LALA'S POV
MATAPOS naming magkuwentuhan ni Jelaine ay niyaya niya akong lumabas muna ng kuwarto nito. Dinala niya ako sa kusina para kumain muna. Hindi naman na ako nag-inarte pa dahil totoong gutom na ako ng mga oras na iyon.
Habang kumakain ay kasabay namin ang miyembro ng pamilya El Greco. Siyempre dahil likas naman akong maingay, naging masaya sa hapag-kainan ng mga ito. Si Mich at Jelaine ang pinakamalakas ang tawa sa tuwing babanat ako, maging ang mga magulang nila ay nakikisabay rin sa kapilyahan ko. Si Matt nama'y panaka-naka kong nahuhuli na nakatingin sa akin ngunit hindi ito nagsasalita. Tahimik lang siyang kumakain at paminsan-minsa'y ngumingiti rin nang kaunti.
Gusto ko tuloy isipin na na-engkanto lang talaga siya kanina nang tumawa habang kausap ako. Kahit nang matapos kaming maghapunan ay nanatiling tahimik si Matt. Nauna na rin itong umalis sa dining area habang kami ay naiwan pa roon.
Game na game akong nakipagkuwentuhan sa pamilya ni Matt. Nang lumalim na ang gabi, nagpaalam na rin ang mga magulang ni Matt na magpapahinga na. Naiwan kaming tatlo sa terrace. Si Jelaine, ako at si Mich.
Nang tumawag si Gian kay Jelaine ay nagpaalam na rin ito sandali. Naiwan ako sa poder ni Mich, na ngayon ay kakaiba ang tingin sa akin. Para bang may naglalarong kalokohan sa utak nito ngayon.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Hindi napigilang usisa ko sa kaniya.
Ngumisi lang naman ito, saka bahagyang lumapit sa akin at bumulong. "Tulog na sila Mommy."
Naguguluhanang tumingin ako rito. "Tapos?"
"Ituturo ko sa 'yo ang kuwarto ni Kuya Matt." Pabulong na sabi nito at saka sinundan ng mahinang hagikhik.
"Baliw! Ano namang gagawin ko sa kuwarto ng kuya mo?"
Pabirong sinundot-sundot nito ang tagiliran ko. "Gagapangin mo, malamang. Pagkakataon mo na 'to 'no? Alam ko namang type mo ang kuya ko eh." Nanunuksong sabi nito.
"Baliw." Mahinang anas ko.
"Huwag ka ng mag-deny, alam na alam ko ang tunay na nararamdaman mo sa Kuya ko." Hindi pa rin tumitigil sa sabi nito. "Nakita ko kanina, ang lagkit-lagkit ng tingin mo sa kaniya. Aminin mo na kasi sa sarili mong mahal mo ang kapatid ko. Wala namang masama roon, binata siya dalaga ka."
"Hindi nga." Nag-iwas ako ng tingin.
"Asesss, tigilan mo ako sa kaka-deny mo, halatang-halata ka naman eh. Ipapagapang ko na nga sa 'yo, ayaw mo pa."
"Oo na, sige na. Crush ko nga ang kuya mo pero hindi ko ugaling manggapang 'no?" Sabi ko sabay irap dito.
"Hindi mapapapasa-iyo si Kuya Matt kung hindi mo gagawin iyon, Lala."
Marahas naman akong umiling. "Galawang desperada naman iyang gusto mong ipagawa sa akin, Mich. Hindi pa naman ako naloloka para gawin iyan ah."
"Oh sige, kung ayaw mo talaga eh di pumayag ka na lang na ipaayos natin iyang buhok mo." Hindi pa rin sumusukong sabi nito.
"Ayos na ako sa buhok ko, Mich." Giit ko.
Sumimangot naman ito. "Ayaw mo ba talagang maging maganda? Akala ko gusto mo si Kuya Matt? Paano ka niya magugustuhan kung ayaw mong mag-ayos?" Problemadong sabi nito, na tinawanan ko lang naman at inakbayan ito na parang tropa.
"Alam mo, Mich ganito kasi iyan, makinig ka."
"Hmm."
"Si Sir Matt, gusto ko siya pero hindi kagaya ng pagkagusto na gagawin ko ang lahat para magpapansin sa kaniya. Kung madalas ko man siyang asarin, hindi iyon dahil nagpapapansin ako sa kaniya."
"Eh ano pala iyon?"
"Natutuwa kasi ako kapag nakikita ko siyang inis na inis. At dahil do'n, napatunayan kong normal na tao naman pala ang kuya mo."
"Eh tao naman talaga si Kuya eh."
"Oo nga. I mean, kagaya mo mabait ka at ang pamilya mo. Sa inyong lahat, siya iyong kakaiba ang ugali eh. Iniisip ko tuloy kung kapatid ninyo ba talaga iyon o baka ampon o kaya napilitan sa hospital. Kung anong bait n'yo, siya namang gaspang ng ugali niya." Komento ko na ikinatawa nito.
"Sa iyo lang naman siya masungit eh. To be honest, normal na tao si Kuya Matt, Lala." Mas lumapit pa ito sa akin at bumulong. "Sa iyo lang naman siya abnormal eh."
"Ha? Paanong sa akin lang?" Nagtatakang tanong ko rito. Ayaw kong umasa pero mas'yadong paasa itong si Michelle eh.
"Sa iyo lang naman masungit si Kuya Matt eh. Sweet kaya ang Kuya ko. Pareho lang sila ni Kuya Marco, 'no? Kaya nga hindi ko alam kung bakit kapag ikaw na ang kaharap ni Kuya Matt, nagsusungit siya na akala mo palaging may regla."
Napanguso naman ako dahil do'n. "Kasi sabi niya annoying ako most of the time?"
Nagkibit-balikat ito. "I think, crush ka rin ni Kuya Matt, Lala."
"Ay, huwag gano'n. Bawal mag-assume, girl dahil baka masaktan ako."
"Kaya nga kailangan nating masiguro na tama ang hinala ko eh."
"Paano?"
"Basta. Ako ang bahala riyan, Lala. Mapapaamin natin si Kuya Matt." Pinal na sabi nito, saka tinapik-tapik ang balikat ko. "Matutulog na ako, ha?"
"Sige. Good night, Mich."
"Good night din, Lala." Nakailang hakbang na ito mula sa akin nang muling humarap. "Sure kang hindi mo talaga aalamin kung saan ang kuwarto ni Kuya?"
"Loka. Hindi, 'no?"
Ngumisi ito. "Sa kaliwa, pangalawang pinto." Hindi nagpapigil na sinabi pa rin nito ang kinaroroonan ng kuwarto ng kapatid nito bago tuluyang umalis para matulog na.
Napapailing na sinundan ko ito ng tingin. "Loka-loka talaga, sariling kapatid ibinugaw na." Naisatinig ko.
Nang maiwan akong mag-isa ay nahulog ako sa pagmumuni-muni dahil sa mga sinabi ni Mich.
"Posible ba iyon? Crush din ako ni Matt?" Naisatinig ko.
"Oo naman."
Napaiktad ako sa biglang pagsulpot ni Jelaine sa aking likuran. Nakasimangot na hinarap ko ito. "Bakit ka naman nanggugulat?"
Umupo ito sa tabi ko at nanunudyong tiningnan ako. Hindi pa ito nakontento, sinipat-sipat pa nito ang mukha ko.
"Bakit ba?" Asik ko.
"Dalaga na ang kaibigan ko."
Pabirong hinila ko ang buhok nito. "Tss. Matagal na akong dalaga, malapit na ngang mawala sa kalendaryo."
"Iyon nga kaya dapat ka na ring lumandi."
Natawa naman ako rito at lalong hinila ang buhok nito. "Bukas na ako maglalandi, tulog na yata iyong lalandiin ko."
Nang tumayo ako ay tumayo na rin ito.
________
"LALA!" Napabalikwas ako ng bangon nang hampasin ni Jelaine ang kabilang hita ko.
"Bakit ba?" Asik ko rito. Nakakagulat naman kasi ito, na bigla na lang nanghahampas.
Nakasimangot na bumangon ito. "Kanina pa ako inaantok, alam mo ba?"
"Oh e 'di matulog ka. Nasa akin ba ang mga mata mo?" Pamimilosopo ko, na lalo nitong ikinasama ng tingin. "Hindi naman ako nag-iingay ah."
"Hindi ka nga nag-iingay pero ang likot-likot mo naman. Umuuga ang kama eh."
"Sorry naman."
"Hindi ka ba makatulog? At saka teka nga, bakit hindi mo inalis ang facial mask mo?"
Iniiwas ko ang mukha ko rito nang tatanggalin nito iyon.
"Lala, kalahating oras lang iyang inilalagay sa mukha. Bakit ayaw mong alisin iyan?"
"Masarap sa balat eh." Malamig kasi iyon sa balat kaya hindi ko inaalis kahit kanina pa nakababad sa mukha ko.
"Alisin mo na iyan."
"Mamaya na."
"Hmp! Bahala ka nga." Bumalik ito sa pagkakahiga ngunit mabilis na muling bumangon. "Huwag kang malikot, ha? Matulog ka na rin, okay?"
Tumango ako bilang sagot.
Hindi pa man ito natatagalang nakahiga nang tapikin ko sa puwet.
"Lala, ano ba? Matulog ka na kasi." Napipikong sabi nito.
"Samahan mo muna ako sa baba, nauuhaw ako."
"Ang laki-laki mo na. Ikaw na lang antok na antok na ako."
"Baka maligaw ako, Jel. Samahan mo na ako."
"Ikaw na, bilisan mo na lang."
"Baka nga kung saan ako mapunta eh."
"Pagbaba mo ng hagdan, kumaliwa ka, dumiretso ka lang do'n tapos kusina na." Iyon lang at nagtalukbong na ito ng kumot.
Wala naman akong nagawa kun'di ang pumuntang mag-isa. Mabagal kong tinahak ang daan pababa ng hagdan. Medyo nangapa ako sa takot na magsala sa baitang ang mga paa ko. Medyo may kadiliman kasi, marahil tulog na silang lahat.
"Hindi kaya mabaril ako nito?" Naisatinig ko nang makarating sa baba ng hagdan.
Mabuti na lang pala at dinala ko ang cell phone na ipinalit ni Matt sa sinira niyang cell phone ko. Ini-on ko ang flashlight niyon at iyon ang nagsilbing ilaw ko patungo sa madilim na kusina.
Mabagal ang kilos na binuksan ko ang refrigerator, sa takot na lumikha iyon ng ingay at mabulabog ang mga natutulog.
Nang maubos ko ang isang basong tubig, naisip kong magtimpla ng gatas para makatulog na ako. Maingat kong tinimpa iyon na tipong hindi dapat kakalansing ang kutsara at baso.
"Yes! Good job, Lala." Tuwang sabi ko, saka ibinalik ang lagayan ng gatas sa pinagkunan ko.
Umupo ako at uminom ng gatas na hindi binubuksan ang ilaw. Maging nag cell phone ko ay ini-off ko na rin ang flashlight. Sanay naman ako sa dilim.
Prente akong nakaupo habang umiinom ng kape nang bigla akong matigilan. Naramdaman ko kasi ang tila yabag papunta sa kinaroroonan ko. Bigla akong kinabahan dahil baka mabaril ako ng wala sa oras, at akalaing magnanakaw ako.
Hindi nag-iisip na tinungo ko ang switch ng ilaw ngunit naunahan ako ng kung sino kasabay ng malutong na mura.
"Tangina mo!" Sigaw ni Matt.
"Tangina mo rin!" Ganting sabi ko dahil nagulat ako sa pagsigaw nito, idagdag pang hubad-baro ito sa harap ko. Umaalingasaw ang mabango nitong amoy at may pandesal rin.
Tamang-tamang isawsaw sa gatas ko. Piping usal ng malanding isip ko.
"Bakit may multo rito?" Tila wala sa loob na sambit nito.
"Hindi ako multo, buhay pa ako." Kapagkuwa'y sabi ko.
"Lala?!" Naninigurong tanong nito at sinipat-sipat ang mukha ko. Nang tila masiguro nitong hindi ako multo ay marahas itong napabuga ng hangin.
"Are you crazy? Bakit nakatambay ka rito na hindi man lang nagbubukas ng ilaw?" Bakas pa rin ang pagkairita sa boses at mukha nito.
Tuluyan itong pumasok sa kusina at nilagpasan ako. Kumuha ito ng tubig habang ako nama'y nakasunod ang tingin dito. Mukhang nakalimutan nitong hindi rin kaaya-aya ang ayos nitong hubad-baro at tanging boxer lang ang suot nito.
Ang tambok ng puwet niya! Utang na loob Matt, hunarap ka, bilis! Piping usal ng malanding isip ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nga itong humarap at tumambad sa paningin ko ang maumbok nitong harapan. Wala sa loob na napakagat-labi ako kasabay nang sunod-sunod na pagkurap.
"Ang laki." Wala sa loob na sambit ko. Titig na titig ako roon. May maliliit na balahibo sa may bandang puson nito, na sinundan ko kung hanggang saan iyon.
Natutop ko ang sariling bibig nang mapadako sa mukha ni Matt ang mga mata ko. Napatuwid ako ng tayo at nag-iwas ng tingin ngunit bago iyon ay nakita kong tumaas ang sulok ng mga labi nito nang magtama ang mga mata namin.
"Tapos ka na?" Baritonong boses nito.
"H-Ha? S-Saan?" Nauutal na tanong ko. Hindi ako makatingin dito nang diretso.
"Sa pagtitig sa katawan ko, I guess."
Tumikhim muna ako para alisin ang pagbabara ng laway sa lalamunan ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nakakahiyang nahuli niya ako.
"Pasado ba, hmm?" Anito at humakbang palapit sa akin dahilan para mapaatras ako. "Why? Naiilang ka gayong pinagsawaan mo ng titigan, ha?"
"A-Ang pangit naman ng k-katawan mo." Sabi ko habang patuloy na umaatras. Hanggang sa bumangga ang likod ko sa lababo.
"Pangit? Kulang na lang tumulo ang laway mo habang nakatitig tapos pangit?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"O-Oo, pangit. Hindi ako fan ng mga lalaking may abs, gusto ko iyong yummy lang. Mas'yadong mabato ang tiyan mo."
Napatitig ako sa mukha nito nang marinig ko itong tumawa. Abnormal yata talaga ang isang ito, pabago-bago ng mood.
Palapit nang palapit ang mukha nito sa mukha ko. Mayamya ay kusang pumikit ang mga mata ko sa pag-aakalang hahalikan niya ako ngunit mahinang tawa ang nagpamulat sa akin.
"Why? Iniisip mo bang hahalikan kita? Hmm?"
"H-Hindi! Kapal mo naman hindi naman ako nangangarap na mahalikan ka, ano?"
Ngumisi ito. "Really? So, bakit ka pumikit kung ganoon?"
"Pumikit ako kasi ang baho ng hininga mo. Hindi ko masikmura." Natigilan ito kaya't sinamantala ko iyon, mabilis akong lumayo rito.
Tangka akong lalabas na nang hablutin nito ang kanang braso ko.
"Mabaho ang hininga ko?"
"O-Oo, amoy--, bastos!" Hinipan kasi nito ang mukha ko. "Kadiri ka."
Tumawa lang naman ito at piniid ako sa pagitan ng katawan nito at ng pader. Nakatukod sa magkabilang gilid ko ang mga braso nito.
"Umalis ka nga riyan. Aakyat na ako sa taas." Tinulak ko ang dibdib nito ngunit hindi man lang ito natinag. "Sir Matt, ano ba?"
Hindi naman siya nagsalita. Mataman lang siyang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko dahil ngayon ko lang siya nakitang tumingin sa akin nang ganito. Hindi ko kayang basahin kung ano ang nasa loob nito ngayon.
"S-Sir." Nauutal na sabi ko.
"You seem a little tense," puna nito sa akin.
Who wouldn't be, gayong hindi naman ako sanay na ganito siya kalapit sa akin. Mas sanay akong binubulyawan niya ako.
"S-Sir--" Nabitin sa ere ang mga sasabihin ko nang idinampi nito ang daliri sa mga labi ko upang putulin ang pagsasalita ko. Our eyes locked with each other after that.
Ramdam ko ang malamig na hangin pero mas nararamdaman ko ang init ng kamay nitong nakahawak sa kamay ko ngayon. Nag-init agad ang buong katawan ko dahil sa hawak nito. There was an electricity course that ran through me.
Mas lalo akong hindi nakagalaw nang yapusin nito ang katawan ko, kasabay ng paglapat ng labi nito sa mga labi ko.
Hinalikan niya ako? Oh my God! Piping hiyaw ng isip ko.
Kusang sumara ang mga mata ko upang namnamin ang halik na iyon. Unang halik. At masasabi kong Matt was a good kisser.
Nagulat man sa ginawa nito ngunit hindi ako tumutol. Nagpatianod ako habang dahan-dahan niya akong iniupo sa dining table.
"Kuya?"
Sabay kaming napalingon ni Matt sa pinanggalingan ng tinig.
"Mich?" Anito at bahagyang lumayo sa akin. "What are you doing here?"
Bumaling sa akin si Mich at kitang-kita ko ang pagngisi nito. Nag-iba ako ng tingin dahil nakakahiyang nahuli niya akong marupok.
"Mich, I'm asking you. What are you doing here?" Ulit ni Matt sa kapatid.
"Hindi ba ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan, Kuya?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin.
"Tss. Uminom lang ako ng tubig."
"Uminom ng tubig? Eh bakit naghahalikan kayo ni Lala rito?"
Hindi naman nakasagot si Matt, sa halip ay tuluyan na siyang lumayo sa akin at naglakad papunta sa pinto.
Naramdaman kong tumingin pa siya sa akin ngunit hindi ko magawang tumingin sa kaniya pabalik. Nanatili akong nakatungo hanggang sa marinig ko ang mga yabag nito papalayo.
"How was the kiss? Hmm?" Tanong ni Mich sabay sundot sa tagiliran ko.
"Hindi masarap." Pagbibiro ko para alisin ang pagkailang na nararamdaman ko.
Tumawa naman ito. "Hindi masarap pero todo pikit ka pa."
"Hindi ko mas'yadong na-feel iyong halik, ikaw kasi."
"Bakit ako?"
"Dumating ka kaagad eh. Babago ko pa lang ina-absorb iyong halik kaso dumating ka naman."
"Gaga!" Hinila nito ang buhok ko. "Kasalanan ko pa ngayon?" Tumango naman ako na ikinatawa nito. "Narinig ko kasing may parang sumigaw kanina kaya bumaba ako. Malay ko bang kayo pala ni Kuya iyon?" Paliwanag nito.
Hindi ako makatingin nang diretso kay Mich, nanunudyo kasi ang mukha nito.
"Sa tingin mo, Mich bakit niya ako hinalikan?" Kapagkuwa'y tanong ko rito.
Lumawak naman ang pagkakangisi nito. "Huwag ka ng magtanong lalo na kung alam mo naman ang sagot."
Mabilis akong humabol dito nang lumabas na mula sa kusina. Magkaagapay kaming naglakad.
"Mich, ayo'kong umasa."
"Hindi ka naman niya hahalikan ng walang dahilan eh. Huwag kang nega, okay?"
"Hmm."
"Good night na." Anito nang makarating sa tapat ng pinto ng kuwarto nito.
"Good night."
"Matulog ka na, okay?"
Tumango ako, saka naglakad pabalik sa kuwarto ni Jelaine, na ngayon ay mahimbing na ang tulog.
Maingat akong sumampa at humiga sa kabilang side ng kama. Binalot ko ng kumot ang katawan ko. Ilang sandali na akong nakahiga ngunit lalo akong hindi nakatulog.
Nakatitig lang ako sa kisame habang laman ng isip ang nangyari sa pagitan namin ni Matt. Wala sa sarili na hinawakan ko ang aking mga labi na kanina'y hinalikan ni Matt.
Totoo ba iyon? O guni-guni ko lang? Bakit niya ako hinalikan? Mga tanong na dala-dala ko hanggang sa aking pagtulog.