Chapter 13

2358 Words
LALA'S POV MAY naramdaman akong pagtutol nang tuluyan na akong pakawalan ni Sir Matt. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bigla ko na lang naramdaman na gusto ko pang makulong sa kaniyang mga bisig. Sa tinagal-tagal ng panahon na nakakasama at nakikita ko siya, ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang sensasyon na iyon. Parang may kakaibang init na para akong nadadarang na ewan ko ba, hindi ko maintindihan. "Kumain ka na ba?" Napatitig ako kay Sir Matt dahil sa paraan ng pagtatanong nito. Parang ibang tao kasi ang kaharap ko ngayon, bigla siyang naging mahinahong magsalita sa akin. Napansin ko rin na parang hindi na nakakunot ang noo nito, na hindi kagaya dati. "Hey." "H-Ha?" Pasimple kong pinilig ang aking ulo para alisin ang kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. "A-Ano iyon?" Bahagya naman itong tumawa. Isa pa iyon, tumawa siya! Kailan pa siya natutong tumawa? "Tumawa ka?" Hindi napigilang sabi ko. Mulis siyang tumawa na parang aliw na aliw. "Bakit parang gulat na gulat ka na tumawa ako?" "Aw, malamang kasi ngayon lang naman kita nakitang tumawa eh." "Tao ako, Lala, malamang marunong akong tumawa. Hindi mo lang nakikita kasi palagi mo ako-" "Kasi palagi kang nakaangil sa akin." Sansala ko sa sasabihin nito. Naging seryoso na ang mukha nito. "Dahil palagi mo akong pinagtitripan. Ako na lang palagi ang ginagawa mong katatawanan." Parang biglang sumama ang loob nito. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi kita pinagtitripan, 'no? Makulit lang ako, masayahin, funny ba funny, ganern." "Bully ang tawag do'n hindi funny kasi ikaw lang naman ang natutuwa kapag pinagtitripan mo ako." "Aw, pinapasaya lang kita kasi mas'yado kang seryoso sa buhay mo na akala mo palagi kang namumuroblema kung paano pakakainin ang sampung mga anak mo, Sir." Gusto ko na talagang tumalon dahil tumawa na naman siya. Lord, iba na po ito. Piping usal ko sa isip ko. Ang inis na nararamdaman ko kanina para rito ay unti-unti nang nabura dahil sa tawa at mga ngiti nito. "Ang yaman-yaman mo tapos ikaw pa itong parang palaging pasan ang mundo. Kahit maging bente pa ang anak mo hindi ka naman magugutom dahil mayaman kayo. Lakas-makatanda ng palaging galit, Sir. Bukod sa lalayuan ka ng grasya, mangungulubot din ang buhok mo sa kuwan." Tila musika sa pandinig ko ang bawat hagalpak ng tawa nito. "Tingnan mo ako, ilang panahon na lang wala na sa kalendaryo pero mukha pa rin akong sweet sixteen kasi palagi akong nakangiti. Huwag ka lang titingin sa buhok ko." Sinipat-sipat ko si Sir Matt dahil tawa pa rin ito nang tawa, hindi kaya na-orasyunan 'to? Bahagya ko pang ikiniling ang ulo ko para mas masipat ang mukha nitong namumula na. Ang tawa nito ay unti-unting humina nang makitang titig na titig ako sa kaniya. "Bakit ganiyan ka kung makatingin?" Nakatitig lang ako sa kaniya. "Hey!" Isang pitik sa noo ang tila nakapagpagising sa akin. "Masakit iyon, ah." Reklamo ko at bahagyang umatras palalayo rito. "Bakit ganiyan kang makatingin?" Ulit nito. "Wala," sagot ko na may kasama pang iling. "Lala." "Wala nga, basta ang weird mo lang ngayon." "Paanong weird?" "Hindi ko ma-explaine." Nagkibit-balikat lang naman ito, saka nagyaya nang umalis. Dinala ako ni Sir Matt sa kinapaparadahan ng kotse nito at habang naglalakad ay todo alalay siya sa akin. Pagdating sa tabi ng kotse nito, kaagad nitong binuksan ang pinto sa passenger seat. Inalalayan niya akong makasakay. "Thank you," sabi ko habang may ngiti sa aking mga labi. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting nabura nang mapatingin ako sa unahan ng kotse nito. Kasama pa pala nito ang babaeng kasama nito kanina, kaya pala sa passenger seat ako pinaupo dahil may katabi pala ito sa unahan. "Hi, sana okay ka lang." Anang babae na nakatingin sa akin. Kiming ngumiti naman ako at mabagal na tumango. Gumanti siya ng ngiti sa akin bago humarap kay Sir Matt na nasa tabi na nito. Binuhay na nito ang makina, nag-usap ang dalawa habang ako naman ay nawalan na nang kibo sa likuran. Habang masayang nag-uusap ang dalawa parang bigla akong napagod. Para huwag nang makaramdam ng kirot sa dibdib, pinili ko na lang na pumikit at bahagyang sumandal sa sandalan. Marahil dala ng pagod ay mabilis akong nakaidlip. Kung gaano katagal, hindi ko alam. Naalimpungatan na lamang ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata, sumalubong sa akin ang guwapong mukha ni Sir Matt. "S-Sir.." Kinabahan ako bigla nang mapagtanto ko kung gaano kalapit ang mukha nito sa mukha ko. "Ahm, n-nasaan na tayo?" Tumingin ako sa harapan para tingnan ang babaeng kasama nito pero wala na ito sa puwesto kanina. "Naihatid ko na siya sa kanila." Napalingon ako rito. "H-Ha?" "Hinahanap mo si Megan, hindi ba?" So, Megan pala ang pangalan ng babaeng iyon. "H-Hindi-" "Nauna ko na siyang ihatid habang natutulog ka," sansala nito. Napatango na lamang ako at muling nag-iwas ng tingin. Nahihilo ako sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko. Nalalasing ako sa mabango niyang hininga. "Puwede bang lumayo ka nang kaunti?" Kapagkuwa'y sabi ko. "Halika na," anito bago dumistansiya na sa akin, na lihim kong ipinagpapasalamat. "Salamat." Sabi ko nang alalayan niya akong makababa. "Halika, nasa loob si Ate Jel kanina ka pa niya hinihintay." Sumunod naman ako rito. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin ay kaagad ko nang nakita ang kaibigan ko. "Lala!" Malawak ang ngiti nito at patakbong lumapit sa akin. Tuwang-tuwang niya akong niyakap at kapagkuwa'y pinakawalan din kaagad. "Kumusta ka na?" Sinipat-sipat niya ako. "Bakit ganiyan ang hitsura mo? Anong nangyari sa 'yo? Bakit amoy usok ka yata?" Sunod-sunod na tanong nito. "Amoy usok? Ako?" Kaagad kong inamoy ang sarili ko at napangiwi ako nang maamoy ko nga ang sarili ko. Amoy pinaghalong usok at suka na hindi maintindihan. Shlt! Dumikit sa akin si Sir Matt na ganito ang amoy ko? Shucks, nakakahiya! Paghihimagsik ng kalooban ko. "Saan ka ba nanggaling?" Tumaas ang kamay nito at may kinuha sa mukha ko. "Ano 'to? Bakit may kulay orange sa mukha mo?" Tiningnan kong mabuti kung ano iyon. Lihim akong napamura nang makita kong harina iyon ng kwek-kwek na ginawa ko kanina. "Mukha kang batang gusgusin, Lala. Mabuti natiis ni Matt ang amoy mo," tudyo nito na ikinatawa ni Matt na siyang ikinasimangot ko naman. Nilingon ko ito at ngising-ngisi ang loko. "Kinaya ko naman ang amoy, Ate Jel do'nt worry." Parang nalaglag yata ang puso ko nang kindatan niya ako nang malupit. Juskoday! Lord, please kung nananaginip ako huwag mo muna akong gisingin, utang na loob. Minsan lang po akong managinip nang ganito kaganda, Lord! Napadasal tuloy ako nang wala sa oras dahil sa kindat nitong iyon. "Ikaw na muna ang bahala sa kaibigan mo, Ate. Magpapahinga lang ako sandali." Paalam nito kay Jel. "Sige. Salamat sa pagsama kay Lala dito, Matt." "No problem, Ate." Naramdaman kong nakatingin siya sa akin pero hindi na ako naglakas-loob na tingnan din ito. Ang malamang amoy suka at usok ako ay sobrang nakakahiya tapos aircon pa ang kotse nito. Jusko. "Halika nga rito," ani Jel at hinala ako sa kung saan. Dinala ako nito sa isang kuwarto at saka pinaligo nang mabilisan. Pinahiram din niya ako nang damit na pamalit dahil mukha talaga akong ewan sa hitsura ko. Kung hindi lang naging mabait si Sir Matt sa akin kanina ay talagang sisisihin ko siya sa hitsura ko. Mabuti na lang din at si Jel pa lang ang nakakakita sa akin simula nang dumating ako. "Ayan! Sa wakas, mukha ka ng tao, Lala. Pambihira ka, hindi ka man lang nag-ayos bago pumunta rito." "Iyang future bayaw mo ang may kasalanan, Jel dahil basta na lang niya akong kinaray-karay papunta rito." Pinaupo niya ako sa ibabaw ng kama. "Ang sarap namang humiga rito." Hindi ko napigilang humiga at idinipa ang magkabilang braso. "Kumusta ka naman dito? Hindi ka pa asawa ni Gian pero buhay Reyna ka na ah. Taga sana all na lang ako sa 'yo niyan." Mahina nitong pinalo ang braso ko. "Baliw. Hindi ako buhay Reyna dito, 'no? Gusto ko na ngang bumalik sa Resort, nakakainip kaya rito kaya nga pinapunta kita eh. Ayaw kasi akong payagan ni Gian na bumalik muna sa Resort, kahit nga ang umuwi muna sa Probinsya ayaw niya eh." Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. "Bakit daw?" Usisa ko. "Ewan ko, sabi niya lang dito muna ako." "Oh, baka para makapag-relax-relax ka muna, Jel. Sana all nakaka-relax." Sabi ko pa at muling bumalik sa pagkakahiga. Sa pagkakataong iyon ang mga braso ko ang ginawa kong unan, saka pumikit. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng kaibigan ko. Bigla akong nalungkot nang maalala ang mga nangyari kanina. "Siya nga pala, Lala." "Hmm?" Nakapikit pa ring sagot ko. "Bakit hindi kita matawagan kanina? Umaga pa lang tumatawag na ako sa 'yo ah pero bakit ginabi na kayo ni Matt?" "Siya kaya ang tanungin mo." "Wait! Dinala ka niya sa Saga? Nag-Saga kayo, 'no? Malandi ka, bumigay ka na?" Sunod-sunod na arangkada ng bibig nito. "Anong Saga?" "Saga iyong motel--,aray!" Napadaing ito nang sampalin ko ang bibig nito. "Tanga nito, anong Saga ang pinagsasasabi mo riyan. At bakit naman niya ako dadalhin sa Saga na sinasabi mo?" "Malay ko bang baka nag-short time kayong dalawa. Alam ko namang maghubad lang sa harap mo si Matt bibigay ka na agad-agad." Tukso nito habang pangisi-ngisi. "Maingay lang ako pero hindi ako kasing rupok mo, Jel. Ikaw ang malandi, tatahi-tahimik pero lakas makakabayo sa kama, nimal ka!" Natawa ako nang mamula ang mukha nito. Sinamantala ko iyon para lalo siyang tuksuhin. "Dalagang Filipina kuno pero umiibabaw naman pala, jusko, Jel." Kantiyaw ko rito. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ang eksenang iyon sa utak ko. Iyong nahuli ko silang nagchu-chuckchakan at talagang ito pa ang nakaibabaw. "Atleast ako maingay lang pero virgin pa ako day. Utak at mata ko lang ang hindi virgin pero ang p***y hindi pa mukhang lantang pechay." Napahagalpak ako nang tawa nang lalong mamula ang mukha ni Jel. "Hala, hala, hala. Akala mo naman virgin pa kung mamula, jusko." Tukso ko pa rito. "Lala, naman eh." "Hala, nahihiya?" "Huwag mo na kasing ipaalala iyon, nakakainis ka naman eh." "Bakit ka maiinis eh totoo naman?" "Baka may makarinig sa 'yo." "Oo na, titigil na po. 'To naman parang virgin pa eh, 'no?" Dinampot nito ang unan at inihampas sa akin. Siyempre hindi ako nagpatalo, kumuha rin ako ng unan at saka nakipaghampasan dito. Animo kami mga batang naghaharutan sa loob ng kuwartong iyon. Sumampa pa kaming dalawa sa kama at doon naghampasan. Napuno ng tawanan naming dalawa ang kuwartong iyon. At aaminin kong na-miss ko si Jelaine. Ngayon ko lang na-realize na hindi lang kaibigan ang nawala sa akin nang mawalan siya ng oras sa akin, pati pala kapatid. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko siya na-miss. Nang mapagod kaming dalawa, saka pa lamang kami tumigil sa paghaharutan. Sabay kaming humilata sa kama, kapagkuwa'y nagkatinginan. "Na-miss kita, Jel," sabi ko. "Ako rin. Na-miss ko ang mga kagagahan mo. Sana payagan na akong bumalik ni Gian. Nakakainip din naman kasi rito." "Nasaan ba ang nobyo mong iyon?" "Umalis sila kahapon pa, kasama si Nathan at Ivan." "Ohh, eh kumusta naman ang kapatid mo? Ginugulo ka pa ba niya?" Tukoy ko sa long-lost twin sister nitong si Amanda. "Ang Nanay mo, kumusta rin siya?" Nang maging boyfriend kasi ni Jelaine si Gian ay sobrang daming nagbago sa buhay ng kaibigan ko. Minsan napapaisip din ako kung paano niya tinatanggap ang mga pagbabagong iyon. Hindi madali iyon, lalo pa't mas pinili ng ina nito na iwanan siya at si Amanda ang isama nang umalis noon. At ang mas malala pa, inabandona na nga siya't lahat tapos ngayon itinanggi pang anak. Mapapaisip ka na lang talaga na may magulang palang kagaya ng tunay na ina ni Jelaine. "Jel.." "Hmm?" Nakatungong sagot nito. "Pasensya ka na, nabanggit ko pa ang tungkol sa Nanay mo." Kiming ngumiti siya sa akin. "Okay lang, hindi naman na ako nasasaktan." Hindi naman ako kumbinsido sa sinabi nito dahil matagal ko na siyang kasama kaya kilala ko na siya. "Ako lang 'to, Jel. Hindi mo kailangang itago sa akin ang tunay na nararamdaman mo. Alam kong kailangan mo ng taga-pakinig kaya pinapunta mo ako rito." Tumingin siya sa akin at may pilit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Makikinig ako." Maya maya nama'y nagsimula na itong magkuwento. Hinayaan ko siyang ilabas ang nararamdaman niya hinggil sa kapatid at Nanay nito. Napapaawang niyakap ko siya nang matapos maglabas ng sama ng loob sa tunay nitong pamilya. Ramdam na ramdam ko iyong sakit na nararamdaman niya ngayon sa kabila nang maayos na relasyon kay Gian. "Tahan na, ang mahalaga ngayon nariyan si Gian at ang pamilya niya na handa kang tanggapin sa kabila ng kakulangan na sinasabi mo." Hinaplos ko ang buhok nito. "Magiging maayos din ang lahat, Jel. Isipin mo na lang na gano'n talaga ang buhay, minsan susubukin tayo ng panahon kung gaano kalakas ang tiwala natin sa Kaniya. Saka hindi naman puro masama ang nangyari sa 'yo. Huwag kang mas'yadong mag-focus sa sakit, iyong blessings ang pagtuunan mo ng pansin. Si Gian, masuwerte ka sa kaniya kasi tanggap ka niya kahit ano ang nakaraan mo. Tanggap ka niya kahit sino at ano ang pinagmulan mo kasi gano'n naman ang pag-ibig, Jel." "Salamat kasi pinuntahan mo ako rito. Kahit papaano gumaan ang dibdib ko, Lala." Hinawakan ko ang kamay nito. "Kung hindi lang ako nawala, kanina pa sana ako rit--" "Nawala ka?" "Nawala? Ako?" "Kakasabi mo lang, Lala." Huli na nang ma-realize kong nadulas pala ako at nasabi ko na nawala ako. Wala akong choice kun'di ang aminin dito ang totoo kung bakit natagalan ako at hindi niya ako matawagan. Wala akong pinalagpas na detalye, sinabi ko rito ang lahat. Maging ang pagtawa ni Sir Matt ay sinabi ko rin. "Mukhang iba na iyan, ah." Tudyo nito. "Aasa pa ba ako? Baka mamaya na-engkanto lang pala si Sir Matt tapos bukas balik na naman sa dati. Alam mo na, bipolar ang future bayaw mo." Nang magkatinginan kami ni Jel ay sabay kaming natawa. Doble ang sayang nararamdaman ko dahil kahit papaano napagaan ko ang dinadala ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD