SA KUWARTO ni Jelaine ako dumiretso. Kinuha ko ang cell phone na ipinalit ni Sir Matt sa cell phone kong sinira niya. Napatitig ako sa cell phone, kapagkuwa'y mapait na napangiti at muling inilapag sa kama iyon.
"Lala." Tawag ni Jelaine sa akin nang sundan ako. "Pasensya ka na kay Matt, baka nabigla lang siya kaya niya nasabi 'yon."
Ngitian ko siya. Kilala ko si Jelaine, hangga't maaari wala siyang kakampihan sa amin ni Matt. Gigitna lang siya dahil pamilya na niya si Matt soon.
"Ayos lang ako, 'no ka ba?" Tumawa ako para magmukhang totoo na okay lang ako. Ngunit hindi tumawa si Jelaine, mataman siyang nakatingin lang sa akin.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Hoy, Jel, seryoso ako. Okay na okay lang ako, tss. Hindi ko naman ikakamatay 'yong mga sinabi niya eh. Hindi nga ako tinablan eh, kilala mo naman ako, hindi ako madaling ma-offend. Saka sanay na ako sa mga maaanghang na salita ni Sir Matt. H'wag ka ng mag-alala sa akin, tss." Matapos kong sabihin iyon ay pumasok ako sa banyo para magpalit ng damit ko.
Basang-basa kasi ako ng pawis dahil sa pagtakbo kanina. Nang matapos ay lumabas na ako, bahagya pa akong nagulat nang madatnan ko rin sa kuwarto si Mich, katabi ito ni Jelaine na nakaupo sa ibabaw ng kama.
"Aalis na ako, mga bruha," sabi ko. Hinarap ko si Mich. "Nasa labas ba ang mga magulang ninyo? Magpapaalam sana ako bago umalis."
Tumayo ito at lumapit sa akin. "I'm sorry, Lala. Nakakahiya ang inasal ni Kuya sa 'yo, ikaw na sana ang bahalang magpasensya sa kan'ya."
"Oo naman, ano ka ba? Para kang si Jel, hiyang-hiya, eh sanay naman na ako sa Kuya mo. H'wag kang mag-alala, aalis lang ako rito sa bahay ninyo, pero hindi sa trabaho ko." Tinapik ko ang balikat nito para iparating na ayos lang talaga ako.
"Aalis na me, see you when I see you, guys!" Pinasigla ko ang boses ko para maniwala na sila sa akin.
Nang lumabas ako ng silid ni Jelaine ay sumunod sila sa akin. Pagbaba namin ng hagdan ay nakita ko kaagad si Ma'am Mandy, ang kanilang ina. Lumapit ako sa kaniya at nagpaalam.
"Ma'am, ako po'y aalis na. Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin dito kahit hindi po ninyo ako kaanu-ano." Nakangiting sabi ko at yumukod bilang respeto.
"Bukas pa ang alis mo, hindi ba? Bakit aalis ka na ngayon?" Usisa nito.
"Binastos--"
"May gagawin pa po kasi ako sa Resort, Ma'am." Putol ko sa pagsusumbong na gagawin sana ni Mich sa kapatid nito. Tiningnan ko siya nang pailalim, sa pamamagitan ng mga tingin ay nakiusap akong h'wag na lang sabihin para h'wag nang magalit ang ina nito. Inirapan naman ako dahilan para mapangiti ako.
Mabait kasi talaga si Mich, manang-mana sa kapatid nitong si Gian.
"Maraming salamat po, Ma'am, sa uulitin na lang po," sabi ko at tumawa.
"Oh, siya kung hindi ka na talaga mapipigilan sa pag-alis mo," anito at hinarap si Mich. "Nasaan ba ang Kuya Matt mo? Ipapahatid ko sa kan'ya si Lala sa Batangas."
Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ng ina nito.
"Naku, Ma'am, h'wag na po." Mabilis na tanggi ko. Hindi naman niya ako pinansin dahil si Mich ang binalingan nito.
"Tawagin mo nga ang Kuya Matt mo, Mich. Sabihin mo may iuutos ako."
"Mommy, ako na lang ang maghahatid sa kan'ya sa Batangas," sagot nito sa ina. Umiling naman ang ina nito. "Mom."
"May pupuntahan tayo, hindi ba?" Mukhang naalala naman ni Mich na may lakad nga silang mag-ina. "Tawagin mo na ang Kuya mo."
Walang nagawa si Mich kun'di ang sumunod sa ina. Kami naman ni Jelaine ay naiwang nagkakatinginan nang palihim.
"Ma'am, mawalang-galang na po pero gusto ko po sanang umuwing mag-isa." Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.
"Bakit? Teka, sandali nga, may kinalaman ba ang anak ko sa biglaan mong pag-uwi?"
"Ay wala po, Ma'am!" Medyo napalakas pa ang boses ko. "May aasikasuhin lang po talaga ako. Gusto ko lang pong umuwing mag-isa para matuto akong bumiyahe," giit ko.
"Sigurado kang kaya mong umuwing mag-isa?" Paniniguro pa nito.
"Ay opo naman, Ma'am. Kayang-kaya po talaga," sagot ko kasabay ng pagtango.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang tumango siya sa akin. "Okay sige, kung 'yan ang gusto mo," anito at may kinuha sa bag.
Kumuha pala ito ng pera at inabot sa akin. Sandali akong hindi nakakibo. Naramdaman kong may mga matang nakamasid sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Matt sa di-kalayuan, katabi si Mich. Lalo akong nakaramdam ng panliliit dahil doon.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Matt pero ayo'kong isipin niya na abusado ako. Ibinalik ko ang tingin kay Ma'am Mandy at inabot ang kamay nito hindi para kunin ang pera kun'di para hawakan iyon at magpasalamat sa kan'ya. Pinagpilitan nitong kunin ko 'yon pero hindi ko gagawin 'yon para lalo akong hamakin ni Matt.
Hindi ko maintindihan pero sa lahat ng mga salitang sinabi niya sa akin dito ako mas tinamaan. Bumaon sa puso't isip ko ang salitang ilugar ko ang sarili ko. Ipinamukha niya sa aking iba ang lugar ko sa lugar nila.
Kahit anong pagpupumilit ni Ma'am Mandy ay hindi niya ako napilit na kunin ang pera. Mas gugustuhin ko pang maglakad kaysa ang tanggapin 'yon. Maging ang kaibigan ko ay walang nagawa nang hindi na ako nagpaawat na uuwi na. Sa huli, pumayag na rin ito at nagbilin na tawagan ko siya kapag nakauwi na ako.
Nang mapadaan ako sa harap ni Matt ay hindi ako nag-abalang tapunan ito maski sulyap man lang.
Palabas na ako ng mansion nang may humawak sa braso ko. "Lala, wait!"
Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon. Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at hinarap ito. "Bakit?" Hindi ko itinago na masama ang loob ko sa kan'ya.
Hindi ito umimik, nakatingin lang sa akin na para bang may hinahanap na kung ano sa mukha ko.
"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako." Nagahol naman ito sa paghawak sa braso ko. "Bakit ba?"
"Look, I'm sorry for what I've said a while ago. I didn't mean to--"
Napaismid naman ako. "You didn't what?Hindi mo sinasadyang hamakin ako? Gets ko naman 'yong sinabi mo kaya naiintindihan ko. Alam kong baliw ako, loka-loka, may sayad pero alam ko naman kung saan ilulugar ang sarili ko, Sir."
"I'm sorry." Malumanay na hingi nito ng sorry. Hindi ko alam kung sincere ba siya o hindi. "Alam kong mali 'yong sinabi ko, pasensya ka na."
Isang buntong-hininga ang ginawa ko bago sumagot. "Okay."
Bakas ang pagkamangha sa mukha nito. "Hindi ka na galit sa akin?"
"Hindi naman ako galit."
"Pero aalis ka."
"Oo, aalis na ako. Hindi ko na kayang mag-stay sa bahay ninyo pagkatapos ng mga sinabi mo sa akin. Kahit loka-loka ako, marunong naman akong mahiya, Sir," pag-amin ko. "Baka mamaya habang nakikikain ako sa inyo iniisip mo ng ang kapal ng mukha ko."
"Lala."
Mapait akong napangiti dito. "Kung hindi naman pala ako welcome sa bahay ninyo, sana hindi mo na lang ako kinaray-karay papunta dito."
"Hindi gano'n 'yon, Lala. Can you please stay?" May pagsusumamong hiling nito.
"Hindi ko kayang mag-stay sa bahay na hindi naman pala ako welcome. Mas gusto ko pang matulog sa kalsada kaysa ang matulog sa malambot na kama pero hindi naman ako tanggap."
Gigil na napahilamos ito sa sariling mukha at kapagkuwa'y naiiling na tumingin sa akin.
"Akala ko ba hindi ka galit?"
"Hindi nga."
"Pero masama ang loob mo?"
"Hindi rin."
Napuno ng kalituhan ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Anong nararamdaman mo sa akin ngayon?"
"Wala rin." Nang lalapit siya sa akin ay mabilis akong humakbang palayo.
"Lala." Dumaan ang iba't ibang emosyon sa mukha nito na hindi ko kayang pangalanan. "I'm sorry. It's just, I'm jea-- damnit! I'm sorry, okay?" Bakas ang inis sa mukha nito habang sinasabunutan ang sarili.
Habang lumalayo ako ay lumalapit naman ito. "Lala, stay. Please?"
"Uuwi na ako. Bye!" Iyon lang at nagmamadali na akong umalis.
Hindi na ako nag-abalang lumingon kahit nang tawagin niya ako. Tuloy-tuloy lang akong naglakad paalis sa lugar na iyon. At gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagawa kong itago kay Matt na nasasaktan ako.
Wala akong dala maski ano sa pag-alis ko, ultimo cell phone na binili niya para sa akin ay iniwan ko na rin. Pero siyempre, hindi totoong maglalakad ako dahil binigyan ako ng pera ni Jelaine kahapon kaya malakas din ang loob kong hindi kunin ang pera ni Ma'am Mandy.
Hindi ko kabisado ang Maynila, ni hindi ko nga alam kung ano at saan ako sasakay pero may bibig naman ako. Nagtanong-tanong ako kaya natukoy ko rin ang sakayan papunta sa Batangas. Sumukay ako ng jeep at bumaba sa Trinoma , doon daw ako sasakay para makapunta sa terminal ng bus pauwi.
Pagdating sa sakayan ng MRT ay hindi ko alam ang gagawin ko. Nakipila ako sa mahabang pila.
"Manang, saan po kayo pupunta?" Narinig kong tanong ng isang boses lalaki. Hindi naman ako nag-abalang lingunin kung sino iyon.
"Manang, alam po ba ninyo kung saang istasyon ang Mega Mall?" Muling tanong ng lalaki. Wala naman akong narinig na sumagot sa tanong nito.
Baka bingi ang kausap niya. Piping usal ko.
"Manang!" Napaiktad ako nang may humila sa buhok ko dahilan para mapatingala ako nang wala sa oras. "Bingi ka ba?" Asik ng lalaki sa akin.
Hindi kaagad ako nakakibo dahil nakuha na ito ng atensyon ng mga tao sa terminal na 'yon.
"Kanina pa kita kinakausap ah! Bingi ka ba?" Galit na tanong nito sa akin. "Mano bang sabihin mong hindi!"
Napahiya ako sa inasta nito dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. At dahil inis na inis pa rin ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong dibdib ito. Napasinghap ang mga tao sa paligid namin.
"H'wag mo akong masigaw-sigawan ah. Nagtatanong ka lang ang angas-angas mo pa!" Gigil na sabi ko.
"Kanina pa ako nagtatanong pero hindi ka man lang sumagot! Hindi ka naman siguro bingi, hindi ba?" Mayabang na sabi nito.
Ramdam kong namula ang mukha ko sa sobrang gigil. "Malay ko bang ako ang tinatanong mo, ha? Manang ka nang manang, bakit manang ba ako?" Pagtataray ko.
"Oo, manang ka!"
"FYI, hindi ako manang! Tigas ng mukha mong tawagin akong manang eh, mas mukha ka pa ngang gurang kaysa sa akin. Kapal mo, hoy!"
Nanggigigil na hinaklit nito ang braso ko dahilan para mapaigik ako. Pinilit kong hilahin ang braso ko mula sa kamay nito pero hindi nito binitawan 'yon.
"Bitawan mo 'ko, ano ba?" Nakipaghilahan ako ng braso rito nang biglang may magsalita mula sa likuran ko.
"Take your hands off her!" Mahina ngunit mariing utos ng boses na iyon.
Tumigil ako sa paghila ng braso ko at nilingon ang may-ari ng baritonong boses na iyon. "Matt?"
Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa terminal. Hindi lang ako ang nagulat, maging ang mga taong nakapila ay nagulat din at waring hindi makapaniwalang may isang lalaking kasingguwapo ni Matt. Mayro'n namang animo'y kinikilig.
"Hala, ang guwapo naman!" Hindi napigilang papuri ng isang babaeng nasa unahan ko.
"I said, take your hands off her!" Mas naging mabangis ang boses ni Matt. Hinawakan nito nang mariin ang kamay ng lalaki habang madilim ang mukha. "Bibitawan mo siya o babasagin ko iyang mukha mo?"
Malakas na singhapan ang narinig ko nang akmang babanatan ni Matt ang lalaki. Mukhang natakot naman ito kaya binitawan na ang kamay ko. Nagmamadali na rin itong umalis sa lugar na iyon. Umugong ang bulungan sa paligid habang ako nama'y hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Matt.
Anong ginagawa niya rito? Piping usal ko.
"Are you okay? Nasaktan ka ba?" Malambing na sunod-sunod na tanong nito habang tinitingnan ang braso ko. "Ano pang ginawa niya sa 'yo? Namumula ang braso--, Lala?" Tumingin ito sa akin nang hilahin ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito.
"Okay lang ako, Sir. Anong ginagawa mo rito?"
"Sinundan ka. Nag-alala ako sa 'yo. Alam kong hindi mo kabisado ang Maynila at natakot akong baka kung saan ka na naman mapunta. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nasisigurong ligtas kang nakauwi. Nalaman ko ring hindi mo dinala ang cell phone mo kaya mas nag-alala ako sa 'yo," litanya nito.
Napatitig ako rito. Si Matt ba talaga itong nagsasalita sa harap ko? Bakit parang ibang tao siya ngayon?
Wala sa sariling kinusot-kusot ko ang mga mata ko, baka kasi nananaginip lang ako o namamalikmata lang. Pero kahit paulit-ulit kong kusutin ang mga mata ko si Matt pa rin ang nakikita ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti nito dahilan para kiligin ang mga nasa paligid namin.
"Let's go?" Nagahol pa ako sa pagsunod dito nang basta hawakan ang kamay ko at hilahin.
"Saan mo ba 'ko dadalhin? Matt, hindi na ako babalik sa inyo." Hinila ko ang kamay ko mula rito. Hindi nito pinakawalan iyon bagkus ay mahigpit na hinawakan iyon. "Matt.."
Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa pagkakadaiti ng mga palad namin. Anong nangyari sa kan'ya? Naengkanto ba siya?
"Hindi ako multo, Lala." Anito at dumukhang papalapit sa akin. "Hindi rin kita iuuwi sa bahay."
"Saan mo 'ko dadalhin?" Nahihiwagaan pa ring tanong ko.
"Tulad ng sabi ko, hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nasisigurong ligtas kang nakauwi kaya hahatid kita pauwi."
May kung anong kilig akong naramdaman sa sinabi nito. Pero kaagad ko ring pinaalalahanan ang sarili ko na masama ang loob ko sa kan'ya.
"Kaya kong umuwing mag-isa, Matt." Giit ko kapagkuwan.
"Yeah, I know that. But I insist." Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako paalis ng lugar na iyon.
Sumakay kami sa kotse nitong nakaparada sa di-kalayuan. Habang lulan ng sasakyan nito ay pareho kaming walang kibuan. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak nito at bigla akong hinatid.
Baka nagi-guilty lang siya, Lala. Piping paalala ko sa aking sarili.
Habang nakatanaw sa labas ng bintana ay ramdam ko ang panaka-nakang sulyap nito sa akin. Pinilit kong ignorahin iyon kahit naiilang ako sa pagsulyap-sulyap niya.
Naiilang ako dahil hindi naman ako kasingganda ng mga babaeng idini-date ni Matt. Pero may ibubuga naman ako kahit papaano lalo na kapag natuto akong mag-ayos sa sarili ko. Bigla kong naisip ang offer ni Mich na make over. Hm? Why not?
Napatingin ako kay Matt at hindi ko napaghandaan na nakatingin din pala siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Nagawa kong itanong.
"Bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa walang imik at hindi ako sanay na hindi ka nagsasalita."
Parang batang napasimangot ako. "Hindi kita trip kausap."
Tumawa ito. Eksaktong natapat kami sa stop light kaya huminto ito. "I'm sorry, Lala." Kapagkuwa'y sabi nito. "Hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin o kinakausap."
"Nakakahiya kasing makipag-usap sa mga taong hindi ko ka-level."
"Sabi mo hindi ka galit?"
"Hindi naman talaga ah."
"Sabihin mo nga sa akin iyan nang nakatingin ka." Ungot nito.
Tiningnan ko ito. "Hindi ako galit, okay na?"
"Ngumiti ka."
"Ehhh.." Inilabas ko lahat ng ngipin ko dahilan para matawa ito. Inismiran ko ito. "Mas baliw ka pa kaysa sa akin, alam mo ba 'yon?"
"Yeah. Nahawaan mo na yata ako sa pagiging baliw mo." Anito at muling tumawa.
Manghang napatingin na lamang ako rito. Kanina galit, ngayon naman mabait at tumatawa. Baka bukas galit na naman. Haist! Ang hirap talagang spelling-in ng lalaking ito.