Fhara’s POV
Kakarating lang namin sa Yukusai nang marinig namin ang tunog ng bell.
"Sakto!" Sabi ni Tara.
"Saktong late na tayo. Tsk." Sabi ni Yo. Nagpout lang si Tara.
"Bilisan nalang natin maglakad, baka wala pa dun yung prof." Sabi ko. Napatingin naman silang lahat sakin.
"Baaah! Good mood, ah? May nangyari ba kahapon kaya ka absent? Spill!" Sabi ni Zymine.
Ngumiti ako.
"Guess what?" Tinaasan lang nila ko ng kilay. " The fight between me and my father is finally over!"
Nagulat silang lahat.
"Omg! How come?" Masayang sabi ni Tara.
"I will tell you later. Late na tayo, eh."
Ngumiti lang silang lahat at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad kaso bumagal ang lakad namin nang mapansing lahat ng tao nakatingin samin. Ang iba parang nag-aalala ang itsura, ang iba naman nakangisi, tapos ang iba nagbubulungan. Ano bang meron?
Tuluyan na kaming napahinto nang napansin naming nag aabang ang Death Gang malapit sa may soccer field at umayos na sila ng tayo nung napansing nandun kami. Tsk. May naaamoy akong madugong labanan.
"Kamusta?" Maangas na sabi ni Bullet. Siya yung blondie na mataas ang buhok. Kilala ko na ang mga members ng Death dahil nga diba naging girlfriend ako ni Rai? Napansin ko rin ang mga sugat niya sa mukha. Si Railei naman, nakasandal lang sa puno at nakatitig ng masama samin.
"We're cool. Bakit?" Tumitig sakin ng masama si Bullet.
"Pwede ba Desperate Girl, huwag kang magkunwaring hindi mo pa alam ang ginawa samin ng mga kasama mo!" Ngumiti lang ako. Dahil good mood ako ngayon, mangaasar muna ko.
"Hhaaha! Come on, Bullet! Of course alam ko na yun. Ang pinagtataka ko lang, paano mo nasikmurang tawagin ang sarili mo na Bullet, eh hindi mo nga naiwasan ang mga atake ng mga kasama ko? Tsk. Rank 1 ba talaga kayo?" Sinabi ko yun habang umiiling. Halata mong naasar na talaga si Bullet.
"Gago ka, ah!" Tinaas niya ang kamay niya at handa na kong sapakin. Ako naman naghanda na. Nung palapit na ang kamay niya sakin, yumuko ako at sinuntok ko ang siko niya.
"AAH!" Namilipit sa sakit si Bullet. Narinig ko kasi ang tunog ng parang nag-crack na buto.
"Gusto niyo talaga ng away, ah?" Galit na galit na sabi ni Railei.
Away na!
Sumugod na sila sa amin at nagsimula na ang sapakan. Natapat sakin si Railei.
"Hindi porket babae ka hindi kita papatu--" Sinampal ko siya ng malakas at ngumiti.
"Matagal ko ng gustog gawin yan." Sasampalin niya rin sana ako pero nakaiwas ako at nasuntok ko na naman siya. Mas lalo pa siyang nagalit habang ako tumatawa lang.
"Fhara!" Sumugod na naman siya sakin pero nahawakan ko ang kamay niya at nilagay yun sa likod niya. Paboritong style ko yun kasi wala ng laban ang mga kalaban ko kapag ginagawa ko yun, kagaya nalang nitong si Railei. Tsk. Yung totoo? Rank 1 ‘to? Ang boring.
"Bitiwan mo ko, Fhara!" Hindi ako nakinig at sinipa ko pa ang likod niya kaya napaluhod siya. "s**t!"
"Ano pang ginagawa niyo dyan?! Oras na ng klase!" Nagulat ako nang dumating si Director.
"Good morning, Director! Ang ganda pala ng warm up dito sa school niyo!" Sabi ko sa kanya
"Itigil niyo na yan Ms. Kurunawa. Pumunta na kayo sa klase niyo bago ko pa kayo bigyan ng detention."
"Oops." Binitiwan ko na si Railei. "Okay. Tara na guys!"
Binitiwan na rin nila ang ibang mga Death.
"Hindi pa tayo tapos, Fhara!" Sigaw ni Bullet. Galit na galit na siya pero dinilaan lang namin siya nila Tara at Zymine tapos tumawa kami. Pagtapos nun, tumalikod na kami at handa nag umalis pero nagsalita ulit si Raileil.
"Sino ka ba talaga, Fhara?”
"Who am I?” Ngumiti ako saka tumitig sa kanya ng masama. "I'm the real Fhara Kurunawa."
***
Natapos na ang klase at nakalabas na kami ng safe sa school. Fortunately, wala namang dos por dos, baseball bat, bala ng baril, kutsilyo, at pana na nakaabang samin sa labas.
"Huh! Akala ko pa naman may away tayong madadatnan dito sa labas. Weak pala talaga ang gang na yun, eh." Sabi ni Tara. Ngumiti naman kami. Lahat kasi kami nag-eexpect ng part 2 dahil sa pagbabanta ni Bullet kanina.
"Hayaan mo na yun. Atleast hindi hassle." Comment naman ni Yo.
"Saka kung mapapaaway pa tayo, baka di na natin maabutan ang visiting hours sa hospital." Sabi ko naman. Naikwento ko na rin kasi sa kanila ang tungkol samin ni Papa. Siyempre natuwa sila at nagpasya kaming dalawin siya ngayon. "Tara na!"
***
Gabi na ng makarating kami sa hospital kung saan nakaconfine si Papa. Sinalubong agad kami ng mga bodyguards niya nung malapit na kami sa kwarto niya.
"Good evening Lady Fhara!" Salubong sakin ng mga guards. Tumango lang ako tapos maya-maya humingi sila ng permiso na kapkapan ang mga kasama ko at pumayag naman sila, mahigpit talaga sila sa mga bisita kasi hindi naman talaga basta-bastang tao si Papa.
Maya-maya pa, dumating si Crane.
"Kamusta po, Lady Fhara?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Since when did you care?" Pasensya na pero mainit talaga ang dugo ko sa lalaking to. Nginitian niya lang ako ng peke. "Nevemind. By the way, gising ba si Papa?"
"Kanina niya pa po kayo hinihintay na dumalaw." Sabi niya.
"Sir Crane, okay na po." Sabi nung isa sa mga nagkakapkap kila Tara. Tumango lang si Crane.
"Mga kaibigan niyo, Lady Fhara?" Tanong ni Crane pero nakatitig siya kay Chrome. Tinignan ko si Chrome at nakatitig din siya kay Crane.
"Yes." I said while still looking at them. "Why, Crane? You know them?"
Ngumiti siya.
"Hindi po. Akala ko lang kakilala ko ang isa sa kanila. Pumasok na po kayo." Binuksan niya na ang pintuan para samin.
Naabutan namin na nagbabasa ng libro si Papa. Nung napansin niya kami, ngumiti siya.
"Fhara!" Tapos tinignan niya ang mga kasama ko. "Are they your friends?" Tanong niya.
Ngumiti naman ako at lumapit na kami sa kanya.
"Yes, Pa. This is Tara, remember her? Anak sila nina Tito Yujin at Tita Bernadette." Ngumiti si Papa.
"Of course, I remember her.” Sabi nito at kinausap si Tara. "Ang laki mo na, ah! Sila Yujin at Dette, kamusta?"
"Hello po, tito. Nasa Korea po ngayon sila Papa, pero po sasabihin ko na kinakamusta niyo sila." Ngumiti si Papa. Tinuro ko naman ang iba.
"Ito naman po si Bryan, pinsan ni Tara. Si Zymine, girlfriend ni Bryan. At sila naman po sina Yo at Chrome." Nginitian din sila ni Papa.
"Hello po! Nice to meet you. May dala po kaming prutas para sa inyo. Kainin niyo po to para gumaling kayo agad." Sabi ni Zymine.
"Maraming salamat, hija. Oh, kamusta naman kayong lahat?" At nagtuloy-tuloy na ang kwentuhan namin.
***
Chrome’s POV
Nagsimula ng makipagkwentuhan ang iba sa Papa ni Fhara. Ako naman hindi masiyadong makapag-focus sa kwentuhan nila kasi naiisip ko ang lalaking yun.
Bakit siya nandito?
Natigil ang kwentuhan nang may kumatok sa pinto.
"Pasok." Sabi ni Mr. Kurunawa.
Pumasok siya at dire-diretsong pumunta kay Mr. Kurunawa at yumuko.
"Is there a problem?" Maawtoridad na tanong ni Mr. Kurunawa. Dito yata ni Fhara namana ang pagiging ma-authority niya.
"Nothing, sir. Gusto ko lang po ipaalala na 15 minutes nalang ang natitira sa visiting hours." Paliwanag niya.
"Is that so? Sige, iwan mo na kami." Yumuko ulit siya at tumalikod na para lumabas, pero bago niya buksan ang pinto tumingin muna siya sakin at alam ko na ang ibig sabihin nun.
Ilang minuto pagtapos niyang lumabas, nagpaalam ako sa kanilang pupunta ako sa cr at dahil busy naman sila dun, wala silang pakialam kung lumabas ako. Paglabas ko, nakita kong nag-aabang na siya sakin. Naglakad na siya at ako naman ay sumunod lang. Napunta kami sa rooftop.
Ilang minuto ang lumipas bago siya nagsalita.
"Kumusta na?" Tinitigan ko siya. "Hindi mo sinabing kaibigan ka pala ni Lady Fhara."
"Bakit ka nandito? Bakit ka nakila, Fhara?" Ngumiti lang siya at tinanaw ang mga naglalakihang building na katabi lang ng hospital.
Tsk. Ano bang nasa isip mo, Crane?