim kang pagnanasa sa akin, 'no? Pati sa panaginip mo gusto mo akong halikan. Hala ka, Sir. Baka iba na iyan, ah." Nawalan na naman ito ng kibo at malalim ang iniisip. "No. Hindi panaginip iyon, Lala. Hinalikan kita sa kusina. At kung hindi dumating si Mich baka hindi lang halik ang nangyari dahil nagpaubaya ka sa akin kagabi." Lalong dumami ang gatla sa noo nito nang malakas akong tumawa. Tumawa ako nang tumawa na paramg loka-loka. Nagluluha na ang mata ko dahil sa kakatawa ko habang si Matt ay hindi na maipinta ang mukha. "Nagsasabi ako ng totoo, Lala! We kissed, I swear!" Tumigil lang ako sa pagtawa nang makita kong namumula na sa inis ang mukha nito. "Sorry, Sir, pero hindi ko po talaga alam ang sinasabi ninyong halik." "But we did it! At the kitchen!" Inis na ito. Hmp! Nunka kong aaminin iyon! Piping sabi ko. "Let's go to my sister. Siya ang magpapatunay na totoo ang lahat at hindi panaginip lang," giit nito. Naalarma naman ako nang marinig ang sinabi nito. Kapag tinanong nito si Mich ay mabubuking ako sa kalokohan ko. "Lala, wait! Where are you going?" Tawag nito nang magsimula na akong tumakbo palayo rito. "Jogging na tayo, Sir!" Ganting sigaw ko. "Wait! Lala, we're not yet done talking!" "Forget it, Sir. We didn't kiss." "We did! I'm very sure of it!" Hindi ko na siya pinansin at tila may pakpak ang mga paa na kumuripas ako ng takbo. Hindi na jogging ang ginawa ko kun'di takbo na iyon. Gusto kong makalayo kay Matt dahil sinira niya ang mood ko. Hayp na iyon. Pagkatapos niyang papakin ang mga labi ko kagabi, tapos sasabihing kalimutan ko na lang iyon? Huh, bahala kang magmukhang tanga riyan! Hingal na hingal na tumigil ako sandali at muling tumakbo para maabutan ang dalawa ni Mich at Jelaine. Pero malayo na ang nararating ko ay hindi ko pa rin sila makita. Tumakbo ulit ako pero natigilan din nang ma-realize na ibang direksyon na yata ang tinatahak ko. "Hala, bakit parang ibang lugar na 'to?" Patingin-tingin ako sa paligid. Nang may narinig akong tahol ng aso ay nakumpirma kong nasa ibang daan na ako. Walang aso sa inikutan namin kanina pero bakit ngayon ay mayro'n na. "Hala, nasaan na ba ako?" Kinabahan ako nang tila palapit nang palapit sa akin ang galit na tahol ng aso. "Oh my God!" Awtomatikong napaatras ang mga paa ko nang makita ko ang isang napakalaking aso na tila nakawala sa pagkakatali. May tali ang leeg nito. "Oh my God! Ang laki niya!" Hintatakutang sabi ko nang ilabas nito ang pangil. "Juskoday! Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko rito nang unti-unting humahakbang palapit sa kinaroroonan ko. "Shoo! Shoo! Ayay! Nanay kooo!" Napahiyaw na ako nang tumahol ito nang pagkalakas-lakas. "Whoo! Alis, alis!" Lalo naman siyang nagalit. "Ah, I mean ako ang aalis, baby boy!" Mas nagalit yata ito sa akin. "Nanay kooo! Oo naaa! Aalis na ako, baby boy! Calm down, ha? Enhale, exhale!" Parang gagang kinausap ko ang aso. Lalong lumabas ang pangil nito. "Enhale, exhale.." Sabi ko habang humahakbang paatras. Nang ilang metro na ang layo ko rito ay saka ako kumuripas ng takbo, na mali yata ako ng ginawa dahil tumakbo rin ang aso papunta sa direksyon ko. "Nanay kooo!" Hintatakutang sigaw ko habang tila kabayo sa sobrang bilis. Ngunit bumilis din ang aso. "Nanaayyyy!" Tinahak ko ang daang pinanggalingan ko. "Jusko, wala pa namang mas'yadong tao sa lugar na 'to." Pagod na pagod na ako pero hindi ako puwedeng huminto dahil hindi ako sasantuhin ng asong nasa likuran ko. Takot na takot ako ng mga oras na iyon dahil talagang hindi ako bubuhayin ng asong iyon. Malayo na ang nararating ko pero kasunod ko pa rin ito. Pakiramdam ko naiiwan na ang buhok ko sa sobrang bilis ng takbo ko. Hindi ko na talaga kaya, kaya wala akong choice kun'di ang tumigil. Mabagal akong humarap sa aso at nabuhayan ako ng loob nang huminto rin ito. Kagaya ko hingal na hingal din ito. Lawit dila pa nga. Sapo-sapo ko ang dibdib ko gamit ang isang kamay ko habang ang isa nama'y nakatuon sa tuhod ko. "Pagod ka na?" Parang gagang kinausap ko rito. Umangil naman ito. "Pagod na rin ako, time freeze muna tayo, ha?" Umangil ulit ito. "Pahinga muna tayo, okay? Bakit ka ba kasi nanghahabol, ha? Hindi naman kita inaano ah." Habol ko ang hininga ko. Ang akala ko bati na kami ng aso nang muli itong sumugod sa akin. Wala akong choice kun'di ang tumakbo na naman. "Parang awa mo na! Ayo'ko na!" Sigaw ko habang mabilis na tumatakbo. "Lala!" Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Matt. "Matt, tulungan mo ako! Iyong aso, hinahabol akooo!" Ang akala ko ay tutulungan ako nito pero nang makita nito kung gaano kalaki ang aso ay mas nauna pa itong kumuripas ng takbo. "Matt, hoy, hintay!" "Bilisan mo!" Sigaw nito at iniwan ako. "Aso, tama na! Ayo'ko pang mamatay, hindi pa ako nakakatikim ng hari at mga alipin! Sabi ko nga, tatahimik na ako." Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Hindi pa rin tumigil ang aso kahit tinawag na ito ng lalaking sakay sa kotseng dumating. "Lander! Hey, stop it, Lander!" Sigaw ng may kaniya. "Matt! Hintayin mo ako!" Ilang metro na lang ang layo ng aso sa akin. Ilang metro na lang din ang layo ko kay Matt. "Bilisan mo!" "Oo!" Kung kailang malapit na ako kay Matt ay saka naman bumigay ang mga tuhod ko. Nag-ekis-ekis ang mga paa ko sa sobrang pagod at takot. Muntik na akong masubsob sa semento kung hindi lang ako nakahawak kay Matt. "Lala! s**t!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Matt sa harapan ko. Mula sa pagkakatungo ay dahan-dahan akong nag-angat ng mukha para lang sumalubong sa akin ang malaking hotdog! "Hotdooog!" Wala sa loob na sabi ko. Naka-brief na lang kasi si Matt habang nakatayo sa harapan ko. "Lala! s**t! Damn!" Sunod-sunod na pagmumura ni Matt habang aligaga sa pagtataas ng pajamang nahila ko pababa. "s**t!" Sa pagkataranta nito'y hindi kaagad naitaas ang panjama dahilan para pagtinginan ito ng mga nagjo-jogging. Habang ako nama'y hindi kaagad nakakibo. Nawalan na rin ako ng paki sa aso dahil sa tumambad na hari sa harapan ko. Kahit nang lumapit sa amin si Mich at Jelaine ay nakatulala pa rin ako. Iyong pakiramdam na hinabol ako ng aso tapos nagtapos sa nakakita ako ng malaking ano. Parang lalo akong napagod kaya hindi ko kinaya at tuluyan nang bumigay ang tuhod ko. "Lala!" "Lala!" Magkakasabay na sigaw ang huling narinig ko bago ako nawalan ng ulirat sa tindi ng pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD