Fhara’s POV
Pangalawang araw ko palang sa Yukusai pero absent na ko ngayon. Nakakatamad kasing pumasok. Nandito lang ako sa condo at nakahiga habang nag-iisip ng kung ano-anong bagay katulad nalang ng sasabihin nila Yo, Bryan at Chrome ngayong alam na nila ang nangyari samin ni Railei. Paniguradong susumbatan ako ng mga yun. Nakaiwas lang ako sa kanila kahapon dahil sinabi kong wala ko sa mood. Iniisip ko rin ang mga sinabi sakin ni Railei kahapon. Tapos siguradong gaganti pa ang members ng Death dahil sa ginawa nila. Nakita ko kasi ang matalim na tingin ni Railei samin kahapon.
"Aish!" Sabi ko habang ginugulo ang buhok ko.
Napatayo ako nang marinig ang pagring ng telepono. Sino naman kaya ang tumatawag?
"Hello?"
"Lady Fhara." Psh.
“Ano na naman ba, Crane?" Kailan ba ko titigilan ng mag-amo na ‘to?
"Lady Fhara, ang papa niyo po nasa hospital ngayon." Natigilan ako sandali at kumabog ang dibdib ko.
"Ano? Bakit?" Siyempre kahit papaano nag-alala pa rin ako sa matandang yun. "Dahil ba sa kidney cancer niya?"
"Opo.” Psh. Karma na siguro yan.
"Ah. Oh, anong gusto mong gawin ko?" Bumalik na naman ang inis ko.
"Pinapapunta niya po kayo dito." Na naman? Parang alam ko na naman kung bakit.
"Kung tungkol na naman yan sa Kurunawa, huwag niyo na kong asahang pupunta dyan." Ibababa ko na sana ang telepono pero nagsalita pa si Crane.
"May ikikwento daw ang iyong ama sayo." Kwento?
"Masiyado na kong matanda pa--." Pinutol niya ang sinasabi ko.
"Tungkol sa mama niyo." Kay Mama? Biglang binuhay nito ang interes ko.
"Saang hospital yan?" Binigay niya sakin ang address at room number. Binaba ko na agad ang telepono at pumunta na doon. Ano kayang sasabihin niya tungkol kay Mama?
Panibagong isipin na naman!
***
Pagdating ko sa hospital, nakita ko agad ang mga alagad niya na nag-aabang sa labas ng hospital.
"Dito po tayo, Lady Fhara." Nauna silang maglakad at sumunod nalang ako. Pagdating namin sa kwarto niya, iniwan na nila ko. Pumasok na ko ng hindi kumakatok.
Pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga dun sa isang malaking kama. Hindi ito basta-bastang kama na nakikita sa hospital. Kung titignan mo nga ang kwarto niya parang nasa magarang hotel ka lang eh, lalo na kung wala ang napakaraming apparatus na nakakabit sa kanya.
Lumapit ako sa kanya. Natutulog yata siya. Una kong napansin ang mas payat pa niyang katawan, parang buto't balat na lang. Ibang-iba sa lalaking kasama ko 5 years ago. Ang itsura niya parang pagod na pagod na at hinihintay na lang ang araw niya. Bigla akong nakadama ng awa para sa kanya.
"Tapos mo na ba akong pag-aralan?" Dumilat na siya. Gising pala. "Maupo ka na."
Sinunod ko siya at umupo sa upuang katabi ng kama niya.
"Sabihin niyo na ang sasabihin niyo." Hindi ko na kayang magtagal pa dito kasi habang tumatagal na nandito ako at nakikita kita, parang nawawala ang galit ko sayo.
"Mahal mo talaga ang mama mo, no? Pumunta ka lang dito para sa kanya. Sabagay, sino bang hindi magmamahal sa kanya? Siya na yata ang pinakamaganda, pinakamabait, pinakamapagmahal at pinakamatapang na babaeng nakilala ko. At natutuwa ko kasi namana mo yun lahat sa kanya." Sabi nito habang nakangiti.
"Pwede ba? Huwag ka ngang magkunwari dyang minahal mo talaga siya." Sabi ko sa mapagkutyang tono.
"Noon, isa lamang akong gangster na walang puso at hangad lang na maging pinakamakapangyarihang gangster sa lahat. Pumapatay ako na para bang langgam lang ang mga pinapatay ko. Mas natutuwa ko kapag maraming dugo ang nakikita ko. Wala akong pakialam sa iba. Kahit nga mga kasama ko sa gang, sinusuka na ko." Tinitigan ko nalang siya at nakinig. Hindi na ko nagsalita kasi parang di niya rin naman papakinggan dahil mababakas mo sa kanya na nandun siya ngayon sa nakaraan niya.
"Hanggang nakilala ko siya. Ang leader ng Jewel Gang, si Diamond. Puro sila mga magaganda at astig na mga babae sa gang nila pero kapag tinignan mo silang maigi, una mong mapapansin talaga si Diamond. Hindi siya pangkaraniwan. Ang mga mata niya? Kagaya ng iyo kapag nagagalit, nakakatakot. At oo, sa kanya ko unang naramdaman ang 'takot'. Nung panahon na yun, kami ang Rank 1 kaya maraming naghaHamon samin, hanggang dumating ang araw na ang Jewels na ang humamon samin. Una, tinawanan lang namin sila dahil puro mga babae sila kaya imposibleng matalo nila kami pero nang nagsimula na ang laban, kinain namin ang sinabi namin dahil malalakas nga sila. Nung nasa gitna na kami ng laban, biglang nagsisugudan samin ang iba pang mga gangsters na nanunuod, nagtaka kami kung bakit sila sumugod pero wala kaming nagawa kundi labanan na rin sila. Siguro mga nasa 40 sila at malalakas. Nagulat nalang kami dahil ang mga Jewels na ang nakasama namin sa paglaban sa kanila. Habang nasa gitna ng laban, naramdaman ko nalang na may pumalo sa ulo ko at maya-maya pa, nawalan na ko ng malay. Nagising nalang ako na nasa hindi pamilyar na kwarto at biglang may nagsalita."
Kento Kurunawa’s POV
(Flashback)
"You're awake." Sabi sakin ng pamilyar na babae na biglang pumasok sa kwarto.
"Who are you? Where am I?" Sinubukan kong tumayo pero biglang kumirot ang ulo ko.
"You're not totally healed yet. By the way, I'm Diamond, but you can call me in my real name, Doreen." Oo nga, siya ang nakalaban namin nung nakaraan. Sino nga ba ulit ang nanalo sa laban na iyon?
"Nung araw ng laban natin sa mga gangsters, napalo ka ng baseball bat sa ulo at nawalan ng malay. Ang mga kasamahan mo tumakbo na at iniwan ka kaya kami nalang ng mga gangmates ko ang nagdala sayo dito sa hospital. Huwag ka ma- alala, safe dito kasi amin ‘tong hospital na." Mga gago talaga ang mga ulol na yun, iniwan lang ako?
"Anong safe? Bakit? Nanganganib ba ko?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi kami nakipaglaban sa inyo para makuha ang ranking niyo. Matagal na naming alam ang mga plano ng ibang gangsters na patayin kayo kaya tinapat namin ang laban natin sa araw na susugod sila." Paliwanag niya.
"Pero bakit nila kami gustong patayin?" Naguguluhan na ko.
"Sila ang mga gangs na nalagasan ng mga members dahil pinatay niyo ng wala namang kasalanan. Gusto nila maghiganti sa inyo." Psh. Ganun pala.
"Kung tumakbo lahat ng mga kasama ko, paano niyo nakayang mabuhay pa at maligtas ako sa dami ng kalaban niyo?"
"May back up kami. Nga pala, tatawagin ko na ang doctor para sabihing gising ka na." Sabi niya pero nagtanong pa ulit ako.
"Huling tanong, bakitt niyo kami naisipang tulungan? Kung tutuusin wala naman kayong pakialam kung mamatay kaming lahat na naglalaban dun?" Nagkibit-balikat lang siya.
“Thrill. Naboboring na rin kasi kami sa mga laban namin eh." Yun lang ang sinabi niya tapos lumabas na siya.
Dumaan pa ang ilang linggo bago ako gumaling. At sa loob ng ilang linggo na yun, si Doreen lang ang nag-alaga sakin. Hindi ko napansin na nahulog na pala ko sa kanya. Sobrang bait niya kasi, mapag alaga at nakakatuwa kahit hindi naman niya intensyong magpatawa. Actually, wala nga siyang emosyon eh, at yun pa lalo ang nagpaganda sa kanya para sakin. Hanggang dumating ang araw na nagtapat na ko sa kanya. Nakakatuwa nga kasi mahal niya na rin pala ko.
(End of Flashback)
Fhara's POV
"Naging kami for 5 years at nagpakasal na rin after. Nagkaron din kami ng isang napakaganda at napakabait na anak. Ikaw yun, Fhara." Nakangiti niya akong tinitigan.
"Sandali nga, bakit mo ba sinasabi sakin ang mga bagay na ‘to?" Tanong ko sa kanya. Pero imbis na sumagot, ngumiti lang ulit siya.
"Nung pinanganak ka na ni Doreen, naisipan naming magnegosyo. Tutal pareho naman kaming gangsters noon, napagdesisyonan nalang din namin na magtayo ng training center ng mga gangsters, ang Kurunawa. Naging malago agad yun dahil maraming nagtiwala samin. Ang mga anak ng mga gangsters dati, dun namin hinubog. Pero isang araw, sa sobrang successful ng Kurunawa, maraming naiinggit samin at nagplanong angkinin ang Kurunawa. Pumasok sila sa Kurunawa at kinuha ang tiwala ko. Nilason nila ang utak ko hanggang pumayag na kong gawing mga assasins, drug lords at kung ano-ano pa ang mga trainees namin. Nung nagising na ko sa ginagawa namin, binaligtad ko kaagad ang mga nangyayari, tinigil ko ang mga maling trainings na tinuturo namin sa mga trainees. Nagalit sila at nagbantang papatayin kayo ni Doreen kung hindi ibibigay ang Kurunawa sa kanila."
Nagulat ako sa sinabi niya. Paano nangyari na hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa Kurunawa?
"Pero hindi ako nagpatinag sa kanila, tinuloy ko pa rin ang pagputol sa mga ginawa nila sa Kurunawa. Hanggang isang araw, nung nasa office na ko, nabalitaan ko nalang ang nangyari kay Doreen. Nagmadali akong umuwi satin pero nanlumo ako nung nalaman kong huli na pala ko." Biglang may tumulong luha sa mga mata niya. "Hindi ko siya magawang lapitan. Hindi ko siya magawang yakapin kasi hindi ko kayang makita ang itsura niya. Ayokong makita na patay na siya. Gusto ko manatili lang siyang buhay sa isip at alaala ko. Ayokong mawala ang nag-iisang babaeng minahal ko, ang nag-iisang babaeng nagpatino sakin at nagparamdam sakin ng takot. Ang tanging babaeng pinangarap ko na makasama hanggang sa pagtanda. Ayoko mawala sakin si Doreen. Mahal na mahal ko siya." Nagpatuloy sa pag agos ang luha niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at umiyak na din.
"Yun ang dahilan kaya bago pa man siya ilibing, umalis na ko ng Pilipinas. Umalis ako na dala ang pangako kong ipaghihiganti ko siya. Kaya pagdating ko sa Korea, palihim kong inimbistigahan kung sino ang pumatay sa kanya. Si Christopher Lee, ang lalaking naging assistant ko noon, ang gumawa nun sa Mama mo, Fhara. Nung nalaman ko yun, plinano ko kaagad ang pagkamatay niya at malinis namang naisakatuparan yun."
"Hindi yan totoo. Nagpakamatay si Christopher kaya paano naisakatuparan ang plano niyo?” Tanong ko.
"Ganyan nga ang pinalabas namin. Alam ko na maghihiganti ka kaya inunahan ka na namin. Isa pa, hindi pwedeng malaman ng mga pulis na pinatay siya dahil maaari akong makulong dahil wala naman akong matibay na ebidensya na siya nga ang pumatay kay Doreen." Patuloy pa rin akong umiiyak dahil sa mga nalalaman ko.
"Kung totoo nga yang sinasabi mo, paano mo naatim na iwan nalang ang anak mong nag-iisang nagluluksa?" Natanong ko na rin sa wakas ang matagal ko ng gustong itanong sa kanya.
"Fhara, hindi kita iniwan. Marami akong binayarang tao para bantayan ka. Lahat ng nangyayari sayo, alam ko." Paliwanag niya pero hindi iyon naging sapat.
"Pero hindi ko sila kailangan! Ikaw ang kailangan ko!” Umiiyak na sabi ko sa kanya. “Isang ama ang kailangan kong magpagaan ng loob ko, pero wala ka. Imbis na nagbayad ka sa mga taong yun, sana umuwi ka nalang o kaya sinama mo na lang ako."
"Kasi anak, gusto ko maging independent ka. Ayokong umasa at maattach ka sakin kagaya ng sa mama mo. Kasi Fhara, sa industriyang ginagalawan ko ngayon, kailangang isipin mo araw-araw na ang swerte mo dahil buhay ka pa hanggang ngayon. Kung maging dependent ka sakin, at bigla kong mawala sayo, baka hindi mo na naman kayanin. Fhara, ikaw nalang ang natitirang iniwan sakin ng mama mo. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Mahal na mahal kita anak." Tinitigan niya ko sa mata at naramdaman ko ang sincerity niya sa mga sinasabi niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya.
"P-Pa… Papa! Sorry po. Sorry talaga." Niyakap niya rin ako at umiyak din siya. Ilang taon na ba nung huli kong nayakap ang lalaking ‘to? Halos nakalimutan ko na ngang may ama ako eh. Pero ang tanga ko pala. Bakit ba lagi nalang ako nagkakamali sa pagpili? Una, mas pinili ko si Railei kesa sa mga kaibigan ko. Tapos si Papa, mas pinili ko pang magalit sa kanya kesa intindihing mabuti ang nangyayari. Bakit ba hindi ko naisip agad na imposibleng basta-basta nalang iwan at kalimutan ni Papa si Mama? Paano niya makakalimutan nalang basta basta ang babaeng mahal na mahal niya? Ang tanga ko talaga!
"Ssh. Wala kang kasalanan Fhara."
Nung natapos na kaming mag-iyakan, humiwalay na ko sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha ko.
"Papa." Ngumiti ako. "Payag na po ako."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Payag na ko, Pa. Payag na kong hawakan ang Kurunawa."