Fhara’s POV
Dumating na ang araw na hinintay ko at ng mga gangmates ko. Sa wakas, sama-sama na ulit kaming mag-aaral. Naeexcite na ako.
Sabay-sabay kaming pumasok sa gate ng Yukusai University at pinagmasdan ang paaralan. Hindi katulad ko, ngayon lang nakapasok ang mga gangmates ko sa school ng mga gangsters kaya namamangha pa sila sa nakikita.
Dumiretso muna kami sa Director's office para sa mga papeles namin.
"Good Morning!" Masiglang bati nung matandang nakaupo sa director's table. Siya siguro ang director. Mukha naman siyang ma-authority kahit matanda na siya.
"Good morning po. Kami po ang mga transferee." Magalang na sabi ni Zymine.
Ngumiti lang siya at kinuha ang mga papeles namin.
"Anong gang niyo?" Nagtinginan naman kami. Dapat ba naming sabihin? Napansin ko namang napangiti ang director. "Hay nako. Napakamisteryoso niyo pa rin. Kaya nga hanggang ngayon tagahanga niyo pa rin ako, eh. Diba, Mythical?"
Nagulat kaming lahat dahil alam niya kung sino kami.
"Bakit mo kami kilala?" Tanong ni Bryan. Ngumiti lang ulit ito.
"Tulad nga ng sinabi ko, taghanga niyo ako. Matagal na. Nagsisimula palang kayo, sumusubaybay na ko sa mga laban niyo. Actually, I've been praying for so long na sana kahit isa man lang sa inyo mag-aral dito. Malaking karangalan yun sakin at sa school. But look! Hindi lang isa ang binigay sakin kundi kayong lahat pa! Salamat sa pagpili sa school na ‘to."
Ngumiti lang kami. Bigatin pala mga fans namin.
"Pero huwag niyong isipin na hahayaan ko lahat ng mga gusto niyo. Hindi ako ganun." Paliwanag niya.
"Huwag kayo mag alala, hindi din kami ganun. Pwede na ba naming makuha ang schedules namin?” Tanong ko.
"Good. Ito ang schedule niyo pati ang mapa ng school." Kinuha namin angmga papel na inabot niya. "You may go to your class now. Malaki ang expectations ko sa inyo, ha?"
Expectations? Psh.
Umalis na kami sa office niya at pumunta na sa unang klase namin. Ayos din naman pala ang tandang yun, eh. Iisa lang ang mga klase naming anim. Sabagay, pare-pareho naman kami ng course.
Pagpasok namin sa unang klase namin, naabutan namin ang isang lalaking teacher na nasa mid 30's palang na nagsusulat sa whiteboard habang binabato-bato ng mga gangsters ng crumpled papers. Ang teacher naman, patuloy pa rin sa pagsusulat at hindi sinasaway ang mga bumabato sa kaniya.
Wow, ha? Inaamin kong wala kong respeto sa mga matatanda pero sa salita lang yun. Hindi ako nambabastos lalo na kung walang atraso sakin.
Napansin ko namang itinikom na ni Tara ang kamay niya. Tsk. Ayaw niya rin kasing makakita ng mga ganyan. Isa pa, mahigpit kong bilin yan sa kanila nung mga batang gangsters palang kami na huwag mambubully ng mga tao lalo pa't walang kasalanan sa kanila. Kasi gawain lang yun ng mga mahihinang tao na hindi magawa sa mga malalakas ang ginagawa nila sa mga hindi lumalaban.
Susugod na sana si Tara sa mga gangsters nang hinawakan ni Yo ang kamay niya at pilit na ibinuka ang kamay niyang nakatikom. Tumingin si Tara kay Yo at umiling lang si Yo na parang sign ng 'huwag'.
Maya-maya pa kumatok na si Zymine kahit nakabukas na ang pinto na kumuha ng atensyon ng lahat ng tao sa room. Ngumiti ang teacher pagkakita samin. Siguro dahil mapapahinga sandali ang likod niya sa mga papel. Tsk. Bakit kasi siya pumasok dito kung hindi pala siya marunong lumaban? Saka instead na magsulat siya diyan, bakit hindi nalang niya ituro ang kahalagahan ng papel? Psh.
"Yes?" Nakangiti nyang sabi samin. Ngumiti rin si Zymine. Sa mga formal na usapan talaga, sila ni Bryan ang laging humaharap. Sila kasi ang pinakamatino at mahaba ang pasensya saming anim.
"Are you Mr. Fernandez?" Tumango ito. Ngumiti naman si Zy. "We're the transferees and base on our schedule, this is our first class."
"Ah. Kayo pala ang sinasabi ni Director. You may come in. Pasensya na kayo kung magulo, ha? Ganyan talaga sila, masanay nalang kayo." Tumingin siya sa mga ugok na may mga sariling mundo. "May mga bago kayong kaklase. Maging mabait kayo sa kanila dahil mukha naman silang mababait, okay?"
Yung totoo? Bata lang?
Tumahimik ang buong klase at tinignan kami mula ulo maganda. Maya-maya may nakita akong lalaking nagsalita sa mga nasa likod niya.
"Wala yan mga tol! Di ko nga kilala yan eh." Di ko rin naman kayo kilala. Psh.
"Oo nga mga bro! Mukhang weak!" In your dreams.
"Pero ang hot nung tatlong mga lalaki. Panira lang ang mga babaeng panget na kasama nila." Sabi nung babaeng insikyora. Panget her face!
"Di rin. Yung mga babae nga nagdala, eh!" Tama, tama.
"Witwew!!" Perv.
"Hindi din. Ang papanget nga, eh. Lalo na yung nasa gitna!" Gitna?
Tinignan ko naman kung sino ang nasa gitna.
Grrrr. Away to!
"Pwede ba, huwag na kayo magtalo dyan! Pagpatuloy na natin ang unfinished business natin!" Ngumiti silang lahat saka pinagpatuloy ang pamamato sa prof. Yung iba naman ay kami ang pinuntirya.
"Bullshit!" Naiinis na bulong ni Yo.
Alam kong galit na rin ‘tong mga kasama ko at lahat sila nakatingin sakin. Nasa sakin kasi ang desisyon kung lalaban na kami kasi ako nga diba ang leader?
Ngumisi ako at nagsalita. "Pagbigyan."
Ngumiti rin sila pagkarinig ng sinabi ko.
Binabato pa rin nila kami ng papel habang tumatawa kaya naman lumapit ako sa lalaking nakaupo sa unahan at sinipa ko siya na naging dahilan ng pagkalaglag niya sa upuan. Tumigil ang iba pang namamato sa ginagawa nila nang makita ang nangyari.
Ngumiti lang ako saka ibinato ang upuan niya sa babaeng nagsabing panget ako. Tulog!
Nagsimula na ring magwala ang lima. Papatalo ba naman sila?
Lahat ng tao dun, binugbog namin at wala kaming itinira except sa teacher naming natulala nalang. Noong tapos na kami at nakapag-pagpag na ng katawan, kumuha na kami ng mga matitino pang upuan at umupo doon.
"Magturo ka na, Sir!" Energetic naming sabi sa prof namin. Dun lang siya natauhan at nanginginig na dinampot ang marker niyang nalaglag kanina.
Hindi pa man nakakapagsulat yung prof namin nang may marinig kaming palakpak mula sa pintuan. Nandoon pala si Director.
"Very good! Very good! Hindi ko inakala na maaabot niyo agad ang expectation ko." Nakangiting sabi nito,"Sana mapatino niyo ang lahat ng estudyante ko dito sa Yukusai. Sige na, magklase na kayo."
Iyon lang ang sinabi niya at umalis na. Weird.
Okay naman na ang mga estudyante sa mga sumunod pa naming klase. Kadalasan sa kanila mga natutulog lang. Atleast hindi nananakit, diba? At ngayon, pauwi na kami.
"Guys, ang galing no? Sa dami ng gangs dito sa Yukusai, parang wala ni isa sa kanila ang nakalaban na natin dati.” Puna ni Tara.
"Oo nga. Nasaan na kaya ang mga malalakas?" Zymine.
"Balita ko nung nalaman nila na disbanded na tayo, nagquit na rin sila." Kwento naman ni Bryan.
Ganun?
"Bakit naman daw?" Tanong ko.
"Kasi daw boring na ang mga kalaban nila. Wala ng thrill." Sagot ni Yo.
"Kaya huwag na kayong magtaka kung biglang maglabasan ulit sila dahil buo na tayo." Sabi naman ni Chrome.
"Okay lang. Gusto ko na rin naman ng matinong laban, eh. Puro mga weak ang mga tao dito." Sabi ni Bryan at sumangayon naman sila.
"Eh kung gawin kaya natin ulit ang ginawa natin dati? Hamunin ulit natin ang mga nasa ranking! Nakakamiss din kayang maging rank 1.” Exited na suhestiyon ni Tara.
Rank 1? Grupo nila Railei ang nasa 1 ngayon, diba? Ibig sabihin makakaharap namin sila?
"Go ako dyan! Kayo, guys?" Tanong naman ni Zymine at sumang-ayon din yung tatlo. Nang napansin nila na hindi pa ko nasagot, tinitigan nila ko.
"Anong masasabi mo, Leader?" Tanong ni Yo.
"Okay lang sakin." Ngumiti naman silang lahat. "Pero hindi muna ngayon."
Kumunot ang mga noo nila.
"Kailan naman? Bakit hindi ngayon?" Nagtatakang tanong ni Bryan.
"Saka na kapag natapos ko na ang gusto kong gawin." Tapos nginitian ko sila Tara at Zymine. Mukhang nagets naman nila ang gusto kong sabihin kaya ngumiti din sila.
"May tinatago ba kayo samin?" Tanong muli ni Bryan.
"Girl thing." Sabay-sabay naming sabi nila Tara at Zymine.
"Psh." Sabay-sabay namang sabi nila Bryan, Yo at Chrome.
Palabas na kami sa gate ng school ng napahinto kami dahil makakasalubong namin ang grupo nila Railei. Lahat sila nakatingin samin. Sila Tara at Zymine naman nakatingin kay Railei. Sila Chrome, Yo at Bryan naman, seryoso lang habang palipat-lipat ang tingin samin ni Railei na nagtititigan.
"Let's talk." Seryosong sabi ni Railei sakin.
"Mauna na kayo. Susunod nalang ako." Sabi ko sa lima habang nakatitig parin kay Railei.
Hindi naman sila nagsalita kaya iniwan ko na sila dun at sumunod kay Railei.
Pumunta kami ni Railei sa may soccer field. Walang tao doon ngayon dahil uwian na nga. Sumandal lang ako sa puno na malapit habang hinihintay ang sasabihin ni Railei.
Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko.
Naiinis ako sa sarili ko. Alam ko at nararamdaman ko na galit ako sa kanya pero parang nagingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Siya palang ang lalaking minahal ko at pakiramdam ko, siya lang ang lalaking mamahalin ko.
"Why are you here?" Tanong niya ng hindi tumitingin sakin.
"Studying, obviously." Sabi ko na parang wala lang. Hindi ko na alam kung anong dapat kong iakto. Ayokong makita niya na sobrang baliw pa rin ako sa kanya pero ayoko ring isipin niya na wala na siya sakin.
Bumuntong-hininga siya.
"Kaya ka ba nandito dahil sakin?" Tanong niya ulit at humarap na sakin. Nagkibit balikat lang ako.
"Maybe?" I said, not really knowing the real answer.
Pinikit niya ang mata niya tapos huminga ng malalim na parang pinipigil ang galit niya.
"Nabalitaan ko ang ginawa mo kay Cheyene." Nakatitig na siya sakin.
"I know." Kumunot na ang noo niya.
"Ano bang gusto mong mangyari?!" This time, sumigaw na siya.
Umalis na ko sa pagkakasandal ko sa puno at lumapit sa kanya.
"Ano bang gusto mong mangyari?" Balik tanong ko lang sa kanya at ngumisi na lalong nakapagpainit ng ulo niya.
"Damn it! Bakit ba ayaw mong sumagot ng maayos?!" Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nagsasalita. "Bakit ba ayaw mo pa rin kaming tigilan? Bakit ayaw mo pa akong tigilan?! Hindi na kita mahal! Bakit hindi mo nalang tanggapin yun at tumigil na sa kahibangan mo? Hindi na ko babalik sa iyo kahit ano pang gawin mo, kahit lumuhod ka pa sa harap ko ngayon. Si Cheyene na ang mahal ko. At pwede ba, huwag mo na rin siyang sasaktan, dahil sa susunod na marinig kong sinaktan mo na naman siya, baka makalimutan kong minahal din kita." Natulala lang ako sa sinabi niya at naramdaman ko nalang na biglang tumulo ang luha ko. Siya naman nakakatitig lang sakin. "Tigilan mo na yang pag-iyak mo, wala namang magagawa yan. Mas lalo ka lang nagmumukhang desperada. Hindi pa ba sapat sayo na niloko ka namin ng bestfriend mo? Imbis na maguilty ako kapag nakikita kita, mas nangingibabaw ang pagkainis ko, eh. Huling beses ko ng sasabihin to, tigilan mo na kam—.”
Hindi na natapos ni Railei ang sinasabi niya dahil bigla nalang siyang buamagsak.
Nagulat ako sa nangyari. Pagtingin ko nasa ibabaw na ni Railei si Chrome habang gigil na gigil na sinasapak niya si Railei. Si Railei naman pinipilit tumayo pero sa sobrang galit yata ni Chrome, hindi siya makapalag.
"Gago ka! Anong karapatan mong sabihin kay Fhara yun, ha?" Sinuntok niya ulit si Railei sa mukha. "Alam mo ba kung anong mga pinagpalit niya para lang sayo?! Alam mo ba ha?! Wala kang alam kaya wala kang karapatan sabihin ang mga sinabi mo kay Fhara!"
Ngayon ko lang nakitang ganyan si Chrome. Sa sobrang galit niya, hindi niya tinigilan ng suntok si Railei pero nakaalis si Rai sa ilalim ni Chrome at siya naman ang umibabaw kay Chrome at pinasusuntok din ito.
“Tangina, sino ka ba?! Bakit ka nakikialam dito?” Galit na galit ding sabi ni Rai habang sinusuntok si Chrome.
Nang natauhan na ko, pinigilan ko na sila.
"Tama na!” Pigil ko sa kanila pero hindi pa rin sila tumitigil. "Tama na sabi!”
Hindi nakikinig si Railer at sinasapak parin si Chrome. Bullshit!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinipa si Railei ng malakas kaya gumulong siya sa malayo. Tinulungan ko namang tumayo si Chrome. Naramdaman ko na naman ang panlalamig ko.
Nilapitan ko si Railei na dumudugo ang labi at umuubo pa habang nakahiga. Umupo ako sa tabi niya at seryosong tinitigan siya. Biglang lumaki ang mata niya pagkakita sakin tapos tumitig lang siya sa mata ko.
"Do you want me back?" Lumaki ang mata niya.
"Fhara!" Saway ni Chrome pero hindi ko siya pinansin.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na kita ma--"
"I'll ask you again, do you want me back?" Galit na siyang tumingin sakin.
"Ano ba Fhara?" Tumayo na siya at nagpagpag tapos tumitig ng masama kay Chrome. "Pagsisisihan mo ang ginawa mo sakin."
Paalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya. Seryoso pa rin ako nung tinitigan ko siya.
"For the last time, do you want me back?"
"Psh." Narinig kong sabi ni Chrome pero di ko pa rin siya pinansin.
Inalis ni Railei ang kamay ko sa braso niya at nagbuntong hininga. "No."
I smirked.
"Too bad for you. You lost those three chances I gave you. Pasensya na pero hindi na ulit kita bibigyan pa ng pagkakataon."
Tumalikod na ako at pumunta kay Chrome saka siya binato ng panyo sa mukha niyang may kaunting sugat.
"Scene stealer.” Ngumiti ako sa kanya tapos tumalikod na at umalis.